Chapter 14 "Unglad to be back"

14 0 0
                                    

Pilipinas .. hindi gusto ni Mina ang pagbabakasyon nila ng kanyang tita Tes at Melinda sa Pinas.. kaya naman pagkabalik na pagkabalik nila sa Pinas ay agad na dinalaw ni Mina ang kanyang bestfriend na si Krisha malapit noon sa bahay na tinutuluyan nila..

* tok * tok *tok !!!

"sandali lang .. sino yan ..?" tanong ni Krisha habang papalapit sa pinto ..

pagkabukas ni Krisha ng pinto ay nagtanong ito kay Mina na tila ibang tao ang kanyang nasa harapan, kung kaya't nabigla na lamang ito ng biglang yumakap sa kanya si Mina ..

"t- teka .. may problema ba ? Miss ? may problema ka ba ?" tanong ni Krisha

"Kamusta ka na ? namiss kita sobra !!" galak na tanong ni Mina..

"teka teka miss ha .. (kung hindi ka lang maganda kanina pa kita sinapak) miss .. kilala ba kita ?sino ka ba ?" tanong ni Krisha..

"Bhest !! it's me Mina .. hindi mo na ba ako natatandaan ?"

"Teka .. did u mean .. ur Carmina Angeline Guevarra ?" gulat na tanong ni Krisha ..

"gosh bhest .. sino pa nga ba ? ako nga ito .."

"Mina !!! namiss kita .. kamusta ka na ?! Kelan ka pa nakabalik ?" tanong ni krisha na tila biglang bigla ito ng makilala niya ang kanyang matalik na kaibigan ..

"Kadarating lang namin kani-kanina .. naalala kita .. kaya naisipan kong puntahan agad kita.."

"sorry Mina .. di kita nakilala .. anlaki ng pinagbago mo .. " pamumuri ni Krisha ..

habang nagkwkwentuhan ang dalawang matalik na magkaibigan .. naisipan naman ng tita ni Mina na maghanap muna ng panandaliang matutuluyan para sa isang buwan .. wala na kase ang bahay na date nilang tinuluyan noon .. inupahan lang din kase nila iyon .. at sa kasamaang pala ay mayroon ng bagong nakatira dito ..

habang masayang nagkkwentuhan ang dalawa .. naalala ni Krisha ang tungkol sa gaganaping Engagement party ng dalawa sa kanilang mga kabatch noon .. sila Jason at Karla .. kung kaya naisipan nitong imbitahin si Mina sa okasyon na iyon ..

"Nga pala Mina .. tamang tama .. dahil nakauwi ka na ng pinas .. baka gusto mo dumalo sa Engagement Party nila Jason at Karla bukas .?" pagaaya ni Krisha

"HA?! ibig mo sabihin si Jason Villareal at Karla Cruz ang nagkatuluyan ?" tanong ni Mina

"Oo ! . . hehe bakit Mina ? parang gulat ka ?"

"wala lang .. e kasi diba sila yung madalas na magkaaway sa loob ng classroom noon?"

"HAY ! wala tayo maggawa .. haha may kasabihan nga diba .. nagsimula sa konting asaran pagkatapos nagkasuntukan .! ay este nagkainlaban pala .. hahaha" biro ni Krisha ..

"Hmm .. wag na muna siguro bhest .." pagtutol ni Mina ..

"ha ? bakit naman .. sayang naman kung di ka pupunta ... "

pilit na tumututol si Mina sa kagustuhan ng kaibigan .. dahil sa rason na baka magkita silang muli ni Michael .. bagay na kinatatakutan niyang mangyari .. ngunit dahil sa nasabi ni Krisha na hindi makakapunta si Michael .. napilitan na lamang nitong sumama ..

"Love is Lovelier the second time around"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon