Learning How to Love

17 1 0
                                    

Chapter 1 (Send Off)

[Seoul, Korea]

Naiinis na binagsak ni Jiyong ang Backpack niya sa sofa. Sino ba namang hindi maiinis na anak kung bigla ka na lang ii-evict  sa bahay niyo ng walang dahilan. Worst is they will send you to a place that you are not familiar with. A place that you wish na hindi mo na kailangan na puntahan, because Wala ka namang rason. Pero sino nga ba ang masusunod diba? Alangan naman na ako? He murmured to himself.

"Nakabusangot ka na naman!" salubong ng kuya Teddy niya.

"Give me a reason why I should be Happy leaving Korea?!?” he asked  glaring at the older.

"maganda kaya doon sa Pilipinas. Marami pang chicks" sabi ni Teddy na todo tagalog pa rin kahit  na panay ang English ng kapatid. Well, Alam naman niyang naiintindihan siya nito. They have a lot of Filipino workers in their company and at home for goodness’ sake- and mind you their Mom is a half pinoy. Ewan nga niya kung bakit ang arte ng kapatid, eh mas pine-prefer pa naman nito ang Filipino food kaysa  Korean. 

Familiar na familiar sa kanila ang Filipino culture and charms, kaya naman akala ng parents nila eh magiging okay lang kay Jiyong ang pagtransfer sa Pilipinas.

"Why don't you go instead? Mas interested ka naman." Dabog na umupo si Jiyong.

"Kung pwede nga lang eh.." tinaas baba niya ang balikat niya katapos tinapik ang kapatid. " de bale.. Nasabihan ko na si Wooyoung at Thunder na salubongin ka pagkadating mo para naman hindi ka mawala."

Wooyoung and Thunder were his childhood friends.  Kapitbahay nila ang mga ito nong nakatira pa ang dalawa sa Korea- 13 years ago. And due to some circumstances, Thunder has to move to Philippines and Wooyoung- who was just an exchange student that time Fell for Filipinos' Charms and Philippines’ Beauty and never came back. At Hanggang ngayon wala naman siyang problema na hindi bumalik ang bestfriends niya at nagpakasasa sa Pilipinas. Meron naman internet, nag-memessage pa rin naman silang tatlo every now and then, Wooyoung will talk about the Good side about the Country while si Thunder puro paninira at gusto na daw niyang umuwi sa Korea- which is nadadala si Jiyong kaya naman natatakot siya na  mag-stay sa Pilipinas.

Staying in the Philippines for a week seemed bearable, Pero ang di niya lang naman talaga matanggap eh he'll have to stay there for 2 years. It seemed impossible na nga staying there for a week, 2 years pa kaya? Paano na lang ang banda niya? How about my studies? My God!

"Dad, why don't you send Hyung instead? Total mas interesado siya at alam niya ang pasikot-sikot ng Manila! And he’s more used to Filipino culture than me!” complain niya ng makitang niyang pumasok ang Daddy niya sa bahay nila.

"What's with your Face? Bakit parang diring-diri ka sa Manila? You are considered as Filipino! We have this saying Jiyong, ‘Don’t judge a book by it’s cover’.. You haven’t been there, just try living there for two years or so.. Malay mo, you’ll be like Wooyong na araw-araw nire-recite ang ‘I fell for Filipinos’ Charms and Philippines’ Beauty.’ And shut up Jiyong, it’s not like you’re not Familiar with Filipino Culture."

No Dad. It's not like that it's just that, "CAN I STAY HERE? I DON'T WANNA GO"

"Give me a valid reason why not?"

"BECAUSE I DON'T FEEL LIKE STAYING THERE!!!" he shouted, stomping his feet.

"oh well," tinuon ni Mr. Kwon ang tingin niya sa mga maleta ng anak na nakakalat sa living room nila. Jiyong was hoping that time na naliwanagan na ang Daddy niya. Tinignan ng Dad niya ang color red na maleta niya sabay kuha nito at bagsak sa paa niya-  "guess what.. You just gave me a reason na mas patagalin pa ang pananatili mo don!" sabi niya sabay pitik sa tenga ng anak na napa-aray sa ginawa ng Daddy niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Learning How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon