KUBLI 02

1.7K 11 1
                                    

Hapon. Huminto ang isang taxi sa tapat ng isang apartment. Mula sa taxi, bumaba ang isang mestisahing dalaga. Matangkad ito, balingkinitan ang katawan, itim ang buhok na di gaanong lampas sa balikat, matangos ang ilong at nagtataglay ng malaks na sex appeal.

Pagkatapos magbayad ng dalaga sa driver, lumapit ito sa gate ng apartment. Matagal itong nakatitig. Iginagala ang mga mata nito sa buong paligid. Pagtingin nya muli sa gate ay nagulat siyang bigla sa isang matandang babae. Nakatayo ito. Nakatingin sa kanya.

"Anong kailangan mo, iha?" tanong nito sa kanya.

Matagal siyang nakasagot.

"Magandang hapon po! Kayo po ba ang may ari ng apartment na 'to?" anya. Sabay muling ibinaling ang atensyon sa apartment.

"Ako nga, iha. Mangungupahan ka ba?"

"Opo. Pero gusto ko po muna sanang makita yung loob."

Ngumiti ang babae.

"Halika tuloy ka."

Binuksan nito ang gate at tumuloy siya.

Pagdating nila sa Lobby...muli siyang tinanong ng matandang babae.

"Ikaw lang ba ang mangungupahan? Wala ka bang kasama?"

"Ako lang po." nakangiti niyang tugon sa matandang babae.

Iginala siya ng matandang babae sa ground floor ng apartment, pagsapit nila sa spiral na hagdanan ay sandali siyang natigilan. Tumingala siya sa itaas.  Nakatingin lang. Muling nagsalita ang matandang babae.

"Lima ang palapag ng apartment na ito. Pero doon sa ikalimang palapag ay wala pang nangungupahan miski isa."

"Bakit po?" natanong niya.

"Karamihan kasi sa ikatlong palapag, siguro'y natataasan sila. Wala kasing elevator dito. Yang spiral na hagdanan lamang ang meron."

Napatango na lang siya.

"Pareho-pareho lang naman po ang itsura ng mga kwarto po dito diba?"

"Oo. Nasa sayo na yan kung may babaguhin ka. Depende yon sa mangungupahan. Kukuha ka ba ng unit mo iha?"

Ngumiti siya."Opo. Gusto ko po doon sa ika apat na palapag."

Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap nagkasundo na sila ng matandang babae. Binigyan na siya nito ng susi ng kanyang unit.

"Ako ngapla si Aling Ruth."

"Ako naman po si Clarisse Pimentel."

Pagkatapos magpakilala. Tumalikod na siya at umakyat na sa spiral na hagdanan. Gayon na lamang ang gumuhit na kakaibang reaksyon sa mukha ng matandang babae.

Nasa ika apat na palapag na siya. Kasalukuyan na siyang naglalakad sa bahagyang madilim na pasilyo.

"Bakit kaya hindi man lamang nilalagyan ng mga ilaw ang palapag na'to? Nakakatakot!" wika niya sa sarili. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hinanap niya ang kanyang unit. Di naman nagtagal ang kanyang paghahanap. Natagpuan niya rin iyon na nasa gitnang bahagi ng palapag. Tumayo na siya sa harap ng pintuan. Ipapasok na ang susi sa door knob nang biglang maagaw ng mahihinang kaluskos ang atensyon niya. Dahan dahan siyang napalingon sa dulong bahagi ng pasilyo. Wala namang tao. Matagal siyang tumitig doon, hanggang sa unti unti siyang may naaninag na tila may taong nakatayo sa dulong bahagi na iyon. Gumuhit ang malalim na linya sa kanyang noo. Nakatitig lamang siya doon. Hinihintay niya kung may taong lalabas. Hindi nga siya nagkamali, mula sa dilim unti unting lumitaw ang isang may ka edaran na lalaki. Nakasuot ito ng puting damit na kupas at maong na pantalon. May hinihithit itong sigarilyo sa bibig. Nakatitig iyon sa kanya. Ilang sandali ay bigla itong kumilos, lumakad...palapit sa kanya!

