Marrying Kim Jongin 2: Payo

157 5 0
                                    

Hi! Mabilisang UD lang po ito. -> Comment/Vote

***

"You know what sis, Kilalanin mo muna siya, ask him." sabi ni Renee. nakwento ko kasi yung nangyari kahapon. Buong araw ko kasama si Kai, pero tahimik lang siya, siguro dahil dun sa nalaglag ko. pero diko naman sinasadya yun.

"Natatakot ako renee, what if girlfriend niya yun? o kaya ex? o kaya basta. pero i'm sure na importante yun dahil nakita ko sa galaw niya eh, tska mamaya mag-away pa kami dahil dun. kaya siguro tatahimik nalang ako, hindi pa naman niya ako girlfriend eh remember? nililigawan palang. soon syempre."

"chos! you know what? ang swerte mo. napaka laki ng mundo. napaka daming tao, pero siya parin ang ipapakasal sayo! noon hindi ako naniniwala sa destiny! pero now. i think this is the right time para paniwala ako sayo. so pano yan? goodluck! papasok pako sa trabaho, sa susunod ulit! byeee!" bago niya ibaba nag wave muna siya. kami nga ba ang para sa isat isa? destiny nga ba kami ni kai? Sana siya na. siya na sana..

[Kai's Pov]

(First Pov! Wiee!)

"Can we talk? Pls i need you Kai..." pag-kabasa ko ng text niya napatayo kagad ako. She needs me. But why? after all...

After all Kaibigan ko padin siya, She's my Best Friend.

"Pupuntahan mo siya?" Palabas na sana ako ng Condo ng biglang humarang si Suho.

"Kailangan niya ako."

"Tsk!"

"Tabi suho." Nakaharang kasi siya sa pinto kaya di ako makaalis.

"Kai, Nakalimutan mo na ba lahat? Lahat ng dinulot ng babaeng yan sa buhay mo. Lahat ng sakit na dinulot niya sayo? Do you remember? Ipapaalala ko lang Kai, Iniwan ka niya, Iniwan ka niya para sa iba, Iniwan niya ang Best Friend niya, Sinaktan ka niya diba? Kasi-"

"SHUT UP SUHO!" Sa sobrang inis ko nasigawan ko si Suho. Pero imbis na magulat siya, Ngumisi pa siya.

"Fine, Kahit hindi ko naman ipaalala, Alam kong hindi mo makakalimutan yun. Gusto ko lang sana kai, Walang masaktan sa Huli. Mahirap na. Baka ikaw pa ang masaktan." sabi niya tska umalis, Napapikit nalang ako. Kung hindi ko lang kaibigan si Suho, baka kanina pa basag ang muka niya, Kinuha ko yung phone ko sa bulsa dahil may nagtext.

"Kai, Lets talk." Napapikit nalang ako, Kailangan niya ako.. Kailangan din ako ni Xam.

"Xam, Sorry.. May practice kami ngayon eh." Sabi ko tska sinend, Sorry xam. Mas kailangan ako ng Best Friend ko.

Pag-baba ko ng sasakyan natanaw ko kagad siya.

Nakatayo habang nakatingin sa Kawalan.

Dahan-dahan naman akong lumapit sakanya, pero Malakas ata siyang makiramdam dahil papalapit palang ako humarap na siya saakin, Namumula ang mata, halatang matagal nang umiiyak. Tumakbo siya at yinakap ako.

"Kai.." Iyak lang siya ng iyak habang naka yakap sakin.

"Sssshh. Iiyak mo lang, Andito lang ako."

[Xam POV]

"Xam, Sorry.. May practice kami ngayon eh." Napapikit nalang ako. Bakit kung kailangan ko ng makakausap doon pa siya B.c. B.c nga ba? Napatayo nalang ako at Pinuntahan si Mommy.

"O? Anak bakit may problema ba?"

"Wala naman po, Pero ma, pwede niyo po ba akong samahan sa mall?"

"Sure." sabi niya.

"Red icancel mo lahat ng meeting ko." sabi niya tska binaba yung telepono.

"Lets go." sabi ni mama. Mag ka holding hands kaming sumakay sa sasakyan.

Habang bumabyahe nakatingin lang ako sa dinadaanan namin. Maganda talaga ang korea. Malinis at madaming makukulay na bulaklak. Pero parang namalik mata ata ako sa nakita ko, Si kai may kasamang babae, Nakaupo sila at masayang nag kwekwentuhan. Habang umaandar yung sasakyan sinusundan ko padin sila ng tingin ko.

Kinuha ko ang phone ko at Dali daling tinawagan ko si Kai.

"N-nasan ka? Kamusta practice?"

"Ah na-nasa park. Ayun nakakapagod pero enjoy."

"Okay, Ingat." Pag-ka end ko ng call, Napapikit nalang ako.

Totoo ba yung nakita ko?

O Namamalik mata lang ako?

Kasi kung siya nga yun..

Sino yung kasama niyang babae?

At hindi siya nag sabi ng totoo sakin..

Marrying Kim Jongin [Ft.Exo] (ONGOING)Where stories live. Discover now