Epilogue

2.4K 50 9
                                    

Star's POV

"Mommy, Jillian bullied me." Sumbong sa akin ni Julian.

"Jillian, what did you do to your brother?"

Limang taon na rin. Hindi talaga ako makapaniwala dahil ang bilis ng panahon kasi dati lang kinakarga pa namin kambal pero ngayon naglalakad na sa sarili nilang mga paa.

"Nothing, mom." Umiwas ng tingin si Julian. Alam ko kung nagsisinungaling siya sa akin o hindi.

"I'm home." Rinig ko ang boses ni Gio.

Bumalik na siya sa kumpanya nila noong nagisang taon ang kambal. Believe or not... Si Gio ang naging CEO ng kumpanya. Dahil doon rin naman nagtrabaho siya sa kumpanya nila Lucas kaya meron na rin siyang alam humawak ng kumpanya.

Lucas trained him.

Ang sabi pa ni Lucas sa akin hindi daw ganoon mahirap turuan si Gio.

"Gio, pagsabihan mo nga itong anak mo. Binubully na naman ang kakambal niya." Hindi ko alam kung bakit pero mabilis uminit ang ulo ko ngayon. Paiba iba ang mood ko.

"Kakauwi ko lang, sweet." Tumingin siya kay Julian na nakayuko lang. "Hey, lad. Ano na naman ang ginawa mo?"

"Nothing, daddy. I just want to play with Jillian."

"You're such a liar, Jul! You bullied me and you destroyed my toy!" Singhal ni Jillian at konti na lang iiyak na siya.

"Hey. Wag kayong magaway na dalawa. Alam niyo naman ayaw kong magaaway kayo." Seryosong sabi ni Gio.

Biglang umikot ang paningin ko.

"You okay, sweet?" May pagaalala sa boses ni Gio. Kahit yung kambal nakatingin sa akin. Nagaalala rin.

"Maybe I'm tired. Papahinga lang ako." Naglalakad ako pero umikot na naman ang paningin ko kaya sumandal na muna ako sa pader.

Nagising akong puro puti ang paligid ko.

Nasaan ako ngayon?

Nakita ko si Gio kausap ang isang doctor.

Doctor?

Nasa ospital pala ako ngayon.

"Mom--" Sabay yung kambal pagkakita nila sa akin na gising na.

"Dad, mommy is awake." Sabi ni Jillian. Lumingon si Gio sa akin.

Umalis na rin yung doctor na kausap ni Gio kanina. Lumapit na siya sa akin.

"I'm glad you're okay. Pinagaalala mo kami kanina noong nawalan ka ng malay."

"Sorry. Bakit ba ako nandito?"

"Nawala ka ng malay kanina kaya agad ka namin sinugod dito."

"Bakit daw? Wala naman siguro akong sakit, no?"

"Wala naman. Pero wag mo masyado pagurin ang sarili mo, sweet. You have to take care of yourself lalo na dalawa kayo." Nakangiting sabi nito.

"What do you mean?"

"You're pregnant, sweet. Four weeks pregnant."

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

Ako? Buntis?

Ang akala ko pagod kaya ako nahihilo kanina. Palagi kasi akong walang tulog dahil sa trabaho.

Pinagawaan ako ni Gio na work place. Hindi ko nga inaasahan na pagagawaan niya ako. Ang akala ko kasi maghahanap kami ng lugar na pwede kong pagtrabahuan pero hindi. Pinagawaan niya ako.

"R-Really?" Hindi talaga ako
Makapaniwala pero may takot rin dahil natatakot ako baka mahirapan ako manganak na nito.

"Mukhang hindi ka naniniwala, sweet. Buntis ka. Magkakaroon nang kapatid ang kambal."

Buntis nga ako. Lalo tuloy akong natatakot.

"What's wrong?" Tanong niya sa akin.

"Natatakot kasi ako." Pabulong kong sabi.

"Bakit ka naman natatakot? May nakaaway ka ba? O may umaway sayo?"

"Wala. Malabo meron umaway sa akin, Gio."

"Bakit ka naman natatakot? Sa anong dahilan?"

"Natatakot ako baka mahihirapan na ako manganak. Alam mo naman tumatanda na tayong dalawa."

Ngumiti lang siya sa akin.

He stroked my cheek.

"Tinanong ko na rin ang doctor na kausap ko kanina tungkol diyan, Star. Pati rin naman ako nagaalala sa kalagayan mo pero magiging maayos ang lahat. Okay?" Sabi niya. Tumango ako bago tumango sa kanya. "Walang mangyayari sayo."

Ang swerte ko talaga dahil si Gio ang naging asawa ko.

Naalala ko tuloy yung sinabi niya sa akin noon. Hindi daw ako magsisi pagsinagot ko siya. Yes, hindi nga ako nagsisi na pumayag akong bigyan siya ng pagkataon na hindi sumuko sa akin.

"You hear that, Jill?" Rinig ko sa boses ni Julian ang saya. Tumango naman si Jillian.

"We're going to be a big brother soon, Jul."

At least may pinagkasundo pa rin ang kambal kahit pa paano. Katulad namin ni Gavin. Hindi kami nagaaway dahil ayaw ni daddy.

Inaamin kong sinigawan ko noon ang kakambal ko dahil sinasabi niyang hindi niya mahal si Beryl pero ang totoo ay mahal naman pala niya. At mas lalo ako nagalit sa kanya noong hindi niya pinagutan ang anak nila ni Beryl.

Kamusta na kaya ang kakambal kong iyon?

Naging magkaibigan nga ang kambal, anak nina Gavin at Beryl pati na rin ang mga anak nina Lucas at Skye.

Five months later...

Ang bilis ng panahon dahil ngayon araw ay malalamim na namin ang gender ng magiging anak namin ni Gio.

Nagulat nga ako noong sinamahan ako ni Gio sa OB ko. Sa totoo lang ang saya ko dahil sinamahan niya ako.

Pinahiga ako ng doctor sa isang kama at may nilagay siyang gel sa tyan ko. Ang lamig talaga noon. Nakakakiliti pa.

Tinuro niya sa amin ang mukha ng baby namin sa monitor. Napangiti ako noong makita ang anak namin.

"You want to know the gender of the baby? Or wait until you give birth, mrs. Marcello?" Tanong ng doctor sa akin.

Tumingin ako kay Gio dahil nakatingin na pala siya sa akin. Tumingin na ulit ako sa doctor.

"I like surprises but I really want to know, doc." Sagot ko sa doctor.

"Okay. Your baby's gender is a girl. Congratulations, mister and misis Marcello."

Napangiti lalo ako noong sinabi ng doctor na babae ang magiging anak namin.

Tumingin ulit ako kay Gio pero wala siyang imik.

"Gio?" Tulala ang lalaking ito. Shinake ko ang kamay ko sa harapan niya.

"Huh?" Tumingin siya sa akin.

"May problema ba? O ayaw mo sa magiging anak natin?"

"Anak ko iyan, sweet. Kaya gustong gusto ko siya at hindi na ako makapaghihintay na dumating sa mundo ang prinsesa ko."

Kahit pa paano ay narinig niya ang sinabi ng doctor na babae ang magiging anak namin.

Babatukan ko ito kung hindi.

"Thank you, Star." Sasagot pa sana ako pero hinalikan na niya ako.

"Eww." Sabi ni Julian

"Yeah, double eww." Tugon naman ni Jillian.

Si Gio na ang humiwalay sa amin. Nawala sa isipan ko kasama pala namin ang kambal.

THE END

~~~~

Title ng story nina Gavin and Beryl ay Almost Like A Fairytale. Soon to be publish.

-Skye

Leave a comment and press ☆ to vote

Road To ForeverWhere stories live. Discover now