Wish You Were Here

421 9 9
                                    

Sorry po kung ang tagal ko toh bago iupdate. Wala pa kasi akong masyadong maisip eh xD Nag iisip din ako ng title para dun sa plano kong sequel nung MFBF. Ayos ah, di pa nga natatapos may sequel agad. Hahaha.

Well, sa mga nag aabang eto na ang update dito. Sana magustuhan nyo po, sana xD :)

Pagtapos nito, 3 more uploads bago mag epilogue :)

XyPia ------>

--

Wish You Were Here

**

I can be tough

I can be strong

But with you

It's not like that at all

There's a girl

That gives a sh*t

Behind this wall

You just walked through it

And I remember all those crazy things you said

You left them running through my head

You're always there, you're everywhere

But right now I wish you were here.

All those crazy things we did

Didn't think about it, just went with it

**

Pia’s POV

Malapit na ang graduation namin at two years na rin yung nakakalipas nung umalis si Xylem ng bansa para dun makatapos ng pag-aaral.

Yun naman ang pangarap nya eh..

Simula nung naging magkaibigan kami palagi nyang sinasabi sakin na gusto nyang makatapos ng pag-aaral sa ibang bansa kaya nag-aaral syang mabuti para makakuha ng chance para matupad yung pangarap nyang yun.

Gusto ko syang maging masaya, bestfriend ko sya eh. Sya yung nagtatanggol sakin kapag binubully ako ng mga kaklase ko, hindi nya hinahayaang maapi ako ng kahit sinuman.

Hindi ko tinatangging namimiss ko sya.

Sya yung laging nasa tabi ko kapag may problema ako, kapag may hindi ako naiintindihan sa lesson namin nandyan sya para turuan ako.

At naalala ko pa nun, nung Valentine’s Day ang sabi nya sakin hindi ko na kailangan pa ng kahit anong effort para magpaganda kasi nagustuhan nya ako kasi simple lang ako.

Sya yung nagturo saking maging matapang at labanan yung taong nananakit sakin. Sya ang naging kuya ko, tatay ko at teacher ko.

Ngayong wala na sya, ano na ako?

Parang wala nang kasigla sigla yung buhay ko, wala na yung bestfriend na laging kong kasama sa kalokohan at wala na akong kasama kapag pupuntahan ko si Jack.

Actually, matagal na akong may gusto kay Xy. Nahihiya lang akong sabihin sa kanya kasi ayokong masira yung pagkakaibigan namin. Ang laki ko lang tanga noh, kasi nagtapat na rin sya sakin 2 years ago pero anong ginawa ko? Tinanggihan ko sya at hinayaang mag-aral sa ibang bansa.

Ginusto ko naman yun eh.

May mga reasons ako kaya ginawa ko yun.

Simula nung umalis sya, saka ko napagtanto na hindi ko lang sya gusto, mahal ko sya. Mahal ko si Xylem Gian Mercado.

You Are My Song ♫Where stories live. Discover now