First time, big time...

696 7 5
                                    

ayan!!! update ulit.. ako mismo nabitin sa last chap eh haha.. sinasariwa ko pa unang date namin sa canteen haha.. ewan ko ba.. biglang naging love triangle kasi love story ko.. impakta kasi si Shey eh panira talaga sya sa love life ko nung high school hahha.. pero kahit ganun friends pa din naman...

so eto nah.. enjoy

==================================

Break time: 9:30 am

 

nakita ko si Dex kumaripas ng labas ng room..

excited excited?

sina Day at Shey ay may sinusulat pa at parang walang balak tumayo para mag break.

Hoy mga beki! wala ba kayo balak mag break?

Hay naku joem mauna ka na kasi may tinatapos akong homework for the next subject... si Shey

OO nga joem, mauna kana sasabay na ako kay Shey after dis (sabay kndat sa akin)- si Day

mabuti nalang at kakampi ko si Day sa sikreto ko hehe..

naglalakad na ako sa pathwalk, papalapit na sa canteen.. di ko alam gagawin ko.. seriously di ko alam ano iaact ko infront of him.. parang nawawala mga laman ko sa tyan at parang naeechos ako haha.. kahiya..

(first time teh?)

oo nah, kinakabahan talaga ako eh.

Pag pasok ko ng canteen.. nag palinga linga ako pero bakit parang di ko makita si Dex?

So i decided to grab my own food, i was on the line ordering for rice..

ah Manang pahingi po ako ng 1 rice... tsaka.. tsaka..

(ano nga bang ulam pipiliin ko?)

Manang isang order po ng gulay na yan  para sa kanya..- si Dex?

Andyan ka pala? para kang bula  lilitaw lulubog?

Hehe, tinatry lang kita if hahanapin mo ko.. - si Dex

( impaktong toh! so, parang napahiya pa ako kasi napatunayan nya na hinahanap ko siya? grr!! maxado akong obvious leche! )

Teka bakit gula?

kasi naman po, lagi kita nakikita nag oorder ng karne at wlang sustansya ang karne.. - si Dex

now ko lang nalaman na health consious ka pala neh?

di man halata pero oo haha..

(in all fairness, masarap naman pala kausap tong si Dex.. ang light sa pakiramdam)

 

Sya na rin nag bayad nginorder ko..

after nya mabayaran...  sya ang namili ng lugar kung san kami ppwesto. medyo nahiya pa ako kasi padami ng padami na ang mga pumapasok tas medyo kabado din ako if ever makita kami ni Shey, ano kaya masasabi nya at magiging reaksyon ng bakla.

pagkaupo ko , di ko alam pano mag uumpisang kumain.. the fact that im not used to eat veggies..

(cge lang bakla , kaya mo yan... bawat subo, lunok agad.. hahaha. Peste naman kasi tong si Dex eh.. ke dami daming ulam gulay pa napili for me)

nag start na akong kumain, sympre poise na poise lang para di halatang di ko malunok ng mabuti ang ulam kong chopsuey haha..

Tahimik lang syang kumain... di ko sya tinitingnan.. pero pag nagawi tingin ko sa kanya nahuhuli ko syang nakatitig sa akin haha.. Kilig naman daw ako hehe..

Catch me i'm Fallen (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon