Chapter 6: Run, Tricia Run!

168 11 30
                                    

:::Author's Note::: 

Ayan after ng mainit na Special Chapter balik tayo sa story.

Sa mga hindi pa nakakabasa ng Special Chapter kasi naka-private na po iyon. So, you must to be a fan to read it. After being a fan you can read it after chapter 5 and before this chapter. Thanks! ^__^ 

-inkmark 

::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Chapter 6: 

Run, Tricia Run!

[Tricia's POV]

"No Tricia! You will not do that, right?" Danica asked habang papalapit sila akin. Tinignan ko lang sila at ngumiti.

"Yes! I will!"

Tumalikod ako at muling tinignan yung ad na naka post. Lumapit silang dalawa sa tabi ko habang pinagmamasdan ang nasa harapan namin.

_________________________________ 

Coffee Bucket 

HIRING!

Female Crew: 

- 17-25 years old 

- with pleasing personality 

- with or without experience 

- preferably highschool graduate or college level/ 

graduate 

_________________________________

"Are you freaking serious about this Tricia?!" Makulit na tanong ni Lyn habang dinudutdot nya yung ad.

"Oo nga sabi eh..." Banas na sagot ko sa kanya. Nakakainis naman kasi ang kulit kulit eh.

"Sa tingin mo ba papayagan ka nila Tito Armando na mag-work dito? Huh? Eh halos prinsesa na nga kung ituring ka ng mga parents mo eh. Tapos magwowork ka lang dito?" At isa pa itong si Danica. Kontrabida nanaman sa buhay ko.

"Ewan ko... Saka ko na lang iisipin yon... wait nga lang." sagot ko sa kanya.

Iniwanan ko muna sila at lumapit ako sa table ni manong guard na malapit doon.

"uhm... Excuse me!" Bati ko sa guard pag lapit ko sa table nya.

"Yes ma'am? May kailangan po ba kayo?"

"Well, itatanong ko lang sana kung hiring pa din kayo?" I pointed my finger sa ad na naka post. Tumingin naman siya sa itinuro ko.

"ah opo ma'am! Urgent nga po yan eh. Mag-aapply po ba kayo??" Tinignan niya ako na parang nagtataka kung seryoso ba ako. "Mukha naman po kayong mayaman ah. Bakit mag-aapply po kayo dito?"

Aba't echosero tong guard na ito ah! So, pag mayaman di na pwedeng mag-apply?! This is discrimination! Kailangan kong ipaglaban ang karapatan ko! Fight Tricia!

Nakatingin lang siya sakin habang hinihintay ang isasagot ko. Pero ano namang isasagot ko? I can't seem to find any answer to his question. Ah naku bahala na nga!

"ah... eh... ano kasi..."

Ano nga ba? Napatingin ako sa loob ng café kung saan kitang kita ko si Luigi. Siya lang naman kasi ang dahilan kung bakit gusto ko magtrabaho dito eh.

I hear the guard chuckled. At ano naman kaya ang nakakatawa?! Napa lingon ako kay manong at nakatanaw din pala siya sa tinitignan ko.

"ahh... kaya naman pala hehe." Sabi niya bago humarap sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Mukhang nakuha na niya yung sagot kung bakit ko gusto mag-apply. Nakakahiya naman! Baka kung ano na iniisip ng guard na ito.

When Love Strikes: Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon