Chapter 16

1.5K 31 0
                                    

Ace POV

"Ace" mahinang bulong ng tinig sa tenga ko

"Hmmm" I response

"Ace gising na"

At dahan dahan akong dumilat, nakita ko si Kent na nakaupo sa gilid ko at nakangiti

"Anong oras na?" Tanong ko

"Alas kwatro"

"Hala! bakit hindi mo ako ginising absent tayo sa ilang subject" nag aalala kong sabe pano scholar ako dito no, nakakahiya naman scholar ka na nga tapos mag cucutting ka pa. Nahihiya ako sa sarili ko.

"Don't worry, napag paalam na kita" ngiting sabe nya, malamang Ace anak ng may ari yan ano pang ineexpect mo?

"Ahh tara" sabe ko at bumangon na nag inat inat muna ako bago ulit humarap sa kanya

"Nagugutom ka ba?" Tanong nya na nakatayo na din

"Medyo hehehe"

"Tara" sabe nya at hinawakan yung kamay ko.

Lumabas kame ng headquarter at dumiretso sa parking lot ng EU. Pinag buksan nya ako ng pinto at pumasok nadin ako. Umikot sya at umupo na sa driver seat.

"San tayo pupunta?" Tanong ko

"Jan lang hahaha" sabe nya at lumapit saken para ikabit yung seatbealt ko. Ang bango ni Kent, amoy lalaki pero hindi matapang

"Baka maubos amoy ko a" natatawa nyang sabe. Umiwas nalang ako ng tingin.

Pinaandar na nya yung sasakyan lumabas kame ng EU at dumiretso sa isang park

"Wow nasa park tayo" tuwang tuwa kong sabe

Lumabas na sya at umikot para pagbuksan ng pinto, tinanggal ko yung seatbelt ko at ng buksan nya ang pinto ay lumabas na ako. Feelinf prinsesa ka Ace?

"Tara" sabe nya at inalok ang kamay nya na agad kong kinuha

"Hahaha para tayong mag syota a" sabe ko nalang

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman, baka pag kamalan kase tayong mag syota"

"Na miss kasi kita" at hinigpitan nya pa yung pag kakahawak aa kamay ko

"Ikaw kase e, Hindi mo ko pinansin" pag iinarte ko

"Sorry na nga e, bati na rin naman tayo diba?" Tanong nya

"Oo sa tingin mo ba mag kasama tayo ngayon kung hindi pa tayo okay?" Tanong ko

"Hahaha oo nga naman, kain na tayo." at hinila nya ko malapit sa mini cafe sa loob ng park. Umorder kame ng kape at cake

"Alam mo ngayon lang ako nakapunta dito" pag sisimula ko ng usapan

"As in?" Gulat na tanong nya. Napatawa naman ako

"Oo, simula kase nung manganak si Mama sa bunso kong kapatid hindi ko na naisip na maglibang, puro trabaho na kase ako alam mo naman mahirap lang kame kaya kailangan kong tulungan si Mamang kumayod para lang may pang gastos kame" at humigop ako ng kape

"Kung ganon, bakit hindi mo inaccept yung offer ko? No offend Ace a"

"Hahaha, una kase gusto kong makakuha ng pera sa matinong paraan saka hello hindi pa kita kilala malay ko ba mamaya may aids ka" pag bibiro ko.

Hindi ako humindi sa offer nya kase magiging submissive nya ako it is just I don't know him much. I am not against in sex works for the reason that it is still work walang masama doon. 

The Virginator's Last VirginWhere stories live. Discover now