Napangiwi siya sa gulat. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi.

Kinabahan na siya. Nataranta dahil biglang ngumisi ang may ka edaran na lalaki habang lumalapit sa kanya.Nakagat niya ang kanyang pang ibabang labi dahil sa nerbiyos. Mabilis siyang kumilos, inihanda niya ang susi para mabuksan ang pinto pero dahil sa taranta ay nabitawan niya iyon at nahulog iyon sa sahig. Muli siyang tumingin sa naglalakad na nilalang, malapit na iyon sa kanya. Kung kaya dali dali na niyang dinampot sa sahig ang susi. Pinasok kagad sa door knob at mabilis na pumasok sa loob. Isinara niya kagad iyon. Ini locked. Habang nakaharap siya sa pintuan dahan dahan siyang umatras...hanggang sa.....

Bumangga siya sa isang kabinet. Halos mapamura siya dahil sa nerbiyos. Ang akala kasi niya ay may iba pang tao sa loob ng kanyang kwarto. Naupo siya sa silyang naroon na nasa tabi ng haligi. Inipit niya sa kanyang mga hita ang kanyang mga kamay. At pinagmasdan ng maigi ang buong kabuuan ng kwartong iyon. Maya maya ay bigla siyang bumunot ng isang malalim na buntong hininga sabay tumayo at dahan dahang lumapit sa pintuan. Inilapat niya roon ang kanyang tenga, pinakiramdaman niya ang kaluskos sa labas ng pasilyo. Tahimik na, mukhang wala na ang lalaki. May isang bahagi ng kanyang utak na nag uutos na lumabas siya subalit may isa ring bahagi na nag uutos sa kanya na huwag lumabas. Matagal siyang nakapirmi sa pintuan. Hindi niya alam kung lalabas ba siya o hindi na lang muna. Pero naisip niyang sumilip. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto, nakakapanid balahibong ang langitngit non na nagbigay ng kakaibang takot sa kanyang pakiramdam. Pagkabukas niya ng pintuan, tumambad sa kanyang harapan ang katahimikan sa pasilyo. Wala na ang lalaki. Walang tao. Tahimik. Nakabibingi.

Nagdesisyon siyang lumabas. Naglakad. Mabagal. Nakikiramdam sa buong paligid.

Anong klaseng apartment 'to, parang walang naninirahan? tanong niya sa sarili. Malapit na siya sa spiral na hagdanan ng matigilan siya. Nakarinig siya ng mga boses na nagmumula sa isang silid. Nakita niyang bumukas ang pinto. Lumabas mula roon ang isang dalaga na sa tingin niya'y ka edaran niyag beinte anyos.

"Aalis na po ako. Maiwan ko na kayo." paalam ng dalaga sa lalaking kaharap nito. Pinagmasdan niya ang lalaki. Hindi niya matukoy kung ito ba yung lalaking nakita niya kanina. Nakinig na lang siya sa usapan ng mga ito.

"Sige, mag iingat ka." wika ng lalaki na may ka edaran. Nakita niyang lumakad na ang dalaga patungo sa spiral na hagdanan. Napatingin naman sa kanya ang lalaki. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Nailang tuloy siya, kaya pinalis niya ang atensyon niya dito. Lumakad na siya.

Nasa hagdanan na siya ng makabungguan niya ang dalaga na pumapanhik sa palapag na pinanggalingan niya. Yun ang dalagang nakita niya na lumabas ng silid kanina.

"I'm sorry di ko siansadya." wika nito sa  kanya.

"Okay lang." Nakangiti niyang sagot dito.

Ngumiti rin ito sa kanya. Saka nagpatuloy. Hinabol niya muna iyon ng tingin saka siya bumaba.

                                   ********************************************************************

KUBLI (Suspense-Thriller Novel)Where stories live. Discover now