CHAPTER 1- Those Days...

104 3 0
                                    

"Hoy taba! Doon ka sa hulihan,ang laki laki mo tapos lumilinya ka sa unahan? Ano ka hello? sabi ng estudyante sa likuran ko.

Yes, you heard it right? I'm a big fat Kimmy. Students talk behind my back,and make fun of me on almost daily basis,almost every night, I cry myself to sleep because of this,and it's just incredibly painful.I want to talk to people,but its hard to muster up the courage.No one likes me. I'm being bullied because i'm overweight and ugly.

"Hey there pumpkin". Nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko.

Si Xian. Alexander Xian Lim Cruz Uy. Siya lang naman ang kapitbahay slash dakilang mambubully ko. Isa siya sa pinaka iniiwasan ko sa tanang buhay ko. Sa tuwing lalapit siya sa akin ay laging may kababalaghang nagaganap.

--Flashback--

Papunta ako sa locker room. Hindi ko alam kung bakit tinitingnan at pinag tatawanan ako ng mga tao sa tuwing may nakakasalubong ako.

" I'm sexy and pretty and I know it daw? hahahaha!". Narinig ko sa isang babae na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Saan banda?". Sabi naman ng kasama niya.

Patuloy ako sa paglalakad ko.Hinayaan ko nalang sila. Nang makarating ako sa locker ko may nakita akong post it at may nakasulat na " I'M A PIG AND I LOVE IT". Nagulat ako pagkabasa ko nun. Nasaktan ako sa nakasulat. Sino ba naman ang hindi? sa kalagayan kung to.Oo mataba ako pero sana naman i respeto nalang nila ako bilang tao.Respeto nalang ang hingi ko.Hindi ko alam kung sino ang naglagay ng post it na yun sa locker ko. Nag isip isip muna ako mga ilang menuto kung sino ang pwede gumawa nito s akin. Isa lang naman ang pumasok sa isip ko.

Pagka bukas ng pagka bukas  ko sa locker ay tumumbad sa akin ang maliliit at maraming ipis.

"Aaaaaaaah!!Sigaw ko na parang bata. Nataranta ako, di ko alam ang gagawin. Pano naman nalaman ng taong ito na takot ako sa ipis?Sino kayang hinayupak ang may pakana nito?

"You're cute..."baby damulag indeed".Sabi ni Lindon.Ang ex-bestfriend ko.

"Look at you, you look miserable.  Alam mo gumaganda ka kapag galit ka. Para kang isang baby na inagawan ng lollipop. Alam mo minsan naawa talaga ako sayo. Alam mo kung bakit? Dahil wala kang kaibigan. No one likes you. You're fat and ugly." pahabol pa niya.

Tiningnan ko siya ng malalim at bigla ko siyang sinampal ng pagka lakas lakas.

PAK!

Nagulat ang lahat na nakakita. Ang ibang nag tatawanan ay tumigil, ang iba naman na nag tsi tsismisan ay tumigil rin na para bang may dumaan na anghel.

Pikon na pikon na ako sa mga pinag gagawa ng babaeng to. Ayaw na ayaw kung iniinsulto ako sa harap ng napakaraming tao.

"You know what?Mali ang pagkaka-kilala ko sayo.Akala ko mabuti kang tao"....naiiyak na sabi ko."Akala ko ikaw lang ang tanging kaibigan na makaka-intindi sa akin.Ang taong dadamamayan ako sa mga pangungutyang natatanggap ko.Pero nagkamali pala ako ng pagkakakilala  sayo. Kagaya ka rin pala nilang wala nang ginawa kundi husgahan ang pagkatao ko.Wala ka rin palang pinagkaiba sa kanila."Mariin na pagkasabi ko sa kanya na siya namang ikinagulat niya.Hindi siya nakapag salita.

Umalis ako kaagad sa harapan niya. Pumunta ako sa school garden para makahinga.

We were the closest two people can be. Siya ang nag tatanggol sa akin nung grade school pa kami. Yung lahat ng mga pang iinsulto na ibinibigay ng iba sa akin siya ang rumiresbak., then she flipped out and she's telling me HORRIBLE things simula ng tumuntong kami ng highschool...na impluwensyahan siya sa mga bago niyang barkada.Malimit na lang kami nagsasama simula nang nagka barkada siya. Isa na siya sa mga taong jinujudge ako sa pisikal na kaanyu-an ko. Ang dating matalik kong kaibigan ay nawala na.

Melt With You (KimXi)Where stories live. Discover now