New Friend and New Enemies?

41 2 0
                                    

Reyna's POV

Recess ngayon at ang daming matang nakatingin samin.

ewan ko kung ako yung tinitignan o itong kasama ko

lumalaganap na talaga mga bubuyog sa panahon ngayon. -.-

eto naman kasing kasama ko eh ang kulit kulit -.-

ilang beses ba to iniri ng nanay niya? kunsume.

kung sa tingin niyo yung monggoloid na lalaki yung kasama ko. aba'y oo na! siya nga.

"ano nga palang pangalan mo?" tanong ko sakanya nung nakahanap na kami ng upuan.

"oh! himala! akala ko hindi mo na itatanong yan eh" aba't.

"hep hep. babarahin mo nnman ako eh. ako nga pala si arien fortalena ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa"

"may balat pala ang lupa" pagbabara ko sakanya

"aba'y oo naman! gusto mo sabay nating balatan? hahaha." tss. inirapan ko nalang tuloy

tapos na ko kumain kaya ilalagay ko na sana yung pinggan ko sa may lagayan kaya lang biglang may naramdaman akong basa sa uniform ko.

natapunan pala ako ng isang stupidong babae. -.-

"sorry po sorry po. hindi ko po sinasadya. may pumatid kasi sakin eh hindi ko alam kung sino. sorry po" mangiyak ngiyak na pagmamakaawa niya sakin

isa siyang nerd na babae. halatang lagi siyang inaapi ng mga tao dito. ayokong nakakakita ng ganito naaaalala ko yung sarili ko dati. yung panahong takot ako lumaban

may mga narinig akong nag si tawanan

bigla namang nag init ang tenga ko.

"sinong pumatid sakanya!?" sigaw ko.

lahat ng tao nakatameme. walang gustong magsalita walang nag bubulungan walang kumakain lahat nakatingin sakin.

"sinong pumatid sakanya!!?" nakita kong napatakip ng tenga ang ilan kasama narin tong nerd na to dahil sa lakas ng sigaw ko

naramdaman ko yung kamay ni arien sa balikat ko. wag lang sya mangingielam idadamay ko siya dito

"n-nakita ko p-po siya. siya po ang may gawa" turo ng isang maamong inosenteng babae sa isang grupo ng mga malalanding babae na kung mag make up eh akala mo pupunta sa club hindi sa school

yung mga palda nila ang iikli at yung mga butones nila sa uniform eh masyadong bukas. -.-

"kami nga. ano naman kung pinatid namin siya? mag mamala superhero ka? hahaha"-daga1 leader ata nila?

lumapit naman ako sakanya

"anong karapatan mo para mang api ng ibang tao? mang api ka kung may maipagmamalaki ka na. wag ka na rin sana nag uniform kung kitang kita naman yang lawlaw mong sus*"

aalis palang sana ko kaya lang hinigit niya yung buhok ko.

"anong karapatan mo para talikuran kami! kebago bago mo palang dito ang lakas na ng loob mong makipag away! hindi mo ba kami kilala ha!"-daga2

tinabig ko naman yung kamay niyang nakahawak sa buhok ko bago ako lumingon may nakita akong juice kaya ayun pag ka lingon ko tinapon ko sa mukha niya napa singhap naman yung mga tao.

"reyna. tama na" narinig kong sabi ni arien-.-

"hindi ko nga kayo kilala. at wala akong balak kilalalin kayo. presidente nga ng pilipinas ayokong makausap kayo pa kayang talampakan ko lang sa paa ang kamukha? subukan niyong saktan ulit tong nerd na to. ako makakalaban niyo!" matapang kong sambit sakanila

"lets go girls. i can't take this anymore"-daga3

"tss. runaway queens"

"ate reyna! maraming salamat po! thank you po ng marami. sobrang bait niyo po! maswerte po yung boyfriend mo po sayo " napalaki naman ako ng mata sa sinabi niya

"wala kong boyfriend. yang lalaking yan? katulong yan sa bahay namin" sabi ko. sabay walk out. mag papalit na ko ng uniform.

kakaiba naman tong school na to walang nangingielam na mga teachers. -.-

"reyna! hoy! reyna! wait lang!"

"oh? baket ba?" ang kulit talaga ng lalaking to -.- san kaya to pinaglihi?

"san ka punta? mag tatime na!"

"mag papalit ako ng uniform!"

"sama ko *smirk*"

"gagu"

---

"goodbye class"

woooo. uwian na! buti nalang hindi ako pinatawag sa principal office :))

"ate reyna!" oh! yung nerd. bat ba ate to ng ate? eh ka year ko lang naman to. section1 nga lang siya.

"yes?"

"salamat po ulit kanina eto po para sayo" binigyan niya ko ng isang malaking lollipop (≧∇≦)/ my favorite!! kalma reyna wag mong ipahalatang sobrang saya mo.

"thanks :) your welcome. basta wag ka ng mag papa api sakanila okay? maganda ka naman eh. mag ayos ka lang"

"sige po! babye po!"

nginitian ko nalang siya

next time papaayusan ko siya kay mama. si mama kasi marunong siya mag ayos kasi dati nag mamake up etc. yan sa mga artista pero tumigil na siya ewan ko dun kung baket. pero may sarili siyang parlor ngayon

makuwi na nga.

"reyna!" kelan ba nawala tong isang to?

"arien" pag sambit ko din ng pangalan niya. tawag ng tawag sa pangalan ko eh -.-

"ingat! love you!"

"gagu."

haist. sa araw na to may bago akong naging kaibigan at kaaway haha. nakakatawa.

oo na sige na sa dati kong eskwelahan sanay akong maging reyna

----

hiii! :* ang saya naman! may nag babasa na nito~ hahaha. asahan niyong mag uupdate ako ng mas maaga para sainyo. hohoho~ salamat po! ^^ xoxo. vote and comment pleashue? *0* ciao :*

-Annnnnnnnnnnnnn

Reyna ng UnibersedadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon