Chapter 6 -- Lagot Ka!!

29 1 5
                                    

haloooo..3 chapters for today..continue reading po ha..vote and be a fan!=) 

Enjoy reading!=)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Jarred's POV)

"JAAAAAARREEEEEEEEEEEEEEEED!!"

Nakakagulantang namang boses yon! Ang laki at ang bigat ng boses niya. Paglingon ko, hindi na ako nabigla. Sa 25 girls sa klase namin si Allysa lang naman ang babaeng malaki at malagong ang boses. Bagay naman yon sa kanya laso astigin siya pumorma at kilos lalaki rin siya. Hindi ko nga ba alam kung bakit na-attract ako sa kanya dati? Oo, Dati..para kasing magbago na ang feelings ko for her..nakakpagod umintindi sa katarayan ng isang babae! Hahahaha..

"JAAAAAAAAAAARREEEEEEEEEEEEEEEEED!!"

Pinalilibutan na si Allysa ng mga girls. Ano naman kayang issue ngayon?

Jarred: Oh? Bakit ka nasigaw? Di naman ako bingi.

Allysa: Napakasinungaling mo!!

Jarred: Oh? Bakit? Anong ginawa ko?

Mia: Kasi..sabi mo may TB ka..pupunta kayong London for your medication. Tapos napag-alaman naming sa  Hong Kong ka pala nagpunta for a family trip! PInaglalaruan mo lang kami!!!

Patay! Oo, sinabi ko nga yon pero kay Allysa lang..bakit ngayon alam na ng buong girls..tsk! Mga babae talaga..chismosa! Pero, pano na ngayon? Anong gagawin ko? TSK!

Aika: Be honest this time Jarred..Wag mo ng ulitin pa ang pagsisinungaling mo!

Allysa: Huling-huli ka na! Wag ka ng magpalusot pa!

Jarred: Sige na..sige na..oo nasabi ko nga yon..trip trip lang naman yon..joke lang!

Allysa: WOW!! GANDA NG JOKE MO!! NAKAKA-INIT NG DUGO!!!!!

Jarred: Wag ka na naman magalit..nasabi ko lang naman yon para malaman kung mag-aalala ka ba sa akin o hindi..

Allysa: Pwes, hindi ako nag-alala!! Nabwisit ako! Pinaglaruan mo ako..niloko at pinagmukhang tanga!! DAMN!!

Jarred: Hindi naman yon ang intensyon ko..Sorry..

Allysa: SORRY?!! Kapal ng mukha mo! SINUNGALING!! What can your sorry do, now that the damage is done.. at hind lahat ng jokes mo nakakatuwa!! Minsan ang joke pinag-iisipan din!! MAG-AYOS KA NAMAN!!!

Ouch! Sakit na nga ng mga sinabi nila..nagwalk-out pa! TSK.. Haay..kasalanan ko ito..kelangang ayusin ko ito.

-----------------------------------------

Kinabukasan, I tried to explain. Sinuyo ko sila. Inamo. Pero lahat sila tinatarayan lang ako lalo. Dinededma. Binabalewala. Nagpaparinig. Nambaback-stab. Pati nga ang tropa tinutulungan na ako mag-explain. Pero ayaw talaga nilangmakinig. Tumagal ng ilang araw ang hindi pagpapansinan at ang pagpaarinig ng girls. Nahati ang klase namin. Nagkaroon ng sariling mundo ang girls at dumidistansya kaming mga boys. Watak-watak na ang klase namin. TSK!

(Honey's POV)

Tuwangt tuwa si Shara sa pasalubong ni Boss. Although nagwowonder siya about Boss, halata sa eyes niya yung happiness. Magaling na rin ito kasi nadidivert ang attention niya. Instead na mapako ang attention niya kay Nico at sa break-up nila, naaaliw siya sa mysteries at surprises ni Boss. Kaya tumbs-up kami nina Lexa at Gela kay Kuya Jarred. Oo! Alam na nina Lexa at Gela na si Boss ay si Kuya Jarred. Alam na rin nila ying story about last week. Pero sinisecret pa namin yun kay Shara. Gusto kasi namin mag-effort si Kuya.

Pero may nabalitaan ako..masaya nga si Shara, malungkot at problemado naman si Kuya Jarred. Super problemado si Kuya Jarred  dala na rin ng nagawa niya kay Allysa at sa girls ng klase nila. Gustong-gusto na niyang maayos ang lahat pero closed-minded ang girls sa class nila.

HIndi ko alam kung paano tutulong kay Kuya. Naisip ko si Gela..kapag kasi malulngkot si Shara, si Gela lang nakakapagpahalakhak sa kanya. Kaya baka mapasaya rin ni Gela si Kuya. Luka-luka kasi si Gela. Kaya binigay ko kay Kuya yung number ni Gela.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Itetext kaya ni Jarred si Gela?

Maayos pa kaya ni Jarred ang mga problemang ginawa niya?

Ano na mangyayari sa samahan nina Allysa at Jarred?

Continue reading..

Vote and Be a Fan..=))

Imperfect Day DreamWhere stories live. Discover now