Chapter 22

78 1 0
                                    

"Manang?!"

-Si manang yung tumawag sakin.

Anong ginagawa niya dito!?

Nag hiwalay kami agad ni Bryan.

"Bakit ho?"

-tanong ko kay manang na parang tumakbo. Hingal na hingal siya.

"Ayos lang ho ba kayo?"

-napakapit sa balikat ko si manang. Hinihingal siya. Hindi agad siya nakapag salita.

"Hija..... Si.... Si Angie..."

-Huminga ng malalim si Manang.

Teka.

Parang hindi ko ata gusto tong sasabihin ni manang.

Kinakabahan ako!

Nagkatinginan naman kami ni Bryan.

Maya maya lumapit samin sila Priase at anton.

"Whats going on?"

-Tanong ni Priase.

Binalik ko yung tingin kay manang.

"Manang ano ho bang nangyare kay Angie?"

-Tanong ko ulit skanya.

"Nakita ng driver niyo si Angie na naka higa sa damuhan. Nung lapitan niya eh walang malay. Sinugod na namin sa ospital..."

-sabi sakin ni manang.

Waaaah!!

Ano ba to!!

Bakit walang malay si Angie!

Kasalanan ko to!

Lagi kasi akong nag uutos eh!!

"san pong ospital?"

-Taong ko kay manang.

"Sa san gabriel. Malapit sa hotel ninyo. Tara. Nag aantay na ang sasakyan."

-Aya sakin ni manang.

hindi ko na nilingon si Bryan oh kahit sila Praise pa.

Sumama na agad ako kila manang para puntahan si Angie.

--

Nakarating kami sa ospital.

Kaming dalawa lang ni manang.

Hindi ko alam kung susunod sila Bryan.

"Doc ano hong nangyare sa Friend ko? Is she ok? May sakit po ba siya?"

-Tanong ko sa doctor. Natatarantang naiiyak ako.

Hindi ko ata kaya pag may nangyaring masama kay Angie.

Lalo nat alam ko na ako ang may kasalanan.

Lagi ko siyang pinapagalitan.

Nasa kwarto kami ngayon ni Angie at kinukunan siya kasalukuyan ng temperature.

"She's ok now. She needs to rest. Kailangan pa namin ng maraming test kung bakit siya nahimatay pero sa ngayon tingin ko masyado lang siyang napagod."

-Sabi ng doctor.

Over fatigue siguro.

Nag lakad ako papunta sa gilid ng kama ni Angie.

Natutulog lang siya.

Naupo ako sa upuan sa gulid ng kama.

"salamat ho doc....."

-Sabi ni manang sa doctor.

Stolen Shots of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon