Chapter Eighteen.

1K 41 5
                                    

Days went by quickly as Matteo and I maintained a professional relationship. He is right. Nandito siya para magtrabaho and I have to respect that. Kahit ayaw kong pagsilbihan niya ako.

We even have this monotonous routine wherein he will drive me to work and he will wait in the car until I am done for the day. But not today.

"Ma'am, saan po tayo?" pormal niyang tanong nang pinagbuksan niya ako ng pinto.

"We'll go to my farm," I instructed. "In Nueva Ecija."

"Po?" paninigurado niya.

"We will stay there for two days," dagdag ko.

"Pero wala akong dalang gam—"

"Don't worry about that," I assured him as I took out the aviator shades from my handbag. "I had everything prepared. So, stop talking and drive," I added before finally wearing my shades.

"Drive," pag-ulit ko at umiling lang siya. "I'm serious. It's a business matter."

He slowly nodded before starting the engine. He looks a little pissed that this is all too sudden but I have to make this work. Ilang linggo na niya akong hindi kinakausap, I cannot bear his cold treatment anymore. We need to talk. But we cannot do that if I am always under the scrutinizing eyes of the people back home.

"Ano'ng sinabi mo? Bakit pumayag sila na ako lang ang kasama mo?" tanong niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

"Wala namang alam sina Mommy't Daddy na ikaw 'yong kasama ko sa Ilocos. All they know is that I need a driver," sagot ko.

"Paano 'yong mga kapatid mo? Alam nila..."

"They won't say a thing. Kuya Vino and I are not on speaking terms. Si Ate Vea, kinausap ko na. I got this," I further explained. "Isa pa, wala naman tayong gagawing masama."

"Okay," tango niya. "Saan tayo sa Nueva Ecija, Ma'am?"

"Nilagay ko sa app 'yong address, just follow that," turo ko sa phone na nakalagay sa dashboard stand. "Will you drop the ma'am, please?"

"Nasa trabaho pa rin naman ako," he stubbornly said.

"Sino bang masusunod? Ako o ikaw?" I retorted. "Matteo, it's just me."

"'Yon nga 'yong problema," ngiti niya pero alam kong sarcastic 'yon.

"Bakit?" tanong ko.

"Dahil ikaw si Vynnice Zaldivar," mahina niyang sabi bago niya ibinalik ang tingin sa daan.

"It's still me..." pilit ko pero hindi na siya nagsalita pa.

Nanatili kaming tahimik sa buong biyahe kaya natulog na lang ako rather than bear with the awkward silence.

"You've reached your destination," rinig kong sabi ng automated female voice na galing sa navigation app. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at inalis ang suot kong shades. Madilim na sa labas, ginabi na kami sa daan.

"Vynnice!" salubong sa akin ni Nanay Liza nang bumababa ako mula sa sasakyan. She is the caretaker of my farm. She maintains it and handles all the workers. "Kanina ka pa namin hinintay. Ginabi ka yata."

"Nanay! Nako, kumusta po? Pasensya na ngayon lang po ako nakabalik," ngiti ko pagkatapos kong yumakap sa kanya. "Galing po kasi ako sa trabaho kaya ginabi na ako.

"Mabuti naman ang lagay ko," sagot niya bago niya hinawakan ang kamay ko. "Ikaw, kumusta? Hinanap ka ng mommy mo rito noong umalis ka."

"Kailangan ko lang pong hanapin ang sarili ko, 'Nay," pag-amin ko bago ako bumaling sa direksyon ni Matteo. Nasa tabi siya ng sasakyan at nanunuod sa amin kaya tinawag ko siya para lumapit. "May gusto po akong ipakilala sa inyo."

Eighteen Days to Love YouWhere stories live. Discover now