Your Death

12 1 0
                                    


Sa isang mansiyon na ako lang ang nakatira , isang binata ang lumapit saakin at sinabi niyang magtatago daw siya sa mansiyon ko, pero dahil sa hindi ko siya kilala hindi ko siya pinaloob, hindi niya pinansin ang sinabi ko at tumuloy siya sa mansiyon , tumingin ako sa labas kung sino ang humahabol sakanya pero wala naman. nagalit ako sakanya pero nagbati din dahil sa magalang at mabait naman , habang nga pinapagalitan ko siya tahimik lang siya at nakayuko sabay sabi ng paumanhin niya , aalis na sana siya ng tinanong niya ako kung pwede daw ba siyang bumalik dito paggusto niya , sinabi ko naman oo ,

kaya palagi na siyang pumupunta sa mansiyon Palagi na din niya akong kinakamusta , at kadalasan doon siya sa mansiyon naninirahan , at ginawang tambayan ang mansiyon ko

madalas din kaming lumabas at sumasama siya kapag nagjojogging ako . at hinahatid din niya ako papuntang school , minsan pa nga habang kinakausap ko siya tinitignan nila ako , ay ewan
siya atta yung tinitignan , paano gwapo din naman kasi talaga siya pero ang pinagtataka ko nakakunot lahat ng mga tao kapag tumingin sila sa pwesto ko , ayy bahala sila

hanggang sa ..........

Kapag kausap ko siya, kapag pinapatawa niya ako, kapag tumatawa siya , kapag kasama ko siya , yung ngiti niya , yung mukha niya na mukhang anghel , gwapo, yung buhok niya, yung lips niya, pulang pula, yung mata niya singkit , yung Yung -- yung Puso ko , bakit? bakit ko to nararamdaman sakanya , mabilis ang pagtibok nito kapag kasama ko siya pero may part na hinihila akong pigilan ang nararamdaman ko para sakanya pero bakit? Sa anim na buwan na pagsasama namin may mga napansin ako sakanya at yun ang naging tanong ko sakanya Bakit hindi siya nagpapahawak? sa anim na buwan hindi ko pa siya nahahawakan kahit sa kamay man lang palagi niyang nilalayo yung katawan niya saakin Bakit walang tubig ang lumalabas sa katawan niya? Bakit hindi siya natutulog paggabi? Bakit hindi siya kumakain? bakit?? mga bakit na gusto kong masagot "Tulala ka nanaman" sabi ni Crex habang naka tayo siya sa harap ko

"Crex!" siguro nga para di na ako nagtataka kailangan ko nang tanungin "Bakit?" "sa anim na buwan na pagsasama natin marami akong napansin, alam mo ba kung ano yun?"

"ano yun?"

"una sa lahat bakit hindi ka nagpapahawak? , kahit man lang sana yung kamay mo pangalawa bakit hindi ka kumakain? hindi ka ba nagugutom? tsaka bakit hindi ka natutulog? tapos nung tawagin kita sa malayo lahat ng tao tumingin saakin ng may pagtataka? at ang huli bakit ? bakit bigla bigla ka nalang nawawala? "

"gusto mo ba talaga malaman Kyla"

"o-oo" kinakabahan ako , sana kung ano man yung tunay na rason matanggap ko

"magpromise ka muna sakin" tumingin siya saakin ng seryoso

"anong ipropromise ko?"

"ipromise mo na , wag kang iiyak tsaka ipromise mong hindi ka mawawala bukas sa bahay , may okasyon eh" kita mo sa mata niya yung pagkaseryoso na nahaluan ng lungkot

"bakit ako iiyak?"

"basta , gusto ko bukas nasa bahay ka , gusto ko wag kang umiyak pagnakita mo akong nakatuxedo"

"birthday mo ba?" tumawa siya

"haha, siguro ,basta promise mo yun ah"

"promise meron ka pa bang sasabihin?"


"at sana hindi ka pa nahulog saakin " awtsu sakeet, sana nga pero nahulog na ako eh

"s-sige" isang ngiti ang binigay ko sakanya kahit na mali , mali bang mainlove ako sa gaya mo?

"meron ka rin bang sasabihin?"

"ah,eh umm ano, yung tanong ko kanina di mo ba sasagotin?"

"Lahat ng tanong mo masasagot bukas , pumunta ka ha , eto address, see you there"

binigay niya saakin yung papel na may sulat tsaka siya tumakbo palabas ng mansiyon , hinabol ko siya pero pagkarating ko sa labas wala na siya




Uknown Pov.

kinabukasan.....

eto ang araw na malalaman lahat ni Kyla lahat lahat ng tungkol kay Crex

nang nasaharap na siya ng gate nagtaka siya bakit lahat naka puti ? yun ba yung kulay na pinili niya para dito sa kaarawan , isang guard ang lumapit sakanya

"miss ka ano ano ka ni mr. jino" jino? teka , Crex ang alam kong pangalan niya eh

"si Crex po ba?"

"teka miss, ayaw ni Mr.Jino ang tinatawag siya ng nickname niya , kapag importanteng sakanya yung tao , ayos lang sakanya " so ibig ba nung sabihin , importante ako sakanya ?

"pero kuya guard yun po yung sinabi niya eh , tawagin ko daw siya ng Crex"

"swerte mo naman , kaano ano ka ba niya"

"kaibigan po"

"kaibigan nga lang ba?"

"halluh kuya, anyways saan po siya?"

"nasa loob , pumunta ka nalang doon"

Kyla Pov.


tinuro ni kuya guard yung pinto kung saan ako pupunta, kaya naglakad na ako papunta roon
at nang pagpihit ko ng door , may isang babae ang lumapit saakin hindi ko pa nabubuksan yung door ng tuluyan , umiiyak ito saka siya tumingin saakin na para bang sinusuri ko sino ako

"Kyla?" teka bakit niya ako kilala "Ija, Kyla ba pangalan mo? Ikaw ba ito" pinakita niya saakin yung picture ko na nawawala noong una kong nakilala si Crex

" ako nga po"

" tara pasok ka ija"

"sige po"

binuksan ko na ng tuluyan yung door , napatulala nalang ako sa nakita ko

"umm mali po atta yung napasukan ko " natatawang naiiyak na sinasabi ko iyon habang yung babaeng kasama ko umiiyak siya , grabe ang pag iyak , yinakap niya ako habang ako tulala at hindi maintindihan , di ko alam ang gagawin ko , anong nangyari , hindi eh , mali yung napasukan ko , mali , sigurado ako "diba po mali yung napasukan ko?diba po? diba?" umilang siya, nanghihina ako , para akong babagsak , hindi to maaari kahapon kausap ko lang siya , hindi eto ba? eto ba yung sagot sa mga tanong ko? hindi eh , mali to .. kinausap ako nung babaeng kasama ko pinaupo niya ako , sinabi niyang siya daw ang nanay ni Crex.. nahihiya ako , nahihiya ako kasi ang oa ko kesa sa nanay niya , pero di ko talaga mapigilang umiyak , iyak ako ng iyak
nagpromise ako na hindi ako iiyak , oo alam ko yun pero makita kitang nakahiga at malamig na bangkay nalang ay masakit masakit para saakin tanggapin , kaya ba hindi ka nagpapahawak kasi alam mong hindi kita mahahawakan? lahat nang tanong ko naagot na ngayon , nasagot nga pero wala ka na , ano pa bang magagawa ko

isang kamay ang humaplos sa mukha ko habang akoy umiiyak , haplos na malamig , nakakatindig balahibo, at yinakap ako

"diba nagpromise ka saakin na hindi ka iiyak?" yung boses na yun kilalang kilala ko , ang pinakamamahal ko , nagbalik na

"Crex?" sa pagsabi ko nun tumingin saakin yung nanay ni Crex

"Teka? Kyla andito ba siya? nakikita mo ba siya?"

" opo" umalis si Crex sa pagkayakap ko

"anak? anak ? kung naririnig mo man ako ngayon , pasensiya na sa lahat ng nagawa ko , mahal na mahal ka namin" lahat ng nasa loob nakatingin saamin, takot na takot

"pwede bang pakisabi sakanya na , ayos lang yun at alam ko namang mahal nila ako "

"ayos lang daw po yun at alam niya din daw pong mahal niyo siya"

"alam mo ba ija , habang nasa hospital kami , at dahil nga nasa coma siya , pitong beses niyang tinawag yung pangalan mo habang nakatulog siya at isang picture ang nakita naming nasa dibdib na niya at dun ko nakita tong picture na pinakita ko kanina sayo "

tumingin ako kay Crex kinindatan lang niya ako

"cge kukuha lang ako ng kandila ija ah" lumabas na ang kaniyang ina

naiiyak pa ako
" uy nagteteary eyed siya , wag ka nang umiiyak , alam mo masaya akong nakilala ka nang nanay ko , nanay ko na nanay mo , buti nga magaan ang loob niya sayo eh , tsaka kanina pa kita hinihintay , lahat nga ng babae kaninang pumunta dito pina alis niya , ikaw lang talaga yung linapitan niya kanina at tinitigan ng matagal , tapos natawa pa ako kanina yung kinilig ka kasi yung sinabi ni kuya guard"

"kaloka to"

"mahal kita"

"mahal din kita" kung ako nagulat sa sinabi niya , ganoon din siya , nagulat din
" mahal kita Crex ,matagal na , kaya sana di mo ako iniwan , nakakainis ka , bakit mong piniling maging malamig kesa sa maging mainit " marami pa akong sinabi sakanya

at dun na siya nagpaalam ng tuluyan, paalam mahal ko

1st (OSS) Your DeathWhere stories live. Discover now