Chapter 16: My new Friend

1.4K 13 4
                                    

Enjoy Reading :)

==============================================================================

[Macy POV]

Pag katapos namin mag usap ni Kenneth, naniwanagan na ako. Ayoko na maging tanga.

Mahal ko siya kaya pinapalaya ko na siya. Alam ko iyo ang tama. Kahit masakit kakayanin kong mag move-on. Hindi ko nga lang alam kung saan mag sisimula.

My first ever heartbreak sucks!

Kala ko talaga makikipag balikan siya sakin kaya niya ako kinakausap. Akala ko effective ung plano nina Sofia. Pero hindi pala. Pero bakit ganito parin ang pakiramdam ko?

Alam ko na ang totoo and yet nasasaktan pa rin ako?

Mas lalo yata akong nasaktan nung nalaman ko ang dahilan niya.

Bakit hindi niya ako pinaglaban?

Pero ano pa ang magagawa ko?

Tama nga ang sinabi nila na mas mabuti pa na wala kang alam kaysa alam mo lahat

dahil sa dami ng kaalaman namatay si Rizal.

tss, nakakapag joke pa ako sa lagay ko na 'to. Macy ibang klase ka din eh ano?

Habang patakbo ako pabalik ng bistro may bigla namang humigit sakin at niyakap ako

O_o ako yan.

Hindi ako makagalaw. Alam ko kung sino ang taong ito.

"Ra-in?"

"shhhh,, iiyak mo lang"

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Rain,kung bakit niya ako niyakap.

at anong iiyak ko lang?

sinundan ba niya ako?

*dug dug dug*

Ang lakas ng tibok ni Heart. Hindi dahil sa sobra akong nasasaktan kung hindi sa ginagawa ng lalaking ito.

Iyak lang ako ng iyak. Noong mahimasmasan na ako agad naman akong dinala ni Rain sa park malapit sa bistro.

Hindi ko alam ang nasa isip niya ngayon pero alam kong nakaramdam ako ng safety sa piling niya.

Agad niya akong iniwan sa may bench.

"uy. saan ka pupunta?"

Hindi siya nagsalita pero binigyan naman ako ng smile niya na wagas

*dug dug*

Ayan na naman . bakit parang kinakabahan ako?

May sakit na kaya ako sa puso?

After 5mins bumalik na din si Rain na may dalang

choc-o

^___^

napangiti naman ako.

"oh, bakit ka nakangiti diyan?, kanina iiyak iyak ka tapos ngayon nakangiti ka na?"

-___-

panira talaga ito ng moment

"ah,akin ba yan?" sabay turo ko ng choc-o na hawak niya

"ah, alin? ito ba? akin 'to, ito ang sayo" sabay bigay sakin ng

lollipop ^////////^

"ah,, th-anks"

T___T, nakakainis naman itong si Rain e, Kala ko pa man din choc-o ung sakin

Hindi ko tuloy mapigilang hindi tumingin sa kanya

Second Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon