Chapter 19

3.6K 56 6
                                    

''Uhm sorry'' sabi ko tsaka tumalikod. Hindi mo pa sya mahal kaya wag kang umiyak dyan

Naglakad na ako pabalik sa sala ng may humatak sa braso ako at nakaramdam ako ng yakap. Sa amoy palang ay alam kong sya na ito, kaya tuluyan ng bumuhos yung luha ko.

"Damn it. I'm sorry" bulong nya pero hindi parin ako kumikilos, ni hindi ko rin sinusuklian yung yakap nya "Tahan na Noelle magpapaliwanag ako" lumayo muna ako saglit bago pinunasan yung luha ko

"Ano ka ba. Okay lang kaya di mo kailangang magpaliwanag sakin" ngumiti ako ng hindi abot sa mata "atsaka hindi ka dapat maguilty kasi wala namang tayo'' tumalikod ako at iniwan ko na sya sana nga kaya ko pa syang iwan.

*

"NOELLE!" may kumakatok pero hindi ko pinansin. It's just a hug atsaka sayo na mismo nanggaling na walang kayo diba?

"bubuksan mo ba ito o hindi? Bahala ka na nga dyan" napabuga ako ng hininga ng marinig ko ang yapak nya paalis. Siguro tama lang na hindi ko pinansin yung tawag ni Autry. Siguro kailangan ko lang to ipahinga. Kinuha ko yung cellphone na binili ko, wala naman akong number ni Nathalie kasi nga bago ito at hindi ko kabisado yung number nya, pati rin sa parents ko at sa kuya ko hindi ko alam yung number kaya naman hindi ko sya binubuksan. Kaya naman nagulat ako ng pagbukas ko eh may text message kaya binuksan ko

Unknown:
Hey Noelle

Uhh? Sino to? Pinunasan ko muna yung luha ko bago nagreply.

Me:
Who's this?

Nung tinignan ko yung message eh nung isang araw pa sinend yon. Nagulat naman ako ng magreply agad. Ang bilis naman nitong magreply?

Unknown:
Mike... este Zyke hahaha 

Napangiti ako sa nabasa ko. baliw talaga to. Kahit nahihikbi ako ng konti eh nireply-an ko na pero sinave ko muna yung number bago ko sya replyan

Me:
Baliw! Hahahaha

Zyke: 
Sayo.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Siguro naman nagbibiro lang sya kasi di ko alam ang gagawin ko kung hindi

Me:
Sira ka talaga!

Nalibang ako sa pakikipagtext sa kanya kaya naman hindi ko namalayang magtatanghalian na. masarap naman syang kausap kasi nalilibang ako ng sobra

"Noelle. Kain na!" katok ni autry. Nilock ko nga pala yung pinto kasi alam ko namang papasok lang basta basta si Autry

"Sige susunod na ako" sigaw ko pabalik

"Sige antayin nalang kita sa baba" tsaka ko narinig ang mga steps nya pababa.

Me:
Oy Mike! Kain muna ako

Nasend ko na bago ko narealize na mali nanaman yung pangalang nalagay ko

He's My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon