Third Chase

153 1 0
                                    

Kylie’s POV

            Tapos na ang weekends kaya eto na naman kami sa pagpasok sa school. Monday ngayon at syempre, late na naman ako.

“Ni hindi pa nga ako nakakapagsuklay! Mukha na naman akong bruha! Asar!” yamot na sabi ko sa sarili ko.

Minsan nakakainis maging babae, ay mali, MADALAS pala. Kailangan mong mag ayos ng buhok, magpolbo, magpabango at kung ano-ano pang chechebureche para lang tumino ang itsura mo. Ang masaklap pa doon, konti lang ang maitutulong noon.

‘Pag apak ko sa pinto ng room, ayun, late na nga ako.

‘Nice way to start your week, Kylie. Keep it up!’ Sarkastikong sabi ko sa sarili ko. Mukhang tatambay na naman ako sa labas nito.

At kung mamalasin ka pa nga naman, may quiz pa kami sa first subject ko! Naman o! “May mas lalala pa ba dito?!”

“Naks! At least hindi ako mag isa.” Napahinto ako sa pagwawala ko nang marinig ko ‘yung nagsalita sa likuran ko. ‘Bakit naman ngayon Niyo pa dininig ang hiling ko!’ dahan dahan akong lumingon at boom! “Good morning Kylie! Aga natin ngayon ah.” Nakangiting bati niya.

Sira na talaga ang araw ko.

“Pwede ba Arkhin,” sabi ko dito saka ako namewang, “Sira na ang umaga ko dahil late ako. ‘Wag mo nang dagdagan ang inis ko dahil baka maisugod ka pa sa clinic nang wala sa oras!” banta ko dito pero ang hinayupak, tumawa lang!

“Haha, ikaw naman o, lunes na lunes masyado kang mainit.” Wika niya saka ibinaba ang bag niya sa tabi ng bag ko. “Chill ka lang! kulang nalang umusok ‘yang ilong mo at bumuga ka ng apoy d’yan. Di ka naman siguro dragon ‘no?” Sabi niya saka tumawa nang tumawa.

Pinaningkitan ko siya ng mata habang pilit pinipigilan ang kamao ko bago ko pa maisuntok sa kanya. “Tsk.” Mas pinili ko nalang na layuan siya bago pa ako makagawa ng hindi maganda at madiretso sa Guidance. Ayokong magka-record.

Kinuha ko nalang ang sketch pad ko sa bag pati na rin lapis.

“Anong gagawin mo?” tanong niya habang nakatingin sa ginagawa ko.

“Lilipad. Syempre magdo-drawing! Ano pa bang ginagawa sa sketch pad at lapis?!” sabi ko saka ko inirapan. Tatambay nalang muna ako sa garden. Kailangan ko ng hangin at...

“Uy! Saan ka pupunta? Sama ‘ko! Boring dito ‘no!”

“Wag na wag kang susunod sa ‘kin kung gusto mo pang humaba ang buhay mo!” banta ko sa kanya saka itinutok ang lapis ko sa mukha niya. Taas kamay naman siya na parang hino-hold up saka tumango. Mabuti.

Dahil hindi ko lang gustong mapag isa sa mga oras na ‘to. Gusto ko ring lumayo muna sa kanya para... para malaman ko ang sagot sa sarili kong tanong. Dahil hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong magdesisyon.

Sa garden, doon ako nakatagpo ng katahimikang hinahanap ko. Bukod kasi sa puro halaman dito, e ako lang mag isa dito dahil nga class hours. Alam niyo naman na ako ang “dakilang late” kaya, eto ang drama ko.

Sinimulan kong kalmahin ang sarili ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Itinuon ko ang imahinasyon ko sa papel at lapis na hawak hawak ko hanggang sa magsimulang maka-imagine ako ng mga bagay.

Tuloy tuloy lang ako sa pagguhit at hindi ko muna inisip ang kalalabasan nito. Ganito ako mag-focus. Sige lang nang sige saka ko nalang poproblemahin ang kalalabasan.

At nang sa wakas ay natapos ko na ang munti kong art work, doon ko lang narealize na puro chibi ang mga ito. Babae at lalaki ang naiguhit ko at ayon sa mga nakadrawing, madalas silang mag away at magbugbugan. Natawa ako nang unti unting maunawaan ang mga iginuhit ko.

Ito’y walang iba kundi kami ni Arkhin. Ako ‘yung babae na laging nambabatok, nanununtok, nananabunot sa lalaki na walang iba kundi siya. Pero sa kabila ng mga panti-trip ko, tumatawa lang siya at nakangiting tinatanggap ang mga ginagawa ko.

Ang pinakahuling naiguhit ko ay larawan ng dalawa habang nakatalikod at nakaupo sa isang bench. Pinapanuod ang paglubog ng araw habang nakasandal ang ulo ng babae sa balikat ng lalaki.

“Hindi ko akalaing iniisip kong magkatuluyan tayong dalawa. Pati pala utak at imahinasyon ko nasakop mo na.” napangiti ako ngunit hindi ko alam na naiiyak din pala ako. Nakita ko nalang na may tumulong luha sa papel at nang hawakan ko ang pisngi ko ay doon ko napagtantong basa ito.

Tumingala ako at tinitigan ang may kataasang bubong ng garden. Ito ay plastic na bubong na kulay green kung kaya’t nakatatagos ang sinag ng araw dito. Pinagmasdan ko lang ito at hinayaang tangayin ako ng isipan ko sa isang lugar na miski ako ay hindi ko alam.

Susugal ba ako?

Hahayaan ko ba ang sarili ko sa pagkahulog kong ito?

Tama ba na sagasaan ko ang ibang tao para lang sa kaligayahan ko?

Susuko na ba ako at hahayaang tuluyang makapasok si Arkhin sa buhay ko?

Hindi ko alam.

Hindi ko alam pero handa akong sumubok. Gusto kong maranasan ang araw araw na pakiramdam na kasama siya. Araw araw makikita ko ang mga ngiti niya at hindi pinipigilan ang sariling ngumiti din pabalik sa kanya.

Hindi ko naman kasalanang nahulog ako sa kanya, hindi ba? Hindi ko kasalanang maramdaman ang tinatawag nilang pag ibig dahil kung ako ang papipiliin, hanggat maaari ayokong maranasan ito.

Oo, marahil ay isa nga akong duwag at takot masaktan pero, sino naman ang hindi matatakot sa mga bagay na maaaring magawa mo buhat sa pagmamahal mo?

Sino ang hindi handang mabaliw para lang makuha at mapasakamay ang bagay na hand among ilaban ng patayan makamit mo lang?

Sino ang hindi iiyak at masasaktan sa oras na hindi masuklian ang pagmamahal ang inalay mong pag ibig?

Sabihin niyo nga, kung kayo ang nasa kalagayan ko, ano ang gagawin niyo?

Tutulad ba kayo sa akin na kikimkimin nalang muna ang lahat hanggang sa iyong makakaya para lang hindi makapanakit ng iba? O sa simula palang ay ipaglalaban mo na ang kung anong nararamdaman mo kahit na alam mong may masasagasaan ka?

Sana lang ay makamit ko na ang tamang sagot para sa katanungang ito. Dahil habang tumatagal, baka mas lalo pang maging mali ang mga desisyong magagawa ko.

Three Sides of a Triangle [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon