Kanlongan sa Bisig ni Inay

99 0 0
                                    

"tatlo". 

"pito". 

"isa lang master". 

"pwede po bang pautang master?".

Hindi ako isang collector o isang Bombay na nagpapahiram nang pera. 

Isa ako sa mga taong sumisira nang buhay nang iba, 

Timaguriang salot sa lipunan, 

Taong halang ang sikmura.

Isa akong drug pusher, isang taong pangarap nalang ang tuwid na daan, 

At nakapadilim nang tinatahak kong landas. 

Pero anong magagawa ko? 

Dito maraming pera, 

Dito kumikita nang bigtime, 

Dito natutustusan ko hindi lang ang aking pangagailangan kundi pati na ang aking bisyo, 

Babae, alak, druga,sugal.

"anak, kumain ka muna bago matulog", alok nang aking inay. 

"wag kanang mag alala, tapos na akong, tsaka may nilagay akong pera sa mesa ikaw na bahala kung saan mo gagastahin.", ganti ko.

Sa pagkakaalam ni nanay ay isa akong mabuting anak, 

Nagtatrabaho nang marangal 

Kumakayod sa buhay at maayos. 

Inilihim ko sa kanya ang lahat. Hindi rin naman niya malalaman, sa karatig bayan naman ang bigtime kong trabaho.

Pahiga na ako nang biglang may kumatok sa pintuan. 

Sinong aasahan ko? Dalawa lang naman kami sa bahay.

"anak, pwede kabang makausap?", malumanay na tanong ni nanay. 

"importante ba yan Nay? Pagod na kasi ako?", sungit kong ganti. 

"saglit lang ito anak, may itatanong lang ako." Pamimilit nang aking ina. 

Wala na akong magawa kaya 

"sige nay, Pumasok ka".

Umupo siya sa kama at akoy kanyang timabihan, 

"kumusta araw mo anak?", paglalambing niya. 

"may kailangan ka ba? Pera? Magkano?", galit kong tanong. 

"hindi anak, hindi, Hindi pera ang kailangan ko", depensa niya. 

"matagal tagal na rin kasi tayong di nag-uusap", dagdag niya. 

"panay overtime ka kasi sa trabaho mo at palaging gabi kana kung umuwi".

Sa pagkakaalam kasi niya isa akong fast food service crew supervisor. 

"ilang beses ko bang sasabihin sa iyo nay, kami po ang dapat maagang dumating at huli kung umalis sa trabaho".

Panay rason ko at alibay, mga bagay na lagi kong ginagawa pag ganitong tagpo. 

Umiyak bigla at di ko malaman kung bakit sabay tanong niya, 

"naging mabuti ba akong Ina?", naiiyak niyang tanong. 

Hindi ko mawari ang iniisip niya,  

Ang gusto niya, 

Pero di ko gusto ang mga ganitong tagpo kaya sinalubong ko siya nang hindi magandang sagot. 

"Nay, pagod na ako at kailangan ko nang magpahinga maaga pa ako bukas kaya kung iiyak kalang sa susunod na araw na't akoy matutulog na". 

Kukunin ko na sana yung kumot nang biglang  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kanlongan sa Bisig ni InayWhere stories live. Discover now