Sino ang kabit niya?

22.3K 239 37
                                    

"Sa aksidenteng umusok ang wire ng ultrasound machine, sa totoong nangyari ay biglang nagbrown out lang..."




"Gandang araw ho 'Nong Lando... pasensiya na kayo kung pinapunta ko kayo rito..." humingi ako ng paunmanhin sa kakarating lamang na matanda dito sa bahay nila Daniel. Nasa ibang bansa kasi ang mga byenan ko kaya kami muna ang tumatao rito.

"Wag mo ng intindihin 'yun... nag-isip lang ako kung ano ang dahilan ng ito." sagot ng may edad ng lalaki sa akin at nilagok ang inihanda kong inumin. "Mayron' bang problema Leonna, hindi mo'ko paluluwasin ng ganito kung wala..." pinagmamasdan ako ng kaharap ko.

Tahimik akong tumayo dahil bumibigat na rin ang nasa sinapupunan ko. Mag-aapat na buwan na akong buntis pero kung titingnan ay ang laki na nito'y para sa isang apat na buwan.

Napansin yata ni Mang Lando ang tiyan ko kaya nagtanong siya.

"Ilan buwan na ba 'yang dinadala mo, mukhang manganganak ka na ah..." tanong niya sa akin na hindi ko muna sinagot. Inaabot ko ang cellphone kong naglalaman ng mga text messages na itatanong ko sa kanya. "Nasaan ba si Daniel Leonna, dapat hindi ka niya iniiwan sa kondisyon mong 'yan."

Napasimangot ako nang maalala ang asawa ko.

Nasaan nga ba siya ngayon?

"Wala ho ba sa inyo, tatlong araw nang hindi umuuwi..." humarap ako sa kanya habang dala ko na ang cellphone, binuksan ko ito at hinanap ang ipapakita ko sa kanya. "Nong, ngayon lang ho ako lalapit sa inyo ng ganito..." simula ko at naupo uli sa harapan niya. "Wala ba kayong alam tungkol dito?"

Sent Items:

01-24-2003 8:09 am : Nasaan ka na, dali na... uwi na ako ng Manila.

01-29-2003 7:10 pm : I love you... promise talaga.

02-18-2003 5:46 pm : Ganda mo... I love you.

03-06-2003 6:52 am : Hintay lang, punta ako diyan.

Nakita kong sinulyapan ako ng matanda at marahang ibinalik sa akin ang cellphone. Tahimik ko namang kinuha ito at inilapag sa tabi ko. Tiningnan ko ng deritso si Mang Lando at naghintay ng sagot.

"Nong, lahat ho ng mga araw na 'yan eh nasa Sta. Maria ho si Daniel... may alam ba kayo?" tanong ko sa matanda na agad iniwas ang paningin sa akin. "Buntis ho ako at madalas siyang wala dito, tulungan niyo ho ako... baka may mangyaring masama sa akin sa kakaisip sa kanya."

Nakita kong nagbuntong hininga si Mang Lando at tiningnan ako.

"Meyron..." sambit niya at umiwas uli ng tingin sa akin. "Nangako ako sa kanya na hindi ko papasukan ang relasyon niyong mag-asawa pero sa kalagayan mo ngayon ay kailangan mong magpahinga at erelax ang isipan... hindi mangyayari 'yun hangga't may bumabagabag sa'yo."

Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi pa ni Mang Lando. Ang umukit lang sa isipan ko ay ang nag-iisang kataga na binanggit niya... "meyron". Dumagsa ang galit sa puso ko sa nalaman ko, kahit kailan talaga hindi na magtatanda ang lalaking 'yun.

Pinilit kong ngumiti at kinausap uli ang matanda.

"Sino siya Manong, kilala ko ba 'nung 'andun pa ako, please... tulong niyo na ho sa akin."

KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon