Dear Guys (letter)

24 1 0
                                    

DEAR GUYS,

Korni ‘to, kasi bored ako. Bawal basahin! O tapos babasahin niya pa. Wah epal >;(

  Una sa lahat, wag kayong mao-offend kung may sinabing hindi maganda ditto. Kasi pangalawa, desisyon mong basahin ‘to. Hindi kita pinilit, o binlack mail para ditto ;) Okay?

Pangatlo, ‘ang mga sumusunod ay makatotohanang pag-oobserba ng mga babae, este naming mga babae!

Pang-apat, uumpisahan ko na.

Hello! Torpe, ‘pag may gusto ka sa isang tao, ‘wag kang matakat umamin, walang mawawala sa’yo okay? Hindi mapuputol ‘yan! Kaya wag kang OA magpaka-emo, at magsenti djan.. Dahil hindi mo alam, malay mo gusto ka rin niya, pwede ring hindi.. PERO mas pagsisisihan mong hindi ka umamin. Bakit? Kasi wala pa nga, nagpatalo ka na. At kung sakaling matalo ka man, atleast, lumaban ka. Turn on. Dahil matapang at buong loob mong inamin yung nararamdaman mo sakanya ;) Okay?

Boy, kung M.U na kayo ni girl. ALAMIN mo muna ang totoong meaning ng M.U.

-Mutual Understanding

- Mag UN (mag-on)

-Mag isang umiibig

Or

- Magkaibigang Unggoy

Okay?

At kung ON nga kayo, pero kung hindi OFFICIALLY IN A REALATIONSHIP.. Aba! Don’t act as one!

Hindi naintindihan? WAG MAGPAKA-BOYFRIEND.. Oo, naiintindihan ko na mahal ka rin ni girl, pero boy, wag mo naman sakalin. Wag rin mashadong magtampo na ikaw palagi ang sinusuyo! Hoy naman, mahiya ka . Ops di ako galit, sinasabi ko lang. Ganito, kung mahal mo siya, mahal ka niya, pero hindi pa kayo.. ENJOY AND CHERISH THE MOMENTS BEING WITH EACH OTHER. Ikaw na bahala magtranslate sa google. Okay?

Man, kayo na ni girl! O anong gagawin? Iparamdam na siya ang pinakamaganda at pinaka-importante! Wag mong gawing decoration ang girlfriend mo, porket maganda. Wag rin mag take advantage! Wait after marriage! Ganito, pwedeng sweet ganyan, pero wag mo naman sakmalin, wag din mashadong PDA. Pucha, maawa kayo sa mga single noh! Nagparaya sila para maging kayo! Charot. So ayun, wag mo rin sakalin ha? Baka sumuko yan. Ikaw din ;)

Lalaking TH, hello sa’yo. ‘Pag si girl, tinatamad magtext, wag magpaka-OA, wag maghinala na ayaw niya na sayo, na wala siyang gana sa’yo. Nako! Sinasabi ko sa’yo tsong, pag pinapangunahan ng hinala, Ay! Paktay na! ITS COMPLICATED na ang status or WORSE, WALA NA SIYA SAYO. Tanungin mo muna, kung may problema, pag wala, wag mong kulitin, hindi makakatulong yun, tawagan mo, or puntahan mo, dalhan mo ng food, stuff toy, or kung walang budget kantahan mo or gawaan ng letter. Pangit man ang boses mo, o yang sulat mo. EFFORT IS STILL EFFORT! Wag manghinayang sa effort, dapat madami kang baon ng ganyan!

Lalaking makulay ang lovelife. Hmp! Kainggit ka! Ewan ko sa’yo! Magsama kayo ng girlfriend mo leche! JOKE.  Sayo naman, ipagpatuloy mo lang, pero hindi ko sinasabing magpaka confident ka. Kasi darating ang oras na magkakaron ng complications ang relationship mo, so paghandaan mo ‘yan! Goodluck sainyo!

Lalaking may malabong relasyon, you know try and try until you die.. I mean until you succeed.. Pero kung napapagod ka na.. Wag ka ng magpakatanga tsong! Kung hindi na gumagana yang relationship niyo kahit ano pang gawin mo, aba! Mahalin mo naman yang sarili mo, maawa ka sa sarili mo, pati na rin sa girlfriend mo na ayaw na din. Dahil kahit mahal mo siya, kung hindi na siya Masaya, palayain mo. Hindi lang talaga kayo para sa isa’t isa.

Boy-broken, ;( </3 o eto hug! Kiss pa, mwa! Joke!!! O wag magpaka immature! iniwan, binusted, pinaasa, o kung anu ano pa.. HINDI PA KATAPUSAN NG MUNDO. Basahin mo nalang yung wattpad entry ko na Para sa Umasa at Nasaktan, andun ang dapat mong gawin. (Woooh advertisement!) In summary, kahit ano pang gawin mong iyak at lupasay wala na! Wala ng magagawa yan! Kaya magpakayama ka muna at magpakagwapo sabi ni Shehyee! LOL mali ata spelling ko shet!

Lalaking single, huy! Tayo nalang! JOKE!! O eto, katol para hindi ka lamukin habang naghihintay ;) Hay! Wag kang magsenti djan, marami kang karamay. Basta, lagi mong tatandaan ang pambansang line ng mga single MAY NILAAN SI GOD PARA SA’TIN!

NGSB, no gf since birth? Oooh. Takot ma-fall? Walang mahanap na right girl? Panget? Achuchu! Hindi ka panget! Wag kang OA, sapakin kita! Kung yan ang idadahilan mo sakin kaya wala kang gf, aba! HOY hindi pa katapusan ng mundo, okay? Wag kang senti porket wala ka pang nagiging girlfriend, kasi alam mo, yang mga taong matagal maghintay.. binibiyayaan ng magandang relationship. No offense sa mga nagkaGF na. PERO totoo yun. Tska, pinagdadasal yan. Try mo mag pray ;)

Lalaking walang paninindigan…

ABA! PUTANGINA MO! PAGTAPOS MONG PAGPARAUSAN YUNG BABAE, TAS NGAYONG NABUNTIS, TATAKASAN? GAGO! WALA KANG $#@#@!!! ANG MGA BABAE, MINAMAHAL, INAALAGAAN, AT  RESPONSIBILIDAD MO NA YAN KAYA WAG KANG DUWAG GAGO. KARMA YAN TANDAAN MO. MAGPAKALALAKI KA!

(WOOH, NA HIGH BLOOD AKO DUN AH! Ipagpatuloy…)

Batang Ama, saludo ako sayo pre! Yun lang. Sana hanggang dulo mo yan panindigan ;) Pinatunayan mo lang na mahal na mahal mo siya.. at ang magiging anak niyo! *punas luha*

Seloso, hindi mo siya pag-aari okay? OO, may karapatan ka sakanya dahil kayo, o kaya kung walang kayo, lalong wala kang karapatan. Pero kung nasa tama naman ang pagseselos mo, confront her. Pero kung nakita mo lang may nakitang kausap na lalaki, at pinagbintangan mong nagtataksil, tangina mo naman eh. Overthink lang? Kausapin mo muna okay? ;) At kung nagseselos ka lang kasi gusto mo siya pero di ka niya gusto.. MOVE ON HANAP NG IBA WAG MAGPAKATANGA!

Man who can’t be moved,  hay! Why so tanga? Para san pa at naghihintay ka? Para san pa at nag-aaksaya ka ng oras? Hindi lang sakanya umiikot ang mundo mo, may iba pang mga bagay na pwedeng magpakasaya sa’yo, family, friends, etc. Geez! Wag kang maarte djan, matuto kang mag move on. Dahil hindi lang ikaw ang nasasaktan rito, kaya wag mong aakuin lahat ng sakit. Okay? MOVE ON! Hindi madali, pero unti unting gagaan ang loob mo ;)

Para sa mga lalaking hindi nabanggit ang katangian ditto…

SORRY HINDI AKO NA-INFORMED!!

                            Truly Yours,

                                         Wala ka na ‘don. ♥

Tandaan ang mga bituin ay mga gabay lamang, hahahahahahaha!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blog sa Wattpad (Diary ng Frustrated Author)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon