Mr. 5608 [One Shot]

75.8K 3.2K 918
  • Dedicated kay Kath Estalilla
                                    

Kath-ie Perks! Dedicate ko sayo kasi. . .NAALALA ko love story mo dito. XD Ayiie. Kilig ka na? :))



---------------------


Mr. 5608




Hayley,

Anong krimen kaya ang pede kong gawin para makulong. . .. .  dyan sa puso mo?

Good morning! :)


-5608




Ayan na naman ang Mr. 5608 na yan. Napangiti ako nung nabasa ko yung 'sticky notes' na iniwan niya para sa araw na 'to.

Ilang buwan na din akong nakakatanggap ng mga notes galing sa kanya. Madalas puro banat na talaga namang nakakatuwa kahit corny na.

Pero sa ilang buwan na 'yun, di ko pa rin siya nakikilala.

"Good Morning!" napatingin sakin ang mga guy best friends ko. Nakipag-apir naman sila sakin at ngumiti.

"Oh Hayley ano na naman 'yan? Love sticky notes na naman?" tanong ni Francis. Tumango lang ako. "Napaka-torpe naman talaga niyang secret admirer mo ano?"

Torpe?

"Ano namang torpe 'dun?" tanong ko.

"Eh di ba ilang buwan na rin 'yun! Puro banat ang alam. Banatan ko mukha nun e!" pagmamayabang ni Francis. Ewan ko sa kanya. =___="

Sa totoo lang, hindi ako intiresado sa Mr. 5608 na 'to. Nung una, OO. Pero kalaunan, nawalan na din. Hindi dahil isnabera ako o ano. Kasi kahit ano pang gawin ng secret admirer ko, wala ng makakapalit sa taong nandito sa puso ko.

At ayun ay si. . .

"Hey! Good morning!" bati niya ng hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi. Agad naman akong nagpalabas ng ngiti sa mga labi ko.

Alam niyo na, kahit papano. . . syempre marunong din dapat akong magpa-cute.




Nakakadiri ako. =___=

Mr. 5608 [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon