Lock

14 1 0
                                    

 Ang nasa harapan ko kasi ay mga mga bruhilda na nambubully sakin, Hindi ko pinakita ang takot na nararandaman ko ayokong ipakita na mahina ako sa harapan nila. "hey witch! saang lupalop mo naman nanakaw tong singsing? may naka ukit pa ha "Mi eternidad"?" sabi ni bruhilda 1. "ano baka naman salita ng mangkukulam yan?!" sabi naman ni bruhilda 2, "itapon mo na yan sis baka makulam kapa!" bruhida 3, wala naba silang alam sa buhay? "yeah right i think mangkukulam words nga yan" tinapon niya to sa basurahan, nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. "ano ba?! bat mo ginawa yun?" pag aangal ko sa kaniya "aba lumalaban kana ngayon?!" nanlilisik ang mga mata niya sakin, kaya napa yuko ako dahil wala naman ako magagawa.

"tara na girls! lumabas na tayo dito at baka makulam pa tayo!" nag silabasan silang lahat. matapos nun kinalkal ko na ang basurahan sa ilalim ng lababo, binuhos ko lahat ng laman nito kahit na medyo hindi maganda ang amoy, kalkal lang para sa singsing ni big boss malilintikan ako nito eh..

Nang sawakas nakita kona hinugasan ko muna ito at sinabunan, niligpit ko na rin ang mga kinalat kong basura. "Buti na lang nakita kita salamat talaga!" nang pipihitin ko na ang pinto, pinilit kong bukasan pero parang nakalak talaga! sigurado ako ang mga bruhilda ang may pakana nito! "AUUURRGGRGRGGGG!!!!!" hindi ko na napigilan ang inis halos sipain kona nga tong pinto eh!

"Tulong! may tao ba jan?! nakulong po ako dito!" nag sisigaw nako sa loob, pano nako niyan sinubukan kong buksan ulit pero wala talaga.. kinuha ko ang bag ko sa sahig, binuhos ko ang laman nito baka may magamit akong pang bukas sa pinto. Sinubukan kong gamitin yung ballpen pero ayaw! ano na?! tinignan ko ang relo ko 4 na ng hapon, siguro naman may makak pansin skin dito, kinuha ko din ang phone ko baka may matawagan ako pero kapag minamalasa ka nga naman oh! deadbat! 

Nakakainis naman ohh! napa upo na lang ako sa sahig at niyakap ko ang bag ko, wala nakong magagawa kung hindi mag hintay ng tutulong sakin. Pinikit ko ang mga mata ko at hindi kona naamalayan naka tulog na pala ako. tinignan ko ang relo ko at nanlaki ang mga mata ko na alas nuve na pala ng gabi! "Nako! masisisante na taaga ako kay big boss!" 

"Tulong! may tao ba jan sa labas?! nakulong po ako dito !" nag sisigaw ako sa loob wala nakong pake kung mapagalitan man ako ang mahalaga makalabas ako dito. "Hellowww? may tao ba jan? o multo?" may nag salita sa may pintuan, "kuya tao po ako! tulong! na lock po ako dito!" pag sagot ko sa kaniya," Nako miss anong ginagawa mo jan? oras na ng pag uwi kaw na lang ata ang nandito sa loob ng paarala!" nu ba yan si manong eh bakit hindi niya pa kasi buksan "Manong mamaya na ho kayo mag tanong tulungan niyo ho muna akong makalabas" 

"Nako kayo talaga mga kabataan eh kung ano ano pinag gagawa niyo sa sarili niyo" binuksan naman ni manong pero kumakatak parin siya, "salamat ho! nag mamadali po ako sige po byee!"  tumakbo nako ng mabilis palabas sa paaralan namin, nag para ako ng tricycle at nag pa hatid sa kumpaniya na pinag ttrabauhan ko, baka anjan pa si big boss sa taas.

Nag bayad ako sa tricycle at pumasok na sa loob, buti mabait tong si manong guard kaya pinapasok niya ako. nasa loob nako ng elevator at inaantay na lang ang palapag na pupuntahan ko, "TING!"  lumabas nako at dumiretso sa loob ng office ni big boss, kakatok na sana ako kaso mukhang hindi naman nakasara kaya binuksan ko ng konti yung pinto at sumilip sa loob pero parang wala atang tao. "sir? anjan pa po ba kayo? sir?" pero mukhang wala ata.

Pumasok ako sa loob at baka nasa loob lang siya sa rest room, pero wala mukhang naka alis a ata siya, umupo ako sa may swivel chair niya, "Ang lambot pala ng upuan niya sarap siguro dito gumawa ng mga papeles" kampante akong naka upo sa sobrang lambot, nang may narinig akong parang malalaking yabag ng paa mula sa labas ng office ni big boss, nag tago ako sa ilalim ng lamesa dahil sa sobrang nerbiyos.

"Yes Mr. Fernandez our transaction in Singapore is on going and there is no problem about it." narinig ko malapit sa may mesa. "yes thank you sir." mukhang tapos na ang usapan nila, pero pano ako lalabas dito mukhang si big boss tong naka tayo malapit sa mesa na pinag tataguan ko. May narinig pakong mga mumunting kaluskos mula dito sa pinag tataguan ko at nanalangin na sana wag siyang umupo sa swivel chair niya kung hindi baka malintikan na talaga ako.

lumuwag naman ang hininga ko ng marinig ko ang pag sara ng pinto kung saan, baka lumabas na si big boss pa ra umuwi. Lalabas palang sana ako sa pinag tatagun ko ng big uling bumukas ang pinto kaya bumalik ako sa pinag tataguan ko. "ano ba yan pano pako makaka labas kung palaging may humahadlang eh".. naiinis na bulong ko sa sarili, pero ang mas kina inis ko mukhang may umupo sa ibabaw ng lamesa. At naka rinig ako ng pag ring ng telepono sa ibabaw ng mesa. "Yes sophie?" si sophie nandito pa? eh oras na ng uwiaan ha? pag tatanong ko sa sarili ko. "Hindi pa rin ba siya dumarating? I told her that she should bring me the ring for the sake of her job." medyo iritado na pag kakasabi ni big boss, sino kaya pinag uusapan nila? 

"Ask the guard if Ms. Germa went here in my office." pag uutos niya sa kabilang linya, mukhang ako ata yung pinag uusap nila. Lagot nako nito mukhang mahalaga talaga ang singsing nato. "if she did not, find her " at tinapos na niya ang pag uusap nila sa kabilang linya, Lumas na si big boss sa office niya, mukhang uuwi na talaga siya, kaya lumabas nako sa pinag tataguan ko, nag unat unat muna ko ng kawan dahil sa tagal ko ring naka yuko doon sa ilalim ng lamesa.

Pero ang hindi ko inaasahan eh... ang muling pag bukas ng pinto at hindi nako nakapag tagong muli.

(a/n ngayon lang naka pag update! sorry sa wrong grammar! please vote and comment thanksss!)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KulayWhere stories live. Discover now