Chapter 1 - Hi..Hello

58 1 0
                                    

RACEL'S Pov

after 2 years nang grumaduate ako sa high school ngayon lang ulit kami nag-kita ng mga pinsan ko, dahil may kanya kanya na kaming pinagka bi-busyhan, kaya eto ngayon pupunta kami ng boracay dahil ikakasal na ang isa sa mga pinsan ko. Bumabyahe kami ngayon papunta daw sa bahay bakasyonan ng pinsan nila, hmmm oo NILA lang hindi ko kadugo yung pinsan nila, magulo ba? sige mamaya maiintindihan niyo rin.

"Cous, malayo pa ba? antok na ako eh" tanong ko sa pinsan ko kararating lang namin mula airport pina una na ni Rince yung driver na sumundo sa amin dahil gusto niya siya daw ang mag drive ng sasakyan, first time ko pumunta doon sa pupuntahan namin kaya hindi ko pa alam at kabisado ang lugar na yun

"relax ka lang cous after 35 min. kahit orasan mo pa ako exact 35 mins. andon na tayo" sagot ni Rince

"sure ka ha?" hindi kasi ako makatulog sa byahe dahil na rin sa lubak lubak na daan (-_-)

"Oo, PRAMIS, kaya seat back and relax, don't forget to wear your seatbelt ,enjoy the ride my dear cousin" sabay taas ng kanang kamay niya habang nag da drive at ngumiti ng pagkakaloko

*BRRRRRROOOOOOOOOOOOOOOOOOMM*

waaaaaaaaaaaaahhhhh! walang hiya! napakapit tuloy ako sa upuan ng sasakyan

"Cous! anu ba papatayin mo ba kami ha?" tinignan ko si Jelo sa tabi ko wala lang paki alam, nice!

"hahahaha, eh mukhang nagmamadali ka eh, relax lang sabi haha"

o baka mag taka kayo, si Jelo, pinsan ko din to babae yan ha? kasing edad ko lang din siya nasa tabi ko siya ngayon nakikinig ng music sa I-pad niya hindi mo to basta basta nakaka usap eh medyo moody kasi tsk. kahit na medyo kinakabahan ako sa pinsan kong loko loko may tiwala pa din na man ako na makakarating kaming BUHAY sa destinasyon namin.

....Eksaktong 35 mins. tama nga hehe galing talaga ng pinsan ko andito na kami, hmm maganda din yung bahay sakto lang ang laki at maraming halaman, marami din silang aso napaingay nila, nagtatahulan ng dumating kami.

"oh! andito na pala sila" bumaba na kami sa sakyan nauna kasing pumunta sina tita dito

"hello po tita" agad na lumapit si Jelo sa tita nya, t nag beso-beso, ganon din si Rince

eh ako? eto OP na agad

"Oh? eto na ba si Race? aba ang laki mo na ah?" eh? hindi ko siya kilala swear

"ah hehe, hello po sa inyo" nag smile na lang ako kahit medyo na iilang.  Tita nila Rince at Jelo sa pagkaka alam ko siya si..

"Si tita Anya mo, hindi mo ba ako natatandaan?" tanong niya, hmm ayaw ko na man mag pa-pretend

"Eh hindi po he-he-he''

sila Rince at Jelo naghahakot na ng mga gamit nila papasok sa loob ng bahay nila tita Anya daw

"ay oo nga pala, 3 years old ka pa noong huli kitang nakita, O siya sige mukhang pagod ka na magpahinga ka muna halika ka pasok ka sa loob" sabay hawak sa braso ko at hinila ako papasok

"Tita, si Pachi po nasaan?" tanong ni Jelo, oi himala nagsalita na ang pepe

"andoon sa kwarto niya nag yo-yoga punatahan mo lang"  umalis na si Jelo at umakyat sa room ni Pachi

"Ija racel, mukhang pagod ka nga, halika doon ka muna sa taas matulog ka muna doon sa kabilang kwarto, inaayos pa kasi yung tutulogan nyo" sabi ni tita Anya at dinala ako sa isang kwarto ng bahay nila

"ah tita thank you po, sige po magpapahinga na muna ako"

"o siya sige, kung gutom ka na bumaba ka lang ha? huwag kang mahiya"

My COUSINtahan (Ongoing S.)Where stories live. Discover now