Chapter Seven

777 12 2
                                    

(Daniela's POV)

Pagkasundo namin kay Jordan, diretso na kami sa bahay. Pinaghalf-day muna ni Dad si Jared. Kamuntikan na akong pagalitan ni Dad, mabuti pinigil ni Jared. I owe him that, though.

Pagdating sa bahay, pinaakyat na agad namin si Jordan. Nasa may pinto pa kaming dalawa ni Jared.

"Ah, Jared..."

Tumingin siya sakin. Nakapamulsa siya.

"Sorry ulit."

Tumango siya at lalakad na sana kaso hinawakan ko yung braso niya.

"Teka lang."

"Ano ba yun, Daniela? Kailangan ko pang magpahinga." Paos ang boses na sabi niya.

"Ah-eh... Buntis yata ako."

"Ano?"

Biglang humilab ang tiyan ko kaya dumiretso ako sa banyo at sumuka sa toilet.

"Paano ka mabubuntis eh wala namang nangyari sa atin kagabi." Hindi ko namalayan na sumunod siya hanggang sa banyo.

Tumayo ako at nagbanlaw ng bibig sa sink saka siya hinarap.

"Ano? Walang nangyari sa atin?"

"Oo."

"A-akala ko..."

"Ikaw ba naman eh. Kung kelan libog na libog ka na saka ka tutulugan."

"Bibig mo naman, Jared! Kadiri eh!"

"Ang sakit kaya ng puson ko nun. Halos magsariling sikap na ako kung di ko lang napigilan."

Tinakpan ko yung tenga ko. "Jared! Yung bibig mo naman! Grabe yung lumalaban na words!"

"Libog? Mommy, Daddy, ano po yun?"

Napalingon kami ni Jared sa may pinto. Whatda!

"Wala yun, baby."

Tumingin sa akin si Jared. "Anong wala yun? Tara sa sala, baby. Sasabihin ko sayo kung ano yun." Tapos dinala niya na sa sala si Jordan.

"Jared Chua!"

Naghilamos ako tapos sumunod sa kanila sa sala.

My Cold-Hearted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon