Battle # 4

23.9K 839 54
                                    

POV Samantha

Kahit kinakabahan ako at natatakot, tumayo pa rin ako sa kama ko at dumiretso ng banyo para maligo... pumasok pa rin ako ng school namin

Ang totoo nyan hindi ako natatakot sa mangyayari, natatakot ako para kay #2, isa parin malaking palaisipan kung sino ang #2 na iyon!

"Sam UY!"

"HAH?"

"Grabe ka naman Sam! Kanina pa ko kwento ng kwento dito hindi ka naman pala nakikinig, nakakatampo ah!" sarkastikong sabi sakin ni Ella, iirapan ko sana sya kaso may napansin ako, teka! Parang kulang kami?

"Teka? Asan si Jane?"

"Natatae daw, ayun tumakbo sa banyo" Sabi ni Joyce, grabe tong babae na to! Napakabulgar ng mga words na ginagamit, partida po babae po iyan! Hindi lang halata

"K." Yan na lang ang nasabi ko, pero ang totoo natatakot na talaga ko

Dahil nga nakakabagot sa room dahil wala paring gustong magturo samin, lumabas na lang kaming tatlo ng room

Habang naglalakad kaming tatlo... meron akong napansin, habang dumadaan kami umiiwas ang mga estudyante samin the magbubulungan na lang bigla! Grabe! Nakakailang lang!

"Diba taga class D sila?"

"Oo, may usap usapan dito sa school na sinusumpa daw ang Class D"

"Huh? Bakit naman?"

"May kumakalat na tsismis na namatay daw si Ma'am Eve at isang kaklase nila, eh diba once na nagstart ang sumpa tuloy tuloy na?"

"Hala iwasan na natin ang mga taga Class D A.K.A. 'Cursed Section' baka mahawa at madamay tayo sa sumpa"

Grabe talaga kapag nasa isang all girls school ka, nakakatuwa ang mga bulungan nila, nakakaflatter *Insert sarcastic tone here*. Kapag nasa isang all girls school talaga asahan mo na merong pakpak ang mga tsismis take note! Nadadagdagan pa nila ang storya! Tignan nyo ngayon, tinawag na nila kaming may sumpa! Hindi ba pwedeng aksidente lang ang nangyari?

Habang dumadaan talaga kami, talagang nahahawi ang mga taong nakaharang sa dinadaanan namin shocks lang! nakakahiya!

Kaming tatlo naman ay nakayuko lang habang naglalakad... para kaming nakagawa ng malaking kahihiyan! Nahihiya na ko kasi sirang sira na yung reputasyon namin, nahihiya ako kasi taga Class D ako... hiyang hiya na ko!

"Uy Sam ayos ka lang?" tanong sakin ni Ella

"Oo naman" Sabi ko sa kanya at binigyan ko sya ng pekeng ngiti, sinong magiging okay kung ganto lagi ang senaryo na makikita at mararanasan mo?

Biglang tumunog yung speaker na nakadikit sa lahat ng rooms , ginagamit yun kapag may mga biglaang announcement dito sa school

Gumawa ito ng kakaibang ingay.... Masakit sa tenga! Lahat kami ay napatakip sa tenga dahil ang sakit talaga sa tenga ng ingay, parang nakakabaliw ang tunog na ayoko na muling marinig pa!

"A-anong nangyari?" tanong ni Joyce

"Section D miss me?"

Nakita kong napatingin samin ang ibang estudyante at dali daling lumayo

"Ayan na naman ang sumpa!, lumayo na tayo sa kanila baka madamay pa tayo!"

"Kawawa naman ang section D"

"Hala! Kung ako sa kanila aalis na ko ng school na to"

Kung alam nyo lang ang nangyari kay Rylie nung nagtry syang umalis sa school na to, palibhasa mga walang alam sa mga totoong nangyayari! Puro tsismis lang ang alam!

Death Game: Don't Fall AsleepWhere stories live. Discover now