SEATMATES ( Short Story )

444 7 7
                                    

Isang araw, nag-transfer si Natalie sa school kung saan nakilala niya ang kanyang naging seatmate na si Geoff....

Close na close silang dalawa....

Laging magka-kwentuhan, magkasama sa kalokohan at kadalasan SWEET.

Madalas ding napapagkamalang sila....

Dahil dun, nainlove si Natalie kay Geoff at nainlove din naman si Geoff kay Natalie.

Hanggang isang araw, nagkaroon ng lakas ng loob si Geoff upang magtapat kay Natalie at tanungin na rin kung pwede ba siyang manligaw...

Pero sabi ni Natalie... "HINDI!"...  busted siya kagad.

Kahit na sa totoo lang, may gusto rin siya dito...

Narinig kasi ni Natalie si Geoff na nililigawan yung isa nilang classmate na si Tricia.

Ang iniisip ni Natalie, niloloko lang siya ni Geoff...

"TRIP LANG" kumbaga...

Seryoso naman talaga ang binatang si Geoff sa nararamdaman niya kay Natalie....

Pero dahil babaero ito, Nanligaw siya ng ibang babae para mapagtakpan yung pang-ba-busted sa kanya ni Natalie...

At para hindi rin masira ang kanyang "PLAYBOY" Image sa kanilang campus.

Dahil si Natalie palang kasi ang kauna-unahang babaeng nang-busted kay Geoff...

PAGKATAPOS NG WEEKEND....

Nagulat si Natalie dahil may kasamang ibang babae si Geoff....

Ang kasama niya ay si Pamela.

Nag-sisi si Natalie nang makita niya ang dalawa...

Nagpakipot lang naman kasi siya.

Ayaw niya kasing tawaging "Easy-to-get"...

Lumapit sa kanila si Natalie, at hinila si Geoff...

Natalie: Uiii Ayieeee. Sino yan? 

           [ LECHE! Akala ko ba ako lang? ]

Geoff: Chix ko, Okay ba?

           [ Sorry huh? Pagseselosin lang naman kita ]

Natalie: Oo! Ganda grabe! ang putiiii! Jackpot ka jan dre! *apir

           [ Hmmmp. Mas maganda pa ako jan! Lalo na pag sinunog ko kaputian niyan! Sampalin kita jan eh ]

Geoff: Haha! Waley ka noh? Mas maganda sayo yan! NGA NGA!

           [ Mas maganda ka parin para saakin. At higit sa lahat, MAHAL na MAHAL kita! ]

Natalie: Oh sige, Alis na ko ha? May gagawin pa ko eh. Pagbutihin mo! =))

           [ Alis na nga ko! Ang sakit SOBRA! ]

Geoff: Sige, istorbo ka eh! Hahahah

           [ Parang wa-effect naman sayo =(( Di mo talaga ako gusto noh? ] 

Natalie: **Umalis na**

Umalis si Natalie, tumakbo sa kawalan, UMIYAK.

Sobra na ang pag-si-sisi niya dahil PINAKAWALAN niya pa si Geoff.

Pero sa ibang banda, iniisip niyang tama rin ang ginawa niyang desisyon...

Dahil iniisip niya na hindi talaga ito SERYOSO sa kanya.

SEATMATES ( Short Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon