Chapter 4

238 10 8
                                    

ANGEL

Umaga nanaman at papasok ako sa school ngayon ng walang phone. Mamaya pa kasi ako makakabili ulit pagkatapos ng classes. Di pa rin kasi open yung cellphone shops since 7am pala.

Eh kasi naman, pasaway yung bumangga sakin. Siguro tinatanong niyo kung girl or boy no? Nakalimutan kong sabihin kahapon pero, lalaki siya.

Kung gwapo ba? Ewan. Hindi ko napansin. Di ko kasi nakita face niya dahil sa sobrang pagmamadali na makalayo sa kanya.

Ayan tuloy, dahil sa kakamadali, di ko napansin na nadukutan na pala ako. Pero syempre di naman ako sure na siya nga kumuha ng phone ko kaya wag muna tayo magsalita ng tapos.

Ah, nga pala. Yung phone ko at hanky, ang alam ko magkasama yun. Kasi inayos ko pa sarili ko before tumawag si mom. Ibig sabihin, pinunsan ko pa damit at face ko nun gamit hanky ko.

Tapos tumawag si mom. After nun binalot ko yung phone ko sa favorite hanky ko para SANA hindi mawala, kaso lalong nawala dahil sa pagmamadali ko. Sana pala di nalang ako umiwas sa gulo, di pa nawala phone at hanky ko. Hays.

Di nga pala muna ako sasama sa DDG ngayon. Napakilala ko na ba sa inyo yung DDG? It's short for Dark Dream Girls. Gang nila Milliana, the people who were recruiting me.

Magpapaka loner muna ako today, trip ko kasing mapag isa ngayon. Nasabi ko na bang, may pagka baliw din ako? If hindi pa, well, sinasabi ko na. Medyo baliw din ako at gagawin ko kung ano ang maisipan kong gawin.

Tapos I love reading books din. Parang si Xylie lang. Kaso I can be approached pa naman while I am reading. Yung tipong, tatango tango pag tinatanong and if the matter is really important, I cam set the book aside. Kaso pag hindi? Nako, kausapin mo nalang sarili mo dahil wala akong panahon sayo.

Recess na pala namin. Ang bilis no? Kaya nagpunta na ako sa cafeteria.

Ano kaya pwedeng mabili? Gusto ko sweets. Ayoko ng burger. Waffle siguro? Or pancake? Or pasta nalang? Ah, may varieties of cake din sila.

Naglalakad lakad pa ako sa ibang stalls sa cafeteria nang may sumigaw.

“Miss!”

“Ya! Miss!”

“Misss!”

Nako, ang ingay ingay. Di ba pweseng lapitan nya nalang yung tinatawag nya? Nakakarindi e.

Umiling iling ako habang namimili ng bibilhin. May fries din kasi tapos ice cream. Grabeeee, natetempt akong bumili.

Kaya bumili ako. Fries na sour cream flavored and strawberry and chocolate ice cream. Mamaya na ulit yung iba.

Papalapit na ako sa table nila Rich nung--

“Miss, wait up!”

Yang sumisigaw, kanina pa yan.

“Angel.” Bati nila Miles sakin.

“Yo!” sagot ko naman habang tumatawa. Parang ang ewan lang ng trip namin e.

“Oh, bakit wala ka kanina?”

“Ah, wala, trip ko lang mag isa ngayon. Me-time, kumbaga.” mag shrug lang ako tapos pinatong ko sa table yung mga dala ko at umupo na.

Naramdaman ko namang may kumakalabit sa akim at nakatingin sila Eya sa may likod ko. Tapos tumimgin ulit sila sa akin. Take note, sabay sabay sila ah.

Tapos ngumiti?

Eh?

Laya lumingon na din ako sa kumakalabit sa akin. Nako, uso ba pulubi dito? Wala pa naman akong change.

O-oh. Uh....

Ang gwapo. Bakit may gwapo dito?

“Ah, y-yes? Do you need something?” I asked, stuttering bago ko pa man ma compose yung sarili ko.

Damn, Angel. Kelan ka pa nasilaw sa mga gwapo?! Halos mga pinsan at kaibigan mo mga gwapo naman ah? Anona?

Anyway, bahala siya umintindi ng English. Tinatamad ako mag Korean, di naman kasi ako ganon ka fluent.

“Yeah… YOU” sagot niya with confidence sabay smile sakin.

Pakshet. Bakit ang gwapo niya?

Nagtinginan yung mga kasama ko sa table, tapos they all giggled habang nagbubulungan.

God, save me. Pinag t-tripan ako ng lalakeng to!

The Gangster or The Good Boy? *On-Going*Where stories live. Discover now