Fate, not.

373 14 4
                                    

Fate, not.

 “There’s no such thing as fate, nor meant to be.”

Uwian na.

At malapit nang magpaalam si Haring Araw sa mga katulad kong natirang estudyante sa aming campus.

Ang tagal pa ni Manong Driver, halos sampung minuto na rin kasi akong naghihintay sa waiting shed sa tapat ng eskwela.

Naiinip na rin ako. Nangangamba sa sasalubong na armalite ng Step-mother ko.

Hanggang sa tuluyan nang binalot ng kadiliman ang buong kalangitan ay saka lamang nagpakita ang karatula ng bus na halos sambahin ko ngayon.

Unahan na sa pagsakay ng bus.

Kinalimutan ko na muna si “Maria Clara” nang mga oras na ‘yon.

Pagkaupo ko, ay nakahinga naman ako nang maluwag dahil saw akas ay makakauwi na rin ako.

Pero ilang sandali lang ay narinig ko naman ang kantang kadalasan nang nagpapa-emote sa akin.

♫Cause you’re a star, people love you as you are. You’re a million miles away from me...

Parang sinadya naman ni Bathala na gabi na ako makasakay at tiyempo pang sa bus ni Manong Driver na may pagka-emotero rin. Hindi ko naman naiwasang tumingala at tumingin sa kalangitan.

Isang pamilyar na bituin na naman ang aking napagmasdan...na animo time machine na nagpabalik sa akin sa nakaraan.

Maraming nagsasabi sa akin na isa raw akong ISIP-BATA.

Nagpapaniwala pa raw kasi ako sa mga fiction stories, partikular na sa mga Fairy Tales.

Hindi naman daw totoo yun at hindi na nag-eexist pa sa kalawakan ang magiting na si Prince Charming.

“Wala kayong pakialam di naman kayo ang naasa eh!” ang madalas ko na lamang na isagot sa kanila.

Oo, mahilig talaga ako sa fairy tales…

Naniniwala akong bawat babae ay may nakatadhanang Prince Charming nila.

Hindi pa nga lang dumadating yung akin.

Masyadong mabagal eh!

Pero sa totoo lang ay may candidate na rin ako bilang aking Prince Charming.

At ito ay walang iba kundi ang kaklase kong hindi lamang tulad ng isang prinsipeng makisig sa panlabas na kaanyuan, kundi taglay na rin niya ang angking talino ng isang tunay na Prince Charming.

Noong una ay CRUSH lang naman talaga ang nararamdaman ko sa lalaking yon.

Si DREW.

Paano nagsimula ang love story namin?

Actually wala naman talagang story, LOVE lang.

Hindi ang LOVE niya, kundi LOVE ko lang.

Magulo ba? Magulo siya eh.

Pero kahit ganun siya, feeling ko talaga, ako si Cinderella kapag kasama ko siya.

At kailangang-kailangan ko ring tawagin si Fairy Godmother para sa isang bonggang make-over!

Simula nang matuklasan ko ang totoong damdamin ko para sa kanya ay lagi na akong sinisipag pumasok nang maaga upang masilayan lamang ang gwapo niyang mukha.

Aktibo na rin ako sa klase. Kapag discussions, at may itinanong ang professor…

Taas-kamay ako agad, kahit hindi ko naman talaga alam ang sagot.

Alam niyo na, pasikat lang.

Kaya kapag minalas, at tinawag ni Prof…NGANGA!

Sorry prof, I don’t know the answer ang tema.

*****

Gabi-gabi na rin akong tumitingin sa kalangitan karamay ang pinakamamahal kong IPod at pinakikinggan ang kantang swak na swak para sa kanya.

♫Just give it a try, though I’m like chasing rainbows in the sky. I wanna hold you in my dreams and make belive that it’s true. Though I know, I know that it’s impossible to do

Pero hindi ako sumuko, bituin man siya na kay hirap abutin ay patuloy pa rin ako sa pag-asam na may Happy Ending na darating para sa aming dalawa.

****

Nagbibigay pag-asa na rin sa akin ang bawat ngiti at sulyap niya.

Tulad ngayon, nakangiti siya sa akin habang papalapit…nang….papalapit.

“Hi, Christine!”

Napakurap-kurap ako dahil sa narinig kong tinawag niya sa akin. First name ko. Kadalasan kasi ay sa surname niya lang ako tinatawag.

Ang baho pa naman ng surname ko Dimapansin.

“Yes, Drew?” pagpapacute ko pang tanong sa kanya.

“Ahh..ehhh..kasi… ano ehh..”

Nagtataka ako sa biglaang kakaibang ikinikilos niya. Napansin ko kasing kanina pa siya hindi mapakali habang patingin-tingin sa akin.

Hanggang sa may ideyang pumasok sa isip ko. Magtatapat na ba sa’kin to?

“Ano yun Drew?” lakas loob ko ulit na tanong sa kanya.

“Ah, diba best friend mo si Shane, yung katulad kong Dean’s Lister din sa klase?”

“Huh?”

Naguluhan ako bigla. Ano namang kinalaman ni Shane sa pagtatapat niya sa’kin?

“Yeah,” sagot ko na lang.

“Ah…kasi…”

Then bigla na lamang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa bandang likuran nya. Shet! Confirmed! Magtatapat na nga

He's handling a white rose! It's my favorite flower. Paano niyang nalaman yun?

“Ah, Drew… Para kanino ba yang hawak mo?” sabay nguso sa hawak niya.

“Huh? Eto?’’ tuluyan na niyang ipinakita ang rosas.

Tila nag-blush naman sya. Nag-blush din ako lalo na’t totoong white rose ang hawak niya.

“Oo, yan nga,” nakangiti ko pang tugon.

Napapakamot pa sya sa batok nya. Natawa ako lalo sa itsura niya. Para siyang natotorpe.

“Ahh.. kasi Christine.”

“Yes?” hindi na talaga ako makapaghintay.

Atat na atat na ako sa mga susunod niya pang sasabihin.

“Manliligaw kasi sana ako…”

Sabi ko na nga ba eh! Eto na ‘to! This is really is it!

Sasabihin ko na rin sana sa kanya ang tunay kong nararamdaman nang…

“…sa best friend mo.”

-END.

One Shot Stories &...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon