Kabanata 1

109K 3.8K 2.2K
                                    

This chapter is dedicated to zy_royalblue thanks for being an avid reader. Good bless you!

_____

Kabanata 1.


"Ano 'to? Hindi ba pinakopya mo ako sa exam? Bakit ganito? Bakit mababa ang marka ko?" Pabalang nitong hinagis sa mesa ko ang sagutang papel.

Inayos ko ang suot kong salamin dahil kamuntikan na itong matanggal. Hindi ko na lamang siya pinansin, at binuklat ko na lang ang panibagong pahina ng librong binabasa ko.

"Hoy babae, bakit hindi mo ako sinali sa group project? Akala mo kung sino ka ah!" Sumbat ng isang lalaking hindi ko kilala. Natatandaan ko ang mukha niya, pero hindi ko kilala ang pangalan niya.

"Aba! Porket matalino ka, ang yabang-yabang mo na!" Dag-dag nito. Ramdam na ramdam ko ang panggagalaiti ng boses niya. Pakiramdam ko ay sasakalin na niya ako sa galit ano ma'ng oras.

"Matalino nga, hampas-lupa naman! Akala mo kung sinong magaling, scholar ka lang naman dito!" Sabat ng kaklase kong si Thalia. Hindi ko man nakikita ang mukha niya, kilalang-kilala ko ang boses niya.

"Sinabi mo pa. Kung inaakala mong makakapagtapos ka ng pag-aaral porket matalino ka, p'wes nagkakamali ka. Gagawa at gagawa kami ng paraan para mawala ang scholarahip mo, at mamulubi ka sa tabi ng daan." Napahinga ako ng maluwag dahil sa mga pinagsasabi nila.

"Humanda ka da--"

"Bakit niyo pinagkakaguluhan si Miss Cardova?" Napatigil sa pagbabanta ang mga ito nang biglang dumating ang homeroom class adviser namin.

"Ahh, we're just congratulating her maam. Top 1 na naman kasi siya sa buong Grade 11, we're just proud of her. Hindi ba guys?" Nakangiting wika ni Thalia. Nagsitanguan naman ang mga ito, at isa-isang nakipagkamay sa'kin.

"Congratulations, Lucy." Nakagat ko ang labi ko dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Gano'n na rin ang ginawa ng iba sa kanila. Sa higpit ng pagkakahawak nila sa kamay ko, ay palihim na lang akong napapangiwi sa sakit.

Matapos nilang makipagkamay, umupo sila sa kanya-kanya nilang upuan. Nalukot ko ang pahina ng libro na hawak ko. Kailan pa ba ako maglalakas loob na patulan sila sa mga pinanggagawa nila?

"Okay, so I'm here to announce na may gaganaping Battle of the Geniuses sa susunod na mga araw. Kalaban natin ang iba't-ibang--"

"Maam si Lucy Cardova na isalang niyo. She's such a genius. For sure mananalo na naman tayo, hindi ba classmates?" Wala akong naging reaksyon sa sinabi ni Klint. Siya ang lalaking nangopya sa akin noong exam. Science ang sinasagutan ko no'n, at English naman ang sa kaniya. Hindi ko na kasalanan kung bakit mababa ang marka na nakuha niya.

"Busy po ako maam, may trabaho pa ako." Walang pag-aalinlangan kong sagot. Napabuntong hininga si maam dahil sa sinabi ko, samantalang nagreklamo naman ang mga kaklase ko dahil dito.

"Come on Lucy, you're the PRIDE of our school remember? Kaya nga scholar ka, hindi ba? Kapalit ng perang pinapaaral namin sa'yo, you should at least make us proud of you." Gigil kong kinagat ang labi ko. Tama kayo, my scholarship came from them. Lahat ng mga scholar dito, ay suportado ng mga mayayamang estudyanteng gaya nila.

"That's so rude of you Miss Athalia Hernandez!" Suway ng guro. Tumayo si Thalia at umaktong nagulat sa sinabi niya.

"Gosh! I'm sorry maam! I'm sorry too Lucy. Hindi yun ang nais kong iparating. My bad for the scholars here." Paghingi niya ng paumanhin. Halata namang pinaplastik niya lang.

Luminous Academy: The IntellectualWhere stories live. Discover now