Sandra, Wake Up

8 2 0
                                    

"Cassiedy Sanchez, 12:00 am." Nanlambot ang tuhod ko at napaluhod sa narinig mula sa Doctor.

"Cassy! Mag malling kami, sumama ka na!" Pangungulit ko sa bestfriend ko. Tumawa ito saka ako inirapan.

"Masyado kang gala, may gagawin ako ngayon! 'Wag mo akong demonyohin!" Biro nito at nagtawanan kami. Gustong-gusto ko siya kasama sa lahat. At noong araw na 'yon, sising-sisi ako at sana nga, pinagpilitan kong isama siya dahil pag-uwi ko, nabalitaan ko na lamang ang kagimbal-gimbal na nangyari sa kanya. Hindi ako makapaniwala kaya agad kong tinakbo ang bahay niya na malapit lang sa'min.

"Cassiedy! T*ngina mo! Pag nalaman kong binibiro mo na naman ako, sasakalin kita!" Sigaw ko at pilit na ngumiti habang tumatakbo. Subalit nang paparating na ako sa kanila ay nadatnan ko ang ambulansya na binubuhat ang stretcher kung saan siya nakahiga.

"Sandali! Cassy! Ina mo ka! Anong kalokohan 'to?!" Pilit kong pinaniwala ang sarili ko na kalokohan lang ito. Ano ba, Cassy? Balak niyo ba akong sorpresahin? H'wag naman sa ganitong paraan, aatakihin ako sa puso!

"Miss, excuse me po." Suway sa'kin ng nurse. Umiling-iling ako.

"Kuya! Itigil mo na 'to, hindi na nakakatuwa." Sambit ko habang humahagulgol na subalit hindi ako nito pinansin at sumakay na. Pero sino bang niloloko ko? Namumutla na ang balat at labi niya; halatang wala ng kabuhay-buhay.

"Sasama ako! Sasama ako!" Agad kong inunahan ang mga magulang niya na makasakay sa ambulansya. Wala akong ginawa kundi umiyak habang sinusubukan siyang irevive. Pero wala na talaga.

Suicide is a crime. What have you done to yourself? Masiyahin ka mula pa noon. Kahit umiiyak ka na nakangiti ka pa rin. Kahit nasasaktan ka na tatawa ka lang. Hindi mo tinatratong mabigat na bagay ang lahat. Hinahayaan mo lang ang mga problema hanggang sa maayos ba ito. Pero ano 'to? Bakit biglaan? Bakit hindi ko alam? Edi sana napigilan kita! Edi sana pinagpilitan kong isama ka!

Pinagmasdan ko ang mga tao sa chapel. Lahat sila'y tahimik na umiiyak. Hindi ako makalapit sa pinaghihigaan mo. Ayoko, ayokong lumapit. Hindi ko matanggap ang sakit na sinapit mo kaya unti-unti akong tumalikod. I'm sorry, Cassy. Pero hindi sa ganitong paraan kita gustong makita. Hindi pa ako handa sa ganito.

Mag-isa akong umuwi sa bahay dahil nasa burol niya ang mga magulang ko; nakikiramay. Habang naglalakad ako ay nadatnan ko ang mailman na may hinuhulog sa mailbox namin at agad na umalis. Luhaan man at tulalang naglalakad, nilapitan ko pa rin ang mailbox para tignan ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakasulat. Masangsang ang amoy nito at agad na dinadapuan ng langaw.

To: Sandra
Fr: Cassy

Tumakbo ako papasok ng bahay at isinara ang pinto ko. Naupo ako sa study table ko at hindi napigilan na mapahagulgol. Ano 'to? Bakit ka ganito? Bestfriend mo ako! Bakit mo ako iniwan? Bakit hindi ka lumaban?

Sinira ko ang envelope na nakabalot dito at agad na lumantad sa'kin ang mapulang papel. Nanlaki ang mata ko nang buksan ko ito at napagtantong dugo ang ginamit niyang panulat dito. Napatayo ako at napaatras. Bakit mo sa akin 'to ginagawa? Napapikit ako at napaupo sa sahig. Patuloy ako sa paghagulgol. Ayaw huminto ng mga luha ko kahit pagod na pagod na ako. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko pero wala akong nagawa.

Napabalikwas ako nang maalala ang lahat. Panaginip lang ba 'yon? Sana. Sana nga. Subalit paglingon ko sa lamesa ko ay napaiyak na lamang muli ako. Tumayo ako at agad na itinago ang letter niya sa drawer ko at inilock ito. Kapag tanggap ko na, Cassy. Doon ko babasahin ang letter mo.

Lumipas ang oras, araw, linggo at buwan nang wala akong magandang nagawa. Hindi ko malaman kung masasabi kong pinapabayaan ko ang sarili ko pero gano'n ang sinasabi nila. Araw-araw paulit-ulit lamang ang ginagawa ko. Tulog, gising, kain, school, uwi, kain, tulog. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling tumawa. Siguro, nung huli ko siyang kasama.

Sandra, Wake Up | OneshotWhere stories live. Discover now