BLAD Chapter Fourteen.

56 5 0
                                    

- - - - 

In 15 minutes lalaban na. Pero yung dibdib ko, naninikip. Kaya 'to. Kaya 'to. Kaya 'to. Kaya 'to. 

Kit: "Ate Phia, lalaban ka na ba?" Si Kit. Bunso ko'to. Makulit 'to tsaka joker, pero close close. 

Ako: "Ha? Di pa naman. Pero malapit na. Bakit?" 

Kit: "Kinakabahan ka, no?!" 

Ako: "Oo, eh." 

Kit: "Tara Ate, inom muna tayo sa taas saglit. Para kumalma ka tsaka may kasama ako."  

Sinamahan ko si Kit. Pagdating namin sa classroom, nandun sya. Pero pumasok ako. Gusto ko iparamdam sa kanya na wala lang sa'ken. Naglakad ako papunta sa may bag ko ng may natapakan ako. Tinignan ko kung ano yun, at para nanamang inantok yung puso ko. Nakatulog, eh. Nawala yung tibok.  

Pupulutin ko sana yung lukot na pi--.. Yung bagay na natapakan ko pero nung maabot ko na, para bang may pumigil sa'ken. Kaya hindi ko na itinuloy. Uminom ako ng tubig at sinabing, "Kit, una na 'ko."  

Nanghina yung boses ko. At nung paglabas ko ng classroom, ayan. Tumulo na naman siya. Hindi ko alam kung bakit pero tumakbo ang mga paa ko na para bang gusto kong pagudin ang sarili ko. Tinakbo ko hanggang badminton court kaya pagdating ko dun, napatingin sila sa'ken. Umupo ako sa sulok at doon... 

Kooya Raf: "Anong nangyari sa'yo?" 

Myrtle: "My, okay ka lang ba?" 

Des: "My, lalaban na 'ko. Pagkatapos ko doubles na. Ikalma mo na yang sarili mo." 

Hindi ako makahinga. Parati kapag tumatakbo ako lalo na sa pataas na hagdan, ganto yung nararamdaman ko. Pero iba 'to. Kasi alam kong hindi lang pagtakbo ang dahilan nito. 

Myrtle: "My. Umiiyak ka." 

Ha? Umiiyak ako? *punas*. 

Ako: "Hehe. Sorry." 

Myrtle: "Ano nangyari? Nakita mo si Kris?"  

Ako: "Oo." Hindi ko nanaman napigilan. "Myrts, nakita ko na yung mga sinasabi mo. *tear drops* Mas masakit pala sa personal. Haha." 

Nagulat ako ng biglang magsalita si Alex. "Yan napapala mo. Kalimutan mo muna yan. Hindi yan makakatulong sa'yo. Huwag mo isama sa laro. Tara na. Sasabak na tayo." Huminga ako ng malalim at inabot ang kamay ni Alex. Pumwesto na kami. Kalaban namin? Si Joanna at si Lei. Hayyy. 

*Serve* 

Kung ayaw mo na sana sa maayos na paraan. Hindi yung ganyan! 

Alam mo bang masakit ha? Alam mo ba?! Hindi mo alam! 

Sabagay, hindi naman tayo. Bakit nga ba ako nageexpect? 

Sinabi mo lang namang mahal mo ko diba? Bakit ngayon, nasasaktan ako? 

Ano ba ko? Rebound na lang ba talaga? Yun lang? Rebound ng best friend ko? :'(  

"Sophie! Ano ba!? Ayusin mo! Please! 2 na lamang!" Naalimpungatan ako sa sigaw ni Alex.  

Nahabol namin ng 11-11. Up to 13 'to. Mahigpit ang laban. Naging 12-12. At ayan na ang bola. Serve nila. Tinignan ako ni Alex kaya ako ang nagreceive at ayun! Hindi nahabol ni Joanna. Panalo kami. Panalo kami. Pa.na.lo... kami. 

- - - -

Between Life and Death. [Slow-update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon