Reyna Ng Kamalasan(The Married Life)-[Fan Fiction]

21.1K 552 146
                                    

NOTE: BEFORE READING THIS,PLEASE READ MISS GLIMMER'S STORY 'REYNA NG KAMALASAN'. THIS IS JUST A FAN FICTION OF HER WORK. HOPE YOU'LL LIKE THIS =)

**

"Manganganak na koooooooooo! Silberyoooooooooo!" Sigaw ni Zylie habang siya ay nasa kwarto.

"Omo! Omo! Mommy?!" Dali-dali at natatarantang nagtatatakbong sumisigaw si Pancake,ang pangalawang anak nila palapit sakaniyang mommy.

"Daaaaaaaad! Manganganak na si mommy!" Patakbo na ding pumunta si Gold,ang panganay na anak nila.

Nasa grade 4 na ang panganay nila at nasa grade 3 naman ang pangalawa. Halos isang taon lang ang tanda ng mga ito sa isa't-isa.

Ilang taon din ang nakalipas matapos silang magpakasal. Nagpropose si Silver sakaniya pagtapos nilang makagraduate ng college.

(The Proposal)

Umiiyak na si Zylie habang nakatungo naman ang ulo ni Silver. Nasa restaurant sila.

"Silver...s-sigurado ka ba? H-Hindi ka ba nagjo-joke?" Umangat ang ulo ni Silver at tumingin ng diretso sa mga mata ni Zylie.

"Do I look like I'm joking? I'm serious....I don't want you to be my girlfriend anymore" Sabi ni Silver in a serious tone. Lalong umagos ang luha ni Zylie. Inialis ni Silver ang mga kamay ni Zylie na nakapatong sa kamay ni Silver sa ibabaw ng table. Nanlumo bigla si Zylie at napahagulgol ng sobra. Nakatungo na lang ang ulo ni Zylie habang nakatakip sakaniyang mukha ang kaniyang mga kamay.

Habang si Silver naman ay may kinuha sakaniyang bulsa.

"Because I want you..." Pinutol ni Silver ang sasabihin niya at napa-angat naman ng ulo si Zylie. Biglaan na lang kasi na nasa harapan niya na ito,nakaluhod at may hawak na maliit na box.

"To be my wife and to be the mother of my children" Nabigla si Zylie. Hindi magprocess sa utak niya ang mga nangyayari.

"An-Ano ulit?" Napahagikgik ng konti si Silver at napa-iling. Muli ay tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Zylie.

"Marry me,Zyla Lienne Carbonnel" Sabi ni Silver habang nakangiti.

Naluluha luha si Zylie. Hindi malaman kung anong dapat na reaksyon. Kung matutuwa ba sa ginawang pagp-propose nito? O maiinis dahil sa mga sinabi nito?

Niyakap ni Zylie si Silver at naghiyawan ang mga tao sa loob ng restaurant. Doon niya lang napansin na nandoon pala ang mga kaibigan niya. Si Alyanna,si Mika at si Jupiter ay nasa iisang table lang. Habang si Bettina at Buknoy naman ay nasa kabila. Magkakasama naman sina Zeus at ang mama't papa ni Zylie sa isang table. Sa kabila din ay magkakasama ang pamilya ni Silver.

"Say yes ate Zyliiiiiieeeee!" Sigaw ni Orange habang nakangiti ng malapad at nagtatatalon. Nasa college na ito ngunit ganoon pa din ito kung umasta. Isip bata pa din.

Sobrang tuwa ang nararamdaman ni Zylie. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya at kung paano sasabihin ang salitang 'Oo'.

Kumawala muna si Zylie sa yakap at hinampas ng marahan si Silver sa dibdib.

"Nakakainis ka" Sabi nito habang patuloy na naluluha ang mga mata.

"So?" Sabi na lamang ni Silver habang nakaluhod pa din. Nakataas ang kaliwang kilay nito.

Nabigla si Silver sa ginawa ni Zylie,pero tumugon din ito sa mga halik niya.

Reyna Ng Kamalasan(The Married Life)-[Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon