The Living Game

2.1K 52 2
                                    

P R O L O G U E

Hindi kami pinalabas ng classroom matapos ang exams. Hindi ko alam, pero parang iba ang pakiramdam ko. Naririnig ko na ang mga bulung bulungan ng mga kaklase ko. Kakatapos lang naming magfinal exams para sa buong school year na ito. Kanina pa dapat kami uwian.

Napatingin ako sa cellphone ko. 7:30 pm.

Hindi parin kami pinapauwi kahit gabi na. Sabi kasi samin nung principal wag daw muna kami umalis ng room at may announcement daw. Hintayin nalang daw namin sa room.

Nagulat nalang kami ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok sa room si Sir Martinez—teacher namin sa Statistics. Kung ano yung suot nya kanina, yun parin yung suot nya ngayon. Suot nya parin yung lapel na lagi nyang ginagamit dahil hindi rinig hanggang likod ang boses nya. Suot nya yung trademark nyang polong blue, at black pants.

Pinagkaiba, may dala syang baril sa kanang kamay nya. Isang clipboard sa kaliwa.

“ Good evening III – Dove. Welcome to the Living Game. “

The Living GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon