Chapter 1 - Ang Asong Magnanakaw

7.9K 50 12
                                    

ANG ASONG MAGNANAKAW

May isang asong nagnakaw ng piniritong manok. Habang pinagpapasasaan niya ang buong manok, may munting butong bumara sa kanyang lalamunan.

Hindi niya alam kung paano iyon aalisin.

Sa tindi ng paghihirap ay napatahol siya sa sobrang lakas.

Tumakbo siya kung saan-saan upang makahanap ng makakapag-alis ng bikig.

Nagmamakaawa siya sa paghingi ng tulong dahil hirap na hirap na siya.

Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kanyang bibig. Isang pusa ang pinakiusapan niyang tanggalin ang bikig sa

"Kapag naalis mo ang bikig ko ay mayroon kang gantimpala."

Agad ipinasok ng tiwalang pusa ang ulo hanggang leeg sa bibig ng aso upang alisin ang nakabarang bikig.

Pagkabunot ng bikig ay agad nagtanong ang pusa.

"Nasaan ang aking gantimpala?"

Malakas na umungol ang aso saka inilabas ang matatalim na pangil.

"Pasalamat ka at naipasok mo at nailabas ang iyong ulo sa aking bunganga nang hindi kita sinasakmal." Wika ng asong magnanakaw.

Aral: Ang taong nasa kagipitan, lahat ng sumpa at pangako ay walang katapusan. Pagkatapos namang tulungan ay hindi na makita kung saan.

Pabula CollectionWhere stories live. Discover now