(Oneshot) "Tanungin Mo Nga Ako"

74.2K 3.6K 927
                                    

Oneshot: "Tanungin Mo Nga Ako"

© Filipina Wattpad 2014

(A/N: One of those corny oneshots of mine- ever LOL!)

* * *

*sulat sulat*

Nagsusulat ako ngayon kasi ang boring. Atsaka wala pa kasing laman itong notebook ko sa history.

*sulat sulat*

Ang tagal kasing dumating ni Ma'am. Sana hindi ako antukin.

*sulat sulat*

Pero ang mas matagal pala ay ang pagdating ng aking crush.

*sulat sulat*

Kung sino ang crush ko?

*sulat sulat*

Si Mica Angela Perez. Sikretong malupit lang natin yun ah.

*sulat sulat*

"Uy, nakapag review ka na?" rinig kong tanong ni Mica Angela nang makapasok siya sa aming classroom kaya napatigil ako sa pagsusulat at agad na itinago yung notebook ko sa history.

"Oo," sagot naman nung kaibigan niyang si Kristina.

Nakita kong kinuha ni Mica ang kanyang hand-outs para sa subject naming History. Nag-ayos naman ako ng upo at kinuha yung earphones sa bag ko nang makita kong papalapit na sa akin ang mga kaklase ko.

Napatingin ako ng pasimple at nakita ko si Mica na nagsusulat. Mukhang gumagawa siya ng assignment.

Humalukipkip naman ako nang lapitan ako ng mga kaklase kong mga babae. Tinatawag pa nila ang pangalan ko dahil ang hilig nilang lumapit sa akin kahit dinededma ko lang sila parati. Hindi naman ako pa-cool pero sadyang wala akong interes sa kanila kasi... si Mica ang interes ko.

Ako nga pala si Joshua Gutierrez, 3rd year highschool.

Hindi naman sa pagmamayabang pero alam kong isa ako sa mga heartthrob ng aming school. Ang lakas daw kasi ng appeal ko at ang gwapo ko daw. Gusto rin daw nila ang ugali kong hindi pala-imik dahil may pagka-misteryoso daw. May pagka-bad boy pa daw yung itsura ko kaya type na type daw nila ako.

Pero sa totoo lang, wala akong pakialam kung gusto nila ako. Wag lang sana nila akong landiin. Nakakainis kasi tuwing hinahawakan nila ako sa braso. Tapos may mga nagtetext pa at tumatawag sa phone ko na mga hindi ko kilala. Paano na lang kung naging artista na ako, di ba? Edi mas lalong malala...

Napamulat ako at nakita kong wala ng tao sa room. Mukhang tapos na ang klase't wala man lang gumising sa'kin! Sabagay, naiinis ako pag ginigising ako kaya siguro, naisip nilang h'wag akong gisingin...

Inalis ko yung earphones ko at inilagay ito sa bulsa. Akma ko na sanang kukunin yung bag ko nang magbukas yung pinto ng classroom.

Natigilan ako nang makita ko si Mica. Shiii-t lang! Kami lang ni Mica ang andito!

(Oneshot) "Tanungin Mo Nga Ako"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon