Her Boyfriend [ONE SHOT]

47.2K 1.5K 267
                                    

First attempt sa ONE SHOT. XD 

Pa-try? :">

-kitin

--------------------------------

Her Boyfriend

"Peter" tawag sakin ni Summer pagkapasok na pagkapasok niya ng classroom.

Lahat napatingin sa pagdating niya. Umupo ako at napaayos sa frame ng salamin ko dahil halos muntik mahulog na 'to sa pagiging tulala ko ng makita ko ang magandang dilag na 'to. . . na sa di ko alam kung kaninong palad at kung maswerte ba o malas 'to ay, girlfriend ko ang prisesang ito.

"How are you, babe?" tanong niya nung makalapit siya sakin at pinisil niya ang ilong ko.

Napanganga, at oo nguma-nga nga pa rin ako, dahil sa aking kagandahan ni Summer.

Di pa rin ako makapaniwala na syota ko siya.

"O--Okay lang ako." tipid kong sagot sa kanya.

Inilabas naman niya ang matamis niyang ngiti na naging dahilan ng pagtalbog ng puso ko sa iba't ibang lamang loob na matatagpuan sa katawan ko.

"Here's your breakfast!" bigla siyang may inilabas na lunch box sa harap ko. "I bet hindi ka na naman kumain dahil iniisip mo na naman ang exams natin for next month!"

Narinig kong tumawa ang mga kaklase ko pero pinabayaan ko nalang. Kasi kakaexam lang namin ng periodicals last week. O.A ba ako masyado?

Masama bang maging adik sa pag-aaral?

"Ikaw talaga! Ang sipag sipag talaga ng boyfriend ko!" ngumiti naman ulit siya at ako naman napanganga.

Eh kagandang bae ba ga!

Napailing nalang ako nung nakita kong iwina-wagayway niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko.

Her Boyfriend [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon