- 7 - REMINISCE

670 14 0
                                    

[ANGEL'S POV]

Ang boring, nakakamiss si Naomi. Nasaan ka na ba? Ang dami ‘kong kukwento sayo. Hindi ko makalimutan yung nangyari kahapon.

Flashback-

Lunch na pala. Hinintay ko si Naomi dun sa labas ng room namin kaso hindi siya dumating. Kaya ako na lang mag-isa ang kumain. Bumili lang ako ng burger tapos pumunta na ako dun sa favorite place ko sa school. Yung lumang building dun, nung hindi ko pa kilala si Naomi dito ako palagi kumakain. Nakakamiss din pala. Habang kinakain ko yung burger ko, may naririnig akong kumakaluskos. Hindi ko yun pinansin kasi baka daga lang. Sobrang luma na kasi nitong building pero wala namang alikabok. Gusto ko lang dito kasi tahimik. Wala akong naririnig na nagungutya saakin pero parang nagkamali ata ako ngayon.

“Look girls, mag-isa siya. Mukhang tinigilan niya na ang pagkerengkeng sa boylets dito sa school." -Elise

"Sino ba naman kasing makakatagal diyan. Iniba nga niya ang look niya, di na nga siya nerd pero pangit pa din." -Yvette

"Grabe ka naman Yvette di naman siya panget...she's UGLY." -Marian

"Idiot, parehas lang yun." -Yvette

Bla...bla...bla...bla...bla...

Habang nagdaldalan sila pasimple akong naglalakad palayo sakanila at nung medyo ok na, patakbo na sana ako kaso nahablot ni Elise yung buhok ko.

"Tatakas ka? Parang kaya mo ah." –Elise

Hinagis niya ako sa sahig at yung mga gamit ko tumalsik din. Nagasgas din ako kasi may mga bubog dito galing sa mga basag na salamin.

"Aw...that hurts." -Marian

"Bagay lang sayo yan! STAY AWAY FROM OUR PRINCE! UNDERSTAND?!" -Yvette

"Shut up Yvette. He's not your Prince, he's mine. You two shut up...especially you, Angel." -Elise

Lumapit saakin si Elise at hinawakan yung pisngi ko. Tulad ng dati masakit kasi mahahaba ang kuko niya.

"Elise tama na, nasasaktan ako."

"Nasasaktan ka? Kawawa ka naman." PAK!* isang malakas na sampal ang natanggap imbes na bitawan nila ako. Dahil dito, nadagdagan nanaman ang mga sugat ko.

"Hahahaha--" naputol yung pagtawa nila kasi may dumating. Pinilit kong tignan kung sino yung nga dumating at ang nakita ko na lang ay si Prince na tumatakbo palapit saakin at dumilim na ang paligid.

[PRINCE' POV]

"Angel, ok ka lang? Angel! Gising Angel!” tinapik ko ng mahina ang pisngi niya para magising pero nagulat ako ng may dugong kumapit sa mga daliri ko. May sugat siya, at dun ko lang napansin na napakadami niyang sugat. Nilingon ko yung tatlong babae na sinasabi nilang may gawa nito at nakita kong tinatrabaho na ni ate Naomi yung tatlo. Binuhat ko na lamang si Angel ng bridal style at ng tatawag n asana ako ng tulong, kaming dalawa na lang ang nandito sa lumang building...what the...ate Naomi!!!

Dinala ko na mag-isa si Angel sa clinic. Ang gaan niya sobra. Hindi na ako nagtataka kung bakit ang bilis niyang mapuruhan.

Sa clinic..

"Sir Prince, ano po ang nangyari?"

"Don't ask. Masiyadong maraming nangyari. Gamutin mo na lang yung sugat niya and pagpahingahin na din."

To Reach You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon