Panghihinayang

1.4K 62 20
                                    

"I lab yu na nga...mahal na kita Leo...sleep na tayo."

Napalunok si Car nang marinig ang sariling boses. Marahan pa nga niyang sinara ang pinto sa likuran, baka kasi marinig pa ito ni Regado.

"Can you say that again, babe?"

Eto na nga yung video na yon.

Hindi talaga na niya halos matandaan na nangyari ang napapanood niya, pagod na pagod ba naman after nilang...nilang...hay...

Wala siyang karapatang magsisi. Noong una palang naman alam naman niyang gago na si Leo. Tinanggap naman niya.

Sinapian siya ng katangahan ng panahong yon. Hopeless na kasi ang pakiramdam, kakasabi lang sa kanya na kailangan niyang sumunod sa Hawaii. Natakot siya na iyon na ang mga huling sandali na magkasama sila.

Nakita niya ang sariling gumalaw. Nakapikit na siya doon, papatulog na. Tumagilid nang bahagya at umunan sa balikat ni Leo. Saglit na nakita ang isang dibdib pero mabilis naman nito yong natakpan ng kumot.

Wala pa palang five seconds ang exposure ng pink na nipples niya. Kung yun lang naman ang laman ng scandal na yon, bakit pa kumalat ng husto?

"Car?"

"Hmmm..maya na nga uli...kulit..goodnight na... I love you.." Kasunod noon ang mahinang paghikab.

Nadinig niya ang tawa ni Leo background.

Tss. Nakakainis. Nagawa pa siya pagtawanan ng walang-hiya matapos makitaan ang dede. Siguro dahil--

"I love you more, babe."

Muntik na niyang mabitawan ang hawak phone. Buti nalang at nasalo agad, lagot siya kay Eric pag nagkataon.

Pero ano daw?

Parang sirang plaka na nag-playback paulit-ulit sa utak ang mga salitang yon habang may ilang segundong katahimikan ang maririnig sa video. Sa kanya lang nakatutok ang camera. Nakita niya ang pagaayos ng isang kamay sa ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha.

"I've said it and will say it again. You are the best thing that happened to me."

Walang nang bahid ng tawa yon. Dinig na dinig niya ang lahat na malinaw. Sumunod pa doon ang malalim na buntong-hininga.

Ito ba? Ito ba yung mga sinabi ni Leo? Hindi na niya nagawa pang marinig yon dahil naputol agad yung palabas noon nang magkagulo na sa auditorium.

"You saved me. Hindi ko alam kung ano na ang mga nagawa ko sa buhay ko kung kung di ka dumating. I was in the brink of losing hope, but you came...and I don't even.." isang malalim na buntong-hininga na naman.

"I don't care if lose my car right now. Or everything else. I already won cause I have you."

Napakagat siya ng labi si Car. Totoo ang tungkol sa pustahan. Pero..pero totoo rin din ang lahat ng sinabi nito.

"Can I have you forever?"

Pero imbes na sagot ang marinig, mahinang hilik nalang ang lumabas sa bibig niya doon. Mahinang tawa nalang ni Leo ang tumapos doon sa video.

Napailing siya. Teka. Sandali. Baka inedit lang yon? Pero hindi talaga. Imposible.

Inulit niya uli yong i-play. Isa pa. Isa pang ulit. Nakalima pang ulit bago makumbinsi ang sariling totoo nga yon.

Napakagat siya ng labi.

Ang tanga niya talaga.

Nadala siya nang galit kaya di siya naniwala sa lahat nang sinabi ni Leo noong pumunta ito ng bahay. Di niya agad naisip na naglakas ito ng loob na magpakita kahit na ba sinabihan na niya tungkol sa mga tyuhin. Nabugbog pero hindi lumaban, kahit alam niyang kaya naman nitong depensahan ang sarili kahit papaano.

The Bully and the BeastWhere stories live. Discover now