Secret Place

1.3K 21 3
                                    

~ Di lahat nadadala ng kaputian. Sabi nga nila, "White is attractive but black is beauty."

Yung tipong saksakan nga ng puti pero pang-impakta ang ugali. *bits* XDD

_____________________________________________________________________________

Tumatakbo na parang siraulo. May hinahabol na kung ano. Haaay, nasan na ba siya? Bat ang bilis nyang nawala sa paningin ko? =___=

Kanina nung makita ko sya bago tuluyang makalabas ng room, iba na yung naramdaman ko. Kakaiba. Sa bukas ng kanyang muka, alam na alam kong may dinadaing sya.

Sa ngayon hindi ko pa alam. Kung sakaling may patunguhan tong paghabol ko sa kanya, sana lang may lakas ako ng loob na itanong kung meron man.

Habang wala sa ulirat na tumatakbo pa rin..

*Makakakita ng isang pamilyar na lalake. Lalakasan ang loob na magtatanong at kakapalan ang muka*

“Pwede magtanong?”

[ Nakalaban ko sya dati sa Quiz bee kaya tanda ko pa ichura. Sigurado akong sya yun kaya lang di ko matandaan kung anong pangalan nya. ]

“Nagtatanong ka na nga.”

“-____________-“

[ Pilosopo pa ang loko. Pasalamat ka, nagmamadali ako. ]

“De, sige ano yun?”

“Nakita mo si Keena na napadaan dito?”

“Keena? Yung maganda?”

[ Kelangan ba talagang isunod ko pa yung salitang maganda para mas makilala sya? -_____- ]

“Nakita ko syang pumunta dun *sabay turo sa kaliwa*, tumatakbo lang tsaka parang umiiyak.”

“Ganun ba. May nakita ka bang kasama nya?”

“Wala naman. Mag-isa lang sya.”

[ Ibig sabihin, umiiyak sya ngayon pero walang kahit na sino ang sumunod para patahanin sya. Tss ]

“Last na tanong na lang..”

“Sige yung susunod may bayad na. Ano yun?”

“May panyo ka ba dyan?”

[ No choice na ko! Naiwan ko sa bag yung sarili kong panyo eh. ]

“Oo, eto meron.”

“Malinis ba to?”

“Oo naman. Araw araw akong nagpapalit. Baket ba?”

“Akin na lang muna. *biglang hablot*”

“Oy teka! Wala akong gagamitin.”

“Papalitan ko talaga. Nagmamadali lang ako ngayon. Salamat!”

[ Sabay takbo papunta sa tinuro nyang direksyon. ]

Okay lang magmukang klepto ng panyo sa kanto. Nagbabaka sakali at nagsisigurado lang na handang handa na ako kapag nakaharap ko sya ulet. Sana ngayon na yun. :|

L a k a d     –     L i n g o n     –     H a n a p

L a k a d     –     L i n g o n     –     H a n a p

Umabot na ko sa kabilang dulo. Disadvantage pa na may kalakihan ang school na to para mabilis na mahanap ko sya. Nasan na kaya si Keena?

Sa lahat ng classrooms na nadaanan ko, tinignan ko na. Baka kase napagod kakatakbo at mapapahinto na sa wakas. Kaya lang bigo pa din dahil di ko sya makita kita. :-s

Bitterness is Next to Ugliness 2 (ON-HOLD)Where stories live. Discover now