CHAPTER VII: IS IT REAL?!

47 0 0
                                    

What did Christian actually say? Napamahal siya saken? OMG, It's not my intention na ma-inlove saken si Titan. Ang intention ko lang naman is magkaron ng boyfriend. Nako. What to do? Hmmm. Tuloy ko na 'to, matutunan ko namang mahalin si Titan eh, but in  a hard way. Pero ano isasagot ko sa tanong niya kung ano yung napagdesisyunan ko? 

Hmmmm. Ganito ba?

"Oo, sige, tuloy natin to." Ayyy. Ang pangit.

"Mahal na rin kita, Tara tuloy natin to." Ang pangit naman, masyado naman akong pa-obvious. Magpaka-Maria Clara kaya ako? Nye. Sobra naman. Nako bahala na.

------------------------------------------

"Samantha, ba't di ka makapagsalita? ayaw mo ba saken?"

"Ha? ano ulit?"

"Ano? Ayaw mo ba saken? Gusto mo ligawan kita ulit?"

"(Yes, liligawan niya ko!) Ah. oh sige. Let's go back to zero."

"Talaga?" Napatalon at napasigaw sa tuwa si Titan while ako, patagong kilig.

"Oo. Wag ka na maingay diyan nakakahiya."

-----------------------------------------

Sa wakas! Naranasan ko na magkaboyfriend, naranasan ko na rin maligawan! Pero pano niya kayo ako liligawan? Kikiligin kaya ko ng sobra? Mahahalin ko kaya siya? Sana may roses, chocolates, tapos yung effort. Diba, ganyan naman tayong mga babae, gusto nag-eeffort ang lalaki, yung tipong makikita pa ng buong school. Basta, hindi ko siya ma-iexplain ng todo eh. 

Naka-uwi't bihis na'ko, humiga. Pagkahiga ko, niyakap ko ang unan sabay SIGAW sa sobrang kilig. Nagday-dreaming na naman ako. Hayy, ang sarap sa feeling ng naliligawan. Tapos maya-maya may nagtext saken, marami, sunod-sunid pa nga eh, tapos nung nakita ko puro text ni christian na.....

-----------------------------------------

"Hi babe! :"">" Ano?! Babe daw? AAAAAH. KINIKILIG AKO!

"Anong Babe ka dyan? :P" Reply ko sakanya.

"Ah. Wala. Naka-uwe ka na ba?"

"Oo. Medyo kanina pa."

---------------------------------------------------

Uyy maraming nagtext na naman sken, puro numbers.

From: +329123457679       Uyy, Samantha Congrats. Tindi mo!

From: +329987654321        Ikaw ha, naging kayo na pala, bat pinaligaw mo pa? Pakipot pa tong samantha na to, pero sana akin ka nalang. SELOS AKO. Joke lang po.

From: +3291750765722        Sagutin mo na yan si Titan, gwapo na, matalino na, MAHAL ka pa? San ka pa? Wag mo ng pakawalan. ;)

From: +3245678912338         MANG-AAGAW KANG BABAE KA. INAGAW MO SAKEN YUNG MAHAL KO. Pasalamat ka at new student ka lang.

GRABE ANG DAMI LANG NAGTEXT SKEN? Iba't ibang reaction, may nagalit, may nang-away, may nagulat at meron di rin makapaniwala. Kakaunti palang yan, marami yan, kaso hindi ko na pwedeng sabihin. Pano kaya nila nalaman? Kinakabahan tuloy ako bukas. Hindi ko alam kung pano magiging sagot ko sa mga tanong ng mga kaklase namen, sa mga ka-school mate ko. Ba't ba kase ipinagkalat ni Titan ang tungkol dun? Syempre sa lahat ng nagtext sken, nireply-an ko. Syempre yung mga pinag-rereply ko, yung matinong sagot, yung matinong pag-uusap, syempre new lang ako eh, nako kung hindi lang ako new, baka sinabutan ko na yung mga assuming, mga nag-aassume, tska syempre yung mga nagkakalat ng tsimis.

HAAAY?! KAINIS. Maya-maya tumawag si Titan.    *Ring! Ring! Ring!*

 ----------------------------------------

"Hello? Uy, maraming nagtext saken, pano nila nalaman? Sinabe mo ba sakanila?"

"Oo. Bakit? Gusto ko kasing malaman nila, kaya para pagpapakilala nakita, hindi mahirap."

"Ah. Ganon ba? Eh pano nila nalaman yung number ko? Binigay mo rin?"

"Oo. Binigay ko rin, marami bang nagtext sayo? Ano sabe?"

"Oo! Sobrang dami nga eh, daming galit, di-makapaniwala yung iba, nagbiro. Pero pinakayaw ko dun, yung may nag-text saken ang landi ko daw."

"SORRY! Sino? Kausapin ko?

"Nako, Wag na." Binagsakan ko siya ng phone..... Maya maya na tumawag siya, sinagot ko pero hindi ako sumasagot, niloud speaker ko nalang.

"Sorry na, kung nagalit ka? Hindi naman sinasadya.........." Kinantahan niya ko. Hindi ako umi-imik. Hanggang sa narinig kong umiiyak siya. Ang sama ko naman, nakapa-iyak ako ng lalaki.

"Tama na. Hindi naman ako sobrang nagalit eh. Sige na. Bye."

-------------------------------------------

Nako, Ang chicks ko naman. Iniyakan ako ng isang lalaki? Ang bigat sa feeling. Parang yung feeling na ang sama-sama ko. Para bang nakapatay ako ng tao, well, hindi tao, kundi puso. Tapos tinext ko nalang siya ng "matulog na tayo".

Kinabukasan, pagkapasok ko ng gate, may nagbibigay saken ng sticky notes, colorful sticky notes. Mga dates, oras, quotes, at pick-up lines. Nagtaka lang ako sa date time and oras, bakit ganon? Sino kaya tong nagpapabigay nito? Hanggang sa recess and lunch may nagbibigay saken. Nag-thathank you nalang ako sa lahat ng nag-aabot. Hanggang sa may nakuha ako na, "Nagtataka ka ba kung bakit may oras at date kang nakukuha?" tapos tumingin ako sa paligid, wala namang naka-tingin. Sino kaya to? Tapos pag tingin ko sa likod ng sticky note nakita ko.... "kase eto yung mga oras at araw na mahalaga sa'akin."

Nung nag-uwian na, may nakuha akong white roses na may card, nakalagay rito, "Punta ka sa backstage ng school, saka mo ko makikilala." Edi pumunta naman ako. Ang daming tao, parang sila yung walls ng hallway na dadaanan ko, pagdating naman sa backstage wala namang tao. Biglang may nag-gitara sa likod ko. Pag lingon ko si Titan pala. Nag-alay siya ng isang kanta na "Ngiti", habang kumakanta siya, maraming sumabay sa kanta, as in madaming madami. (Sino ba naman ang hindi kikiligin sa ganitong effort diba?) Pagkatapos niyang kumanta saka niya binigkas ang "Hi Samantha, gusto kita, napamahal ako sayo, hindi ko mai-explain ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako. Teka, (may sinenyasan siya na lumapit) eto para sayo, isang boque ng bulaklak... (lahat na nahimik) patawarin mo na ko sa nagawa ko kagabe, hindi ko naman aakalaing magagalit ka saken. At maaari ba kong manligaw?" 

Dream ko lang 'to dati. Ang may manliligaw, at magkaboyfriend. Ngayon, nangyayare na mismo. IS IT REAL?! oh baka nanaginip lang ako? Hindi ako makapaniwala. 

I thought it was FOREVERWhere stories live. Discover now