Chapter 3 *Secret Lover*

640 10 1
                                    

Ayoko nanamang mag-expect. Ayokong umasa at mas lalong ayokong mag-assume. Baka masaktan nanaman ulit ako.

"Baka mga katrabaho ko lang yun na niloloko ako. Naku Mia! Ayan ka nanaman ah? Matulog ka na nga. Maaga ka pa bukas. Hayy.

Kinakausap ko nanaman ang sarili ko. Nababaliw nanaman ako. Matutulog na nga ako. 

Pero hindi talaga ako makatulog sa kakaisip ng sinabi ni Jaja sakin at sa unknown number na nagtext sakin. Hindi nanaman ako makakatulog nito. At paniguradong lutang nanaman ako bukas sa taping. Basta isa lang ang alam ko, hindi si Henry ang nagtext sakin. Tapos. Period. No erase!!! Promise!

.

.

.

.

Maaga akong nagising kahit na medyo late na ko nakatulog. Maaga rin akong pumunta sa set para makapaghanda na ko, ako na sana ang early bird nang may mangyari habang papunta ako ng set. Sa aking katangahan,  natapilok ako, buti kung tapilok na hindi halata kaso napaupo ako eh. Nakakahiya tuloy sa ibang mga tao. Buti na lang dumating si Miko, papunta na rin daw kasi siya sa set ng makita ako. Tnulungan ako ni Miko kasi nasprained ung ankle ko. Kami ang pinakaunang dumating, wala parin si Direk kaya ginawa namin ay nagpractice na lang kami at nagbatuhan ng mga linya. 

Miko's POV

Maaga akong gumising para pumunta sa set at magpractice nang makita ko si Mia sa daan na nahihirapang maglakad dahil sa pagkakatapilok niya. Agad ko naman siyang tinulungan at sabay na kaming pumunta sa set. 

Matagal na kong may gusto kay Mia, simula nung highschool pa lang kami. Lagi kaming magkaklase, lagi kaming magkagroup sa mga activities sa school. Pero never kaming naging close. Nung una pa lang, humanga na ko sa confidence niya, sa galing niya sa pagsayaw at sa pagawit pati na rin sa pag-arte. Sabi ko sa sarili ko na siya ang gusto kong maging 1st girlfriend ko, kasi alam ko na magugustuhan siya ng mga magulang ko. Alam ko na magtatagal kami. Kaya nung 3rd year kami, sinubukan ko siyang ligawan. Sa araw na dapat magtatapat ako sa kanya, yun ang araw na nalaman kong sila na pala ni Henry. Nung araw na yun, pakiramdam ko na pasan ko ang buong daigdig sa sobrang sakit ng naramdaman ko. Matagal din na naging sila, pero hindi umabot ng taon. Masyado kasing chickboy si Henry dahil sa galing nito sa pagsasayaw. Dahil dun, naging close sila ni Mia. Yun ung tipong past time nilang dalawa. Pero isang araw, nalaman ni Mia na may iba pa palang GF si Henry sa ibang school. Ayaw maniwala ni Mia pero nung nakita niya silang dalawang masayang magkasama, dun na nakipagbreak si Henry kay Mia at mas pinili si Sophie, ung isa niyang GF. 

Nakita ko kung pano sinaktan at niloko ni Henry si Mia, kung paano tumulo ang mga luha ni Mia mula sa kanyang mga mata. Gusto ko siyang puntahan, gusto ko siyang yakapin nung mga araw na malungkot siya pero sino ba ko para gawin yun? Di hamak lang naman na classmate niya lang ako. Si Henry ang 1st love at 1st boyfriend ni Mia kaya alam ko na mahirap para sa kanya na kalimutan ang lalaking yun kahit na sabihin pa nating niloko siya nito. Pero ngayon, ngayon na wala na si Henry sa buhay namin, siguro panahon na para maging masaya na si Mia......   sa piling ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon