P R O L O G U E

117 3 0
                                    

PROLOGUE

Patuloy na tumatakbo si Ana papunta sa kagubatan dahil ito ay hinahabol ng taong bayan, dahil nahuli itong umiinom ng dugo ng isang tao at dahil doon nalaman na ang kanyang totoong pagkatao na isa siyang bampira. Takbo lang ng takbo si Ana hanggang sa mapadpad siya sa isang napakalaking puno kaya naisipan niyang doon nalang magtago. Mabilis siyang umakyat sa malaking puno. Tagumpay naman siyang nakaakyat at hindi nga siya nakita ng taong bayan.

"Salamat naman at hindi nila ako nakita." sabi niya sa kanyang sarili.

Bababa na sana siya nang may bigla siyang napansin na isang napakalaking asong lobo at ito ay nakatingin sa kanya na parang gusto siyang sugurin nito (Dahil maglalaban ang asong lobo at bampira.)

Itinaas naman niya ang kanyang kanang kamay at mula doon ay mayroong lumabas na isang puting apoy at itinama niya ito sa malaking asong lobo. Mabilis siyang tumakbo, napakabilis kaya naman hindi na ito naabutan ng lobo.

Mabilis na nagtungo si Ana sa kanilang bahay at nasalubong niya si Aling Dona na buhat-buhat ang isang batang nagngangalang si Lenny. Agad niyang nilapitan ito at hinalikan sa noo.

"Dona, umalis na kayo dito." sabi niya sa kanyang kasama.

"HUH? Bakita?" nagtatakang tanong nito.

"Basta, umalis na kayo! Ilayo niyo  siya dito at huwag na huwag na kayong babalik!" sigaw nito. "Umalis na kayo!!!"

Wala na siyang nagawa kundi ang sundin ito.

Tuluyan na ngang umalis si aling Dona dala-dala ang sanggol na si Lenny. Naiwan naman si Ana. Bigla namang dumating ang asong lobo.

Battle of Wolves and VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon