T W E N T Y S E V E N

2.6K 97 24
                                    

Lumabas ako ng kwarto nang di inaalala kung ano itsura ko. Sumalubong naman saakin ang mga mata ni Suho at Lay na iniwasan ko nalang.

Bigla naman akong sinalubong ng nakangiting Kai, "Goodmorning!" Napatingin ako bigla kay Suho na tinititigan ang mga galaw na gagawin ko. Kaya nailing ako bigla. "Uhh, morning." Sabi ko at umiwas na sa daan ni Kai.

Pero di siya tumigil. Nakasunod lang sita saakin at kinukulit ako.

"Bakit namamaga mata mo?" nagulat naman ako sa seryosong tanong niya.

"A-ah, wala. Allergic reaction-uhmm tsaka nagbasa ako ng libro sa phone kahapon. Nakakaiyak kaya ganon." Wala sa sariling sabi ko at di alam kung saan ibabaling ang tingin pero nagulat ako nang hinawakan niya ang baba ko at itinaas para makita ang mukha ko.

Doon ko siyang nakatingin ng seryoso saa akin at sinusuri ang mga mata ko na parang may hinahanap, "Umiyak ka kagabi?" dahan-dahang sabi niya saakin. Bigla niyang binitawan ang chin ko at tumayo ng ayos, "I don't like you crying."

Naiilang na tumingin ako kay Suho at kay Lay na katabi niya lang na nakatingin parin sa bawat kilos ko. Kinakabahan ako sa mga tingin nila. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"I'm fine." Umiwas ako ng tingin ng naramdaman kong naluluha ako. Frick, not now please.

"Kai! Kumain ka na nga dito, lalamig ang pagkaing hinanda ni Kyungsoo." Narinig kong sabi ni Suho.

Napaiwas naman ako ng tingin. Napangisi sa reaction ni Suho.

"Kasabay kong kumain si Xiumin hyung, Suho hyung." Sabi ni Kai sakanya at hinawakan yung kamay ko. Kahit ako nagulat sa pagkabulgar ni Kai. Di pwede. Di pwedeng malaman ni Suho na may alam si Kai. Baka madamay siya.

Dumilim ang tingin ni Suho ng dumapo ito sa kamay naming dalawa pero wala siyang nagawa kaya tumalikod nalang. Si Lay naman seryosong umiwas nalang ng tingin at sumama sa samahan nila Sehun na ngayon ay naglalaro sa computer.

Noong nakaupo kami sa kusina, biglang bumaling sa tenga ko si Kai at bumulong, "Naiilang ka parin ba sa kiss natin?" Bigla akong namula sa sinabi niya kaya tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko. Bigla naman siyang tumawa ng malakas.

Bigla niyang ibinaba ang kamay ko mula sa mukha ko at sinilip ang mukha ko na nakayuko. Napadiretso naman ako ng upo dahil sa ginawa niya.

"A-Ano ba! Tigilan mo nga yan!" Naiilang na sigaw ko sakanya na tinawanan niya lang. Ang lakas ng epekto niya saakin at alam kong nakikita niya yon, pero for siomai's sake! Ayaw niya ako tigilan, pinupursige pa niya!

"You like me." Bulong niya saakin na nagdala ng kilabot sa pakiramdam ko. "The way I like you. Does this mean, we are dating?" nakangising sabi niya.

Nabilaukan naman ako sa sinabi niya. Agad niyang hinaplos yung likod ko na parang pampatigil sa akin pero mas lalo akong nabilaukan dahil sa pagtaas ng buhok ko sa batok ko. Pucha.

"Uy! Okay ka lang?!"nagpapanic na sabi niya sabay abot saakin ng tubig. Di ko siya mairapan dahil naiiyak na ako dahil sa pag-ubo. Shit ang sakit sa lalamunan, sa dibdib at sa mata.

"Soooo, nagd-date na tayo?" bulong niya saakin dahilan para maibuga ko yung iniinom ko sa mukha niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nangyari. Tumawa siya ng malakas kahit naibuga ko ang tubig sa mukha niya. Agad-agad akong tumayo dahil panic na panic na ako sa nangyari isali mo pa yung mga sinabi ni Kai na paulit-ulit sa tenga ko.

Tawa lang siya ng tawa habang pinupunasan yung mukha niya. Nakatingin lang ako sakanya paulit-ulit na nagsosorry.

"Ew." Sambit ni Sehun nang makita kung ano nangyari na ikinatawa nilang lahat.

Secret Sister 🗸Where stories live. Discover now