Chapter Six - Life Changes

164 6 3
                                    

Hello. :) Sobrang natutuwa ako kasi may mga nagbabasa na nito. =) Hi readers! ^___^ Sana naman po ay maramdaman ko kayo kahit sa comment lang.. at maging friends tayo. :) Gusto ko talaga sana magkaroon ng friend dito. :)

Dedicated to you, chandriaKalen. Thank you for the votes. :* :)

----------------------------------

* Kath's POV *

Kinakabahan ako. Pero excited din.

Bagong mundo. Bagong mga mukha. Bagong experiences.

College life.

Sabi ng iba, ito na daw ang last hurrah ng pagiging bata. After nito, Hello Real World na. Kaya dapat daw, i-enjoy. Make the most of it ika nga.

Yung iba naman ang sinasabi ay dapat mag-seryoso na. Kasi lahat ng mangyayari sa college ay crucial sa kung ano mangyayari sa adult life mo. Exert all efforts daw para maging mabuting students.

Well, ako?

Bahala na lang.

I'll be myself na lang dahil yun naman ang pinakamahalaga. :)

Sobrang bilis ng panahon.. Akala ko marami pa akong magagawa sa summer vacation, pero heto na, first day of class na.

Lumipas ng mabilis yung time dahil sa maraming preparations for college. Hinaluan pa ng maraming barkada bonding, bestfriends bonding at kung anu-ano pa. Syempre nagbawi din ako sa pagbabasa ng mga favorite kong books.

Shopping galore din ng mga outfit dahil hindi na uso ang uniform sa college. Namili na rin ng mga supplies. Medyo obsessed kasi ako sa magandang notebook, sticky notes, cute colored pens and highlighters. Advance reading din sa ibang subjects para may idea naman ako sa mga pinapasok ko. Oo na, ako na nerd. >___<

Business Administration nga pala ang course  ko. Bakit? Dahil gusto ng parents ko na magkaroon ako ng technical at theoretical know-how para balang araw ay kayanin kong i-manage ang businesses namin. Hanggang ngayon confused pa rin ako sa major na kukunin ko. Pero okay lang dahil sa third year pa naman magdedecide nun.

* pitik sa ilong *

Kath: Aray naman. Problema mo? * habang punas punas ang ilong *

DJ: Aba madam naman. Nandito na po kasi tayo sa school oh. Tulala pa po kasi kayo madam. First day na first day, tulalerks ka.

Kath: Pshhh. O tara na tara na.

Si Daniel Padilla nga po pala ang driver ko.

.

.

.

.

.

Joke.

Actually, ka-course ko siya. Same reasons din. Tuwang tuwa nga ang mokong dahil automatic daw na may buddy na siya - as in taga-gawa ng assignments, project at kung anu anong coursework. Hay buhay.

Pero unlike me, si DJ ay decided na Financial Management ang kukunin niyang major. Dahil doon naman kasi siya magaling. At duon din kasi ang naghihintay sa kaniyang position sa company nila after we graduate.

DJ: Aba talaga naman. Kath alam ko gwapo ako pero-----

Kinurot-kurot ko nga ang gago.

DJ: ARAY!!! ARAYY!! Aba namang babae to. Putek. Tigil nga pinagtitinginan tayo.

Ayyy, hehe. Oo nga.

Kath: Kasi naman ikaw e! Pwede bang loading lang utak ko ngayon kasi overwhelmed?!

Miles: Hoy ang aga aga, kayong dalawa napakasweet nyo.

Napatalikod ako at ayun.. complete attendance na pala ang barkada.

Yup. You read that right. Sama sama kami ng barkada sa university na 'to.

Ang mga boys ay katulad namin ni DJ na Business Ad ang course. Sa totoo lang ay magkaklase kaming lahat. Kaya hindi ko na alam ang mangyayari dahil mukhang gulo na ang abot nito! Si Ate Mara naman at Miles ay HRM.

Humiwalay sina Ate Mara at Miles dahil iba ang building nila.

At ako...

Eto...

Nawe-weirduhan.

Kasi parang may 5 bodyguards ako dahil sa barkada ni DJ.

Ang mga ugok ba naman na nagterno-terno pa sa skinny jeans, Vans at Rayban glasses. At least magkakaiba sila ng shirts. Hay. Parang sasayaw or kanta tong mga to e. Oo nga pala. Banda rin kasi sila. Pero huhuhuhu, ang pangit talaga tignan na naglalakad kami ng ganto. Anak ng kalabaw.

>_________________<

But anyway,

Here's to the start of an amazing college life!

Yeah!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck in the Friendzone. (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon