Chapter 1

1.1K 39 9
                                    


*RIA*




''Ma, kailangan ko pa ba mag transfer dun?'' -ako. 



''Oo, kailangan. Alam mo naman yung issue sa school niyo diba?!!!'' si Mama.



''Hayzzt. Okay fine! Alis na ako Mi.'' pagpapa-alam ko.



''Sige, mag ingat ka dun huh. Bawal boyfriend!!'' aniya.



''Hays, Alam ko Mi. Sige bye ingat kayo dito!!'' sabi ko sabay kiss kay Mama.



''Okay, Text mo 'ko!!'' sabi nito at tinanguan ko na lang at sumakay na ako sa Taxi na tinawag ni Ate Lei yung kasambahay namin dito sa bahay. 



Ako nga pala si Ria Charles Rivera at mas kilala bilang Riri. Hindi ko alam kung saan nakuha nila Mama at Papa yung name ko. Ang alam ko lang ay kay Papa nakuha yung Charles sa name ko. Charlie kasi ang name ni Papa!! At ang Ria naman ay galing sa nickname ni Mama na Maria Ozawa. Hahahahaha!! De joke. Maria talaga yun!! 



17years old at 4th year student ng St. Anthony pero ngayon ay mag t-transfer ako sa school ng pinsan ko. Yes, Openly gay ako at nag c-cross dress din ako pag may event or party!! Naka-sanayan ko na kasi yun since na tinanggap ako ni Mama at Papa sa pagiging Gay ko. Super happy nga ako na may supportive parents ako. May 2 sisters ako, Si Ate Rhianne na matanda saakin ng 3 years so 20 years oldna siya. At yung makulit naman namin na Bunso ay si Rica 15 years old at napaka-harot lang talaga.



Ang weird diba. ako dapat ang only boy saamin but nahaluan ang dugo ko ng green blood ni Zuma!! Hahaha. Hindi ko naman akalain na magiging GAY ako. Nung nakita ko lang yung first boyfriend ni Ate Rhianne nung nasa Grade 6 ako bigla na lang akong nag blush at naiilang pag nagkaka, eye-to-eye kami!! Diba bata pa lang maharot na ako. Dun ko na-discover na isa akong alagad ni Marina at Half sister ako ni Dyesebel pero ako talaga si Mirabella!! Hahaha. how i wish na iiyak lang ako sa kahoy, ga-ganda agad!! Dafakkkk.



5'4 ang height ko at babaeng-babae ang itsura ko dahil sa long hair ko!! Actually hanggang leeg lang talaga yung hair ko at nila-lagyan ko lang naman ng hair extension. Bawal kasi sa school yung super long hair eh. Naiirita na nga ako kay Rica dahil feel na feel niya yung mga hair extension ko at pa-tago niya pa ito kung gamitin. Si Ate Rhianne nga ay inis din doon sa bunso namin dahil nakiki-share sa mga damit namin!! Ganyan yung trabaho ng bunso namin pero love na love namin yun dahil napaka-honest lang talaga nun.



Buti nga at napapayag ni Mama yung dalawa na tumira ako sa side ng Tita ko, May issue kasi ako sa school eh!! Hindi ko na lang muna ik-kwento kung ano yung issue na yun. Eto ako at malapit na sa bahay ng cousin ko, May apartment kasi sila doon at doon nga ako titira. Gusto nga ni Tita na dun na ako tumira sa bahay nila at wag na dun sa apartment pero ayaw ni Mama at para daw maging responsable ako. Aminado naman ako na may sapi ako ng Katamaran!! So, parusa din ito saakin. Hindi ako marunong mag-luto at baka puro nooodles lang ang kainin ko. >/////< Uwaaaahh.



''Mam, andito na po tayo!'' sabi ni Manong driver.



''Thankyou po.'' sabi ko sabay bigay ng bayad at tinulungan naman ako ni Manong mag baba ng mga maleta ko. Akala niya siguro kanina mag a-abroad ako sa dala ko!! Hahahaha. Ni-libot ko kuma yung tingin ko at tinignan ko muna yung adress mismo. First time ko lang kasi pumunta dito eh!!



Nang masigurado ko na tama yung adress ay lumapit ako sa gate na nasa tapat ko at na pansin ko naman sa kabilang gate na may mga ilang lalaki at babae na naka-tingin saakin!! Medyo natakot tuloy ako bigla yung mga tingin naman nila kasi saakin kala mo bagong pasok ako na preso eh!!



Pinindot ko muna ng dalawang beses yung door bell at mabilis naman agad na buksan yung gate.



''KUYA RIAAAAAAAA!!!!'' Nagtitiling sigaw ni Paula.



''Hoy, ang ingay mo!!'' sabi ko dito ng mapansin ko na naka-tingin na saamin yung mga lalaki sa kabilang gate.



''Waaahhh. Kuya, totoo pala yung sinabi ni Mommy dito ka mag s-stay!!'' sabi nito.



''Ang haba na ng hair ko Kuya padin tawag mo saken.'' naka-simangot kong sambit dito.



''Pero in fairness super pretty mo na ngayon!!'' sabi niya at sa wakas pinapasok niya din ako sa loob.



''Tama na chika, tara na!!'' sabi ko at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay nila.

My Accidental Boyfriend (boyxboy) (gayxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon