CHAPTER 51: I JUST SAID IT

8.8K 96 15
                                    

CHAPTER 51

Mika's POV

"Nakit ko yun ah!"

Napalingon ako sa kanya ng bigla siyang magsalita ...

Si KIMMY lang pala!!!

Ano kaya yung nakita niya ...

Nagkibit balikat lang ako, baka yung kulitan lang namen kanina ni Tomsy yung nakita niya ...

Kim: (hinatak ako paharap sa pwesto ni Tomsy) "Sabi ko nakita ko yun!!" ulit niya at nagsmile ...

Ano ngang nakita niya? Bakit kelangan pa akong iharap kay Tomsy, na kumakausap ng mga taong nanunuod sa bleachers ngayon ..

Palipat lipat siya kapag nakausap na niya at nakapagpapicture sa kanya yung isang group or isang tao, mukhang may tinatanong siya, kasi after niyang magsalita napapailing yung mga taong kinakausap niya ...

Baka yung meaning ng 52545! So cute!!! XD

Napangiti ako while just looking at her .. Sabay batok naman ni Kimmy sa akin.

Mika: "Aray!" napahawak na lang ako sa ulo ko ...

Kim: "Hinarap kita dito para magsalita ka, hindi para titigan si Vic!!"

Mika: "Eh baliw ka pala eh! Anong sasabihin ko sayo???" tuloy pa din ako sa pagtitig kay Tomsy ...

Busyng busy siya, after sigurong makausap na ang lahat, umupo siya sa bench katabi ng bag ko at kinuha yung phone niya ...

Napapakamot pa ang bruha! Mukhang naiinis na Hahaha ...

Kim: "Para kang baliw dyan! Ngiting ngiti ka!" inirapan ko lang siya at inalis ko ang pag akbay niya sa akin.

Mika: "May topak ka ba Kimmy?" at bumalik na ako sa pakikinig sa sinasabi ni Ate Jacq

Kim: (hinatak ulit ako paharap) "Umamin ka na kasi...." she smirked

Eh loko pala to eh!!! Ano kayang aaminin ko!? Inaano ko ba to? HAHAHA Papansin ah!

Mika: "Eh ano kayang aaminin ko??? Ok sige!!!! I admit!!! Maganda ako!! Happy??" tinawanan ko lang siya ...

Kim: "Funny!" sarcastic niyang sagot. "I saw you mouthed something ... At alam ko kung ano yun!!!" tumataas taas pa yung kilay niya ...

Oh God!!! Please no!! Nakita niya yung binulong ko kanina??? Yung love you??? Wag naman sana!!

"Umarte ka kunwari di mo alam! Madali lang yan Mika!" bulong ko sa sarili ko

Mika: (nagkunot lang ako ng noo) "Huh??? Hahaha imbento ka na naman Kimmy!" sabi ko ...

Kim: "Nakita ko nga! Kunwari ka pa! Sabihin mo na nga kasi???" pang-aasar niya pa ..

Mika: "Wala nga!" tumalikod ako sa kanya at humarap sa team ..

Kim: "Ayaw mong sabihin??? Sige sasabihin ko na lang kay Vic yung nakita ko...." pambablock mail niya

No please!!!

Di ko na lang siya pinansin! As if alam niya kung ano yung sinabi ko kanina!!! I'm prettt sure hindi ...

Kim: "Aahhh ...  Ayaw mo ahh .. teka!!" nag ehem ehem pa siya at isisgaw ba sana ng.. "VVVIIIIII....." tinakpan ko agad ang bibig niya bago pa may makarinig sa kanya ...

Mika: "Oo na oo na!!! Sige na!!!" nakakainis tong panget na to eh!! Nadali na naman ako eh! Inalis ko na sa bibig nya yung kamay ko ...

Kim: "Pweh..." wow choosy pa sa kamay ko ah! "Good!!!" sabi niya at naningkit pa! Yuck!! diba bagay sayo! Ginagaya pa si Tomsy kapag nagpapacue! Eeww ... Nakakasuka!!

BETTER WITH YOU KaRa <3 (Mika Reyes And Ara Galang FanFic)Where stories live. Discover now