Patago

61 1 0
                                    

Patago kung ika'y tignan
Patago kung ika'y tinititigan
Patago kung ika'y pagmasdan
Sa lahat ng patagong iyon, di parin nagsasawa ni minsan.
Sana makilala pa kita, sana mapatawa kita at sana mapasaya kita.

Patago kang kinilala
Patago kang nagustuhan
Patago kong natutunan na ang isang anghel na tulad mo ay di rin perpekto pero di iyon nakabawas sa dating mo.
Malapit na kitang makilalang lubos, malapit na kitang mapasaya, malapit na.

Patago kong nalaman ang iyong mga gusto
Patago kong nalaman ang mga hilig mo
Kaya naman tayo ay naging magkaibigan at lahat ng nalaman ko nang patago ay napatunayan, anghel ka nga.

Sa wakas hindi na patago kung ikaw ay aking tignan
Hindi na patago kung ika'y tinititigan
Hindi na patago kung ika'y aking pinagmamasdan hindi man nagsasawa pero lahat ng tingin na iyon ay pangkaibigan lamang. Ang hiling kong sana'y makilala ka, mapatawa at mapasaya ay natupad na.

Marami nang bagay ang hindi patago, pero may mga bagay parin ang aking itinatago. Mga bagay na sa tingin ko'y di mo magugustohan, mga bagay na sa tingin ko'y hindi mo kayang suklian.

Patago kitang minahal.

Oo, minahal kita ng patago
Patago akong nahulog sa'yo
Dapat di na yun nangyari kasi kaibigan kita at hindi pwede pero possible kasi nangyari, nangyaring ako'y nahulog sa isang katulad mo na dapat ay kinakaibigan lang.

Walang nakakaalam, wala rin akong gustong makaalam. Walang dapat makaalam na mahal kita, kasi nga patago lang kitang minamahal.

Patago kitang minahal
Patago akong kinikilig sa bawat ngiti mo
Patago akong kinikilig sa bawat galaw mo
Patago akong kinikilig sa'yo

Habang busy ako sa pagmamahal sa'yo ng patago ay may patago ka narin palang minamahal. Pero hindi kagaya ko, hindi ko pinatagal ang pagtatago. Niligawan mo siya, pinaibig at ngayon ay kayo na.

Patago.

Patago akong nadurog
Patago akong nasaktan
Patago akong nagluksa kasi wala ka namang alam, at di mo pweding malaman na dahil sa'yo kaya ako nagkakaganito.

Ipapakita ko sa'yong ako'y masaya
Ipapakita ko sa'yong walang problema
Ipapakita ko parin sa'yo ang dating ako na nakilala mo.
Pero sa pagtalikod mo ay siya ring pag-iyak ko.

Wala kang kasalanan
Wala kang kasalanan na minahal kita
Wala kang kasalanan na minahal mo siya at sinuklian ka niya.

Ngayon, hiling ko lang ay sana mapasaya ka niya
Sana hindi ka niya masaktan
Sana maipadama niya ang pagmamahal na gusto kong iparamdam sa'yo.
Sana maging maligaya kayo.

Patago na kitang bibitawan
Patago ko nang bibitawan ang aking nararamdaman
Patago na sana kitang kakalimutan pero hindi ko kaya, kaya patago ko nalang tatanggapin na hanggang dito nalang ang pagtingin ko sa'yo. Hanggang dito nalang ang pagmamahal ko sa'yo nang higit pa sa pagiging kaibigan.

Hanggang dito nalang ang pagmamahal ko sa'yo ng patago.
Patago na kitang pakakawalan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now