Oneshots [FMMTRO] Normal Girl+Normal Life = Amazing Love-story?

51 6 11
                                    

Oneshots [Finding My Mr. The-Right-One] Normal Girl+Normal Life = Amazing Love-story?

0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0

Quote:

   Among all the fairy tales, I choose Shrek because that's where I learned that even imperfect people can have happy endings. 

0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0 

Skylie Jade Garcia's P.O.V.

--> Now playing: Perfect Two by: Auburn~

"Cause you're the apple to my pie.."

"And you're the straw to my berry.."

"You're the smoke to my high.."

"And your're the one I wanna marry.."

Kumakanta lang ako ng kumakanta habang naghu-hugas ng pinggan.. 

"Cause you're the one for me - for me.."

"And I'm the one for you - for--"

"JJAADDDEEEE!!!!" Ay anak ng tinapang nahulog sa kanal! >_< Muntik ko nang mabasag yung pinggan na hawak ko dahil sa pag-kabigla sa pag-tawag sa akin ng papa ko! Haayysstt.. Ayan na naman.. Utos na naman.

"AYAN NA PO! SANDALI LANG!" Sigaw ko naman kay papa. Binitawan ko yung pinggan na sinasabon ko saka nag-banlaw ng kamay. Alangan namang magpapa-utos ako tapos may sabon yung kamay ko noh? :3 Pinunasan ko ng bimpo yung kamay ko saka tumakbo papunta sa may kwarto ni papa. Hindi pilay, lumpo si papa.. Wala rin siyang sakit. Actually ang lakas lakas pa niya nga eh.. Kaya lang dakilang tamad at dahilang utusero yan. -.-" Nasanay na naman ako kapag uutusan niya akolagi-lagi kahit na may kapatid akong walang kwenta at wala nang ginawa kundi ang mamalagi sa kalye! (=__=:) Ganyan talaga eh, di naman kami mayaman. Normal lang. 

"Bakit po?" Tanong ko kay papa pagka-lapit ko sa kanya.

"Ibili mo ko ng candy yung X.O. kulay puti." Sabi niya sabay abot sa akin nung limang piso.

-______- Ano ba to? Nananadya lang? Papag-lakarin ako papunta sa pagkalayu-layong tindahan dyan sa kalyeng bilad na bilad sa araw para lang bumili ng LIMANG PISONG CANDY? Aba'y matinde! Pero ano pa bang magagawa ko? Hayy! Kinuha ko yung barya sa kamay ni papa at kumuhang payong at nagsimula nang tahakin--este lakarin ang 10 kilometrong layo ng tindahan mula sa amin. Pero syempre.. Joke lang! Mga ilang meters lang naman ang layo nung tindahan kung saan may nagbe-benta ng X.O. na kulay puti. Oh diba? Choosy kasi mga tindera dito eh! -_- Parang candy-ng inti-tinda lang kelangan pa namimili. Jusme lang! Pero wala.. Dahil sa ako'y masipag na anak.. :3 Go with the flow nalang ako sa buhay ko.

Nga pala.. Name ko is Skylie Jade Garcia. Ow bongga ng pangalan.. Kala mo mayaman eh noh? :3 Ikaw na bahala kung anong gusto mong itawag sa akin. I'm 16 years old and 4th year high school na ako. Top 3 sa class A, medyo nerd at normal lang as in N-O-R-M-A-L and buhay, no boyfriend since birth at higit sa lahat, WALA AKONG INTEREST SA LOVELIFE. Yun lang. *Bow* :D

WAAAAHHHHH!! TT^TT ENEBEYEN! TT3TT Tungunu lungs! Bakit kahit nakapayong ka na at lahat feeling mo na-prito ka pa rin?

Dear Mr. Sun,

Maawa naman po kayo sa aking balat! Pritong chicken na po ang peg ko dito oh! Pwede po bang pakibawas-bawasan ang init ng ulo nyo. Feeling ko po kasi masusunog na ang earth eh. 

Nagmamahal,

Jade <3

*ultimate face palm*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oneshots [Finding My Mr. The-Right-One]Where stories live. Discover now