Chapter Three - Strip or Dare and Cry

731 31 7
                                    

Alas-tres pa lang at katatapos ko lang rin maligo. Mamayang 6:30 pa naman ang birthday party ni Danica na gaganapin sa isang bar eh. I am not really into that idea but I guess kailangan ko makisama, siyempre kaibigan ko pa rin ‘yon. Hindi kasi ako mahilig pumunta sa bar, actually first time kong pupunta sa bar. Maraming invited doon, sabihin na nating influential ang magulang niya at mayaman naman talaga sila.

Nagpatuyo ako ng buhok, nag-plantsa at kinulot ang laylayan. Naglagay din ako ng light makeup, and when I say light I mean foundation, lip gloss, and mascara. Five o’clock daw ako dadaanan ni Lianne dito, magpapa-hatid kasi siya sa driver nila kaya isasabay na niya ako. ‘Yung kotse kasi namin gamit ni Papa at Mama sa work. At ang Ate ko naman eh busy sa pagpe-prepare ng kasal niya.

Binuksan ko ang closet ko at ano nga ba ang isusuot ko? At ‘yan ang dahilan kung bakit ako madalas sermunan ni Mama ‘pag may occasion kasi alam ko na nga raw na may lakad ‘di ko pa hinanda mga isusuot ko edi magtatagal pa raw ako sa pagpili. Sorry naman na ‘di ba? Nasanay kasi akong tshirt at jeans o kaya skirt o shorts eh. Bihira lang kasi ako mag-dress, ‘pag wala ng ma-suot.

Pinili ko ang neon pink ko na dress, alam ko maikli ito kaya nag-suot ako ng short para in case na may manyak do’n eh hindi niya makikita ang kung ano mang hindi niya dapat makita.

Nang mainitan ako eh naisip kong i-ponytail na ang buhok ko. Sayang pag-plantsa ko. Ayoko mag-tiis ganda eh kaya okay lang, maganda pa rin naman tignan ang buhok ko.

Saktong five o’clock ay narinig ko na ang busina kaya kinuha ko na ang purse ko, lumabas at ni-lock ang pinto kasi walang maiiwan dito sa’min. Nang masiguro ko na ang pagkakasara ay sumakay na ako sa sasakyan.

Nagda-daldalan kaming dalawa nang may tumawag sa cellphone ni Lianne. Si Danica. Ni-loudspeaker niya ito at sabay namin siyang binati.

“Happy Birthday!” we said in unison.

“Thanks girls! O na saan na ba kayo? Paalala ko lang 10 minutes na lang eh alas-sais na! Aba, bilis-bilisan naman pwede?”

Lianne pouted. “Girl, sorry traffic kasi eh!” Totoo namang traffic. Medyo malayo-layo pa sa venue.

“Ano ba naman ‘yan. O anyway, text me ‘pag mal-… Oh shit ang ga-gwapo!”

Nanliit ang mata ko sa kahibangan ng kaibigan ko. “Omg! Sino dumating?” na-e-excite na tanong ni Lianne.

“Zaragosa, Tiu, Delgado, at Mendez. Pucha sige kahit ‘di na kayo pumunta kuntento na ako dito!”

“You bitch!” I screamed.

“Siya sige, dito muna ako sa boys. Bye!” she said and ended the call.

O tignan mo ‘tong babaeng ‘to, nakakita lang ng mga lalaki kinalimutan na kami? Hello, kami kaya ‘yung mga kaibigan niya! How dare her!

Tumawa naman ng malakas si Lianne at binalingan ko siya ng tingin. “Galit na galit?” she asked in amusement.

Gregory's Aurora (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